Kabanata 43

118 2 0
                                    


Kabanata 43

Tahimik at nakapamulsa akong naglalakad patungo sa napag usapang lugar. Bago pa man dumating ang araw na 'to ay nakapaghanda na kami.

I'm sure magugulat si lolo sa makikita niya mamaya.

Ang inaakala nila lolo Ferdinand ay nasa singkwenta lang ang kasama namin pero nagkakamali siya. May mga pulis kaming kasama at meron pang ibang darating kung sakaling mas maging magulo ang sitwasyon. Nadagdagan ang mga kasama namin dahil sa tulong ng dalawa kong kapatid at ni Raen.

Siguradong walang idea si lolo na set up ang lahat ng 'to

Nandun na din sila ng makarating ako sa napag usapang lugar at mukhang hinihintay na lang ako.

Palihim akong napangiti ng makita si lolo. Hindi niya talaga alam ang pagkakaiba sa pagitan naming dalawa ng kakambal ko.

Buong akala parin niya ay si Devin ang pupunta dito pero hindi niya alam na nakipagpalit ako ng pwesto sa kakambal ko. Ngayon napatunayan ko ng tama ang mga hinala ko sa kanya.

Hindi siya ang totoo kong lolo. Hindi siya si Lolo Ferdinand.

"Devin, apo, nakuha mo na ba ang black camilla?".nakangiting bungad niya sa akin, napangisi na lang ako bago tumango. "I'm so proud of you. Give it to me, grandson".

Inilabas ko ang relo at yung kwintas pero ng malapit na itong mapunta sa kamay niya ay ibinulsa ko ito ulit. Kumunot ang noo niya pero agad din siyang ngumiti sakin.

"Bakit hindi muna tayo magkuwentuhan lolo?".

"O-oo naman. Ano bang gusto mong pagkuwentuhan natin?".

May kung anong takot ang bigla na lang dumaan sa mga mata niya. Masyado ata siyang tensyonado.

"Bakit hindi natin pag usapan yung mga nangyari last November 30, 1990".nakangisi kong sabi na nagpalaki sa mga mata niya. "Ang taon kung kailan pinatay mo yung totoo naming lolo".

Bahagya siyang napaatras. "A-anong pinagsasa sabi mo?".halos matawa pa siya pero patuloy naman siya sa pag atras.

"Year 1988 ng magkakilala kayo ni lolo. Tinanggap ka niya ng buong buo"

"Devin, ako ang lolo mo. Sino bang tinutukoy mo apo?"

"1989, you discover the black camilla. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ni Lolo kaya sinabi niya sayo ang tungkol sa relo at kwintas na pinamana samin pero gaya ng iba, sakim ka din sa kayamanan. Hiningi ko ang report ng bank account ni lolo. Nalaman ko na nung 1990, humingi ka ng malaking pera sa kanya dahil nasa ospital kamo ang iyong anak".

"H-hindi totoo yan. Apo, ako ito. Ang lolo Ferdinand mo".

Hindi ko siya pinakinggan. Hindi na niya kami maloloko.

"Sinabi sakin lahat ng dati nilang katiwala ang nangyari. Binigyan ka ni lolo ng higit sa halagang kailangan mo at ilang araw lang ang lumipas ng makita ka na sapilitang pumasok sa opisina ni lolo at walang awa siyang pinatay. At ang pera? Hindi mo yun ginamit para sa anak mo dahil wala ka naman talagang anak. Ginamit mo ang pera para mapabago ang mukha mo".

"Pwede ba manahimik ka na? Hindi totoo ang mga sinasabi mo".tensyonado niyang sagot.

"Nagpaplastic surgery ka at pinagaya mo ang mukha ni lolo. Nang maayos na ang lahat, naglaramdam ka ulit. Pinalabas mo noon na nanggaling ka lang sa ibang bansa kaya ka natagalang makabalik at pinaikot mo kaming lahat!".

"Hindi iyan totoo Devin, ako ang lolo mo!".

"Ang lolo ko ay left handed, hindi kagaya mo. Alergic siya sa seafoods, hindi kagaya mo. Hindi siya sakim sa pera, hindi kagaya mo at higit sa lahat.. " lumapit ako sa kaniya at inangat ang kanyang damit. "May tahi sa dibdib ang lolo ko, hindi kagaya mo. H'wag mong sabihin na bigla na lang yung nawala Trevor?".

Napalunok na lang siya bago tumingin sa kanyang mga kasama. Bukong buko ka na.

"Patayin siya".malakas niyang utos.

Mabilis na nagsibunot ng mga baril ang kanyang kasama habang ako naman ay nanatili lang na nakatingin dun kay Trevor- si Trevor inakala kong si lolo Ferdinand.

"Ano pang hinihintay niyo? Patayin siya".

Hindi ako nanlaban, hindi ako kumilos at nanatili lang na nakatayo. Ito na yung kinakatakot ko. Nahuli na kami. Huli na lahat para sakin.

Sa ngayon, ito nalang ang magagawa ko. Ang matuon sakin ang atensyon nila habang wala pa ang mga pulis para kunin ang black camilla.

Ramdam na ramdam ko ang bawat balang bumabaon sa iba't ibang parte ng katawan ko pero nanatili akong nakatayo.

"Akin na ang black camilla".malakas na sigaw pa ni Trevor at tinutukan ako ng baril.

Nakahiga na ako sa damuhan at hindi na makagalaw kaya naman sapilitan niyang kinuha iyong relo at kwintas sa bulsa ko.

Tunawa siya ng malakas ng makuha yun.

"Sa wakas, nasa akin ka na din".sigaw niya bago ako tinalikuran pero nakakailang hakbang pa lang siya ng bigla akong tunawa.

Napahinto ito sa paglalakad.

"Napakalaki mong tanga, Trevor. Hindi mo ba alam na peke ang relo at kwintas na hawak mo?".

Bigla siyang napatingin sa akin at tinitigan ako ng masama.

"Peke ang hawak mo kase wala na samin ang totoong black camilla".

Patakbo itong lumapit sa akin at kinuwelyuhan ako kaagad. "Nasaan ang black camilla?".galit na sigaw niya.

"Lumapit ka para malaman mo".

Para siyang tanga na basta na lang lumapit sakin.

Agad kong inilabas ang kutsilyo na kanina ko pa tinatago at mabilis siyang sinaksak sa likuran.

"N-nagkamali ka ng kinalaban. H-hindi mo ako kilala".sabi ko habang patuloy na tumutulo ang dugo mula sa bibig niya.

"S-sino ka--".

"A-ako si Glean".muli ko siyang sinaksak at muli na namang tumalsik ang mga dugo.

Napahandusay na lang siya damuhan ng tuluyang malagutan ng hininga. Nabitawan ko na lang bigla ang kutsilyo at napatingala sa kalangitan. Hinang hina na ako dahil sa napakaraming balang tinanggap ng katawan ko.

Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang sasakin si Trevor sa kabila ng panghihina. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at napalunok.

Salamat at dumating ka sa buhay kong muli.. Ri-Ri ko!

"M-mahal na mahal kita, R-rien. H-hanggang dito na lang a-ako. P-paalam"

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon