Kabanata 6

222 9 0
                                    


Kabanata 6

"Zakhia, sandali lang naman oh".tawag ni Devin na patuloy lang sa paghabol sa akin."May sasabihin lang naman kase ako!".

"Tungkol saan ba yang sasabihin mo?".naiirita kong tanong habang patuloy lang din sa paglalakad.

Ayoko siyang lingunin. Naiinis ako.

Nadinig ko ang mga yabag niya na bigla na lang bumilis hanggang sa nasa harapan ko na siya."Cassy, right? She's one of your friend".napatingin ako sa kanya at takang tumango.

"Bakit?".tanong ko pa.

"Hinahanap ka kase niya. Pati si Ran at si Jean, nasa labas kahapon, hinihintay ka". panimula niya."Tinuro ko sa kanya kung saan kita huling nakita pero wala ka naman daw kaya ayun umalis na din!".nakanguso niyang paliwanag.

Nakakainis bakit ang cute niya?.

Napatigil naman ako bigla sa pag iisip ng kung anu ano ng may bigla akong maaalala. Dahan dahang nag init ang dugo at ulo ko ng muli ko iyong matandaan.

Tininginan ko ng masama si Devin at tsaka lumapit sa kanya. Bigla namang napakunot ang noo niya pero pinagsa walang bahala ko na lang 'yon. Nagpatuloy lang ako sa paglapit sa kanya habang siya naman ay dahan dahang umaatras hanggang sa mapasandal na lang siya sa isang poste.

Kitang kita ko ang pagbaba-taas ng kanyang adams apple ng bigla siyang lumunok."B-bakit?. M-may problema ba, Rien?".nauutal na tanong niya bago muling lumunok.

Mas lumapit pa ako sa kanya hanggang sa halos masubsob na ako sa kanyang dibdib. Kainis. Ang tangkad. Bahagya naman akong tumingala at tinitigan ang mga mata niya.

Kinuwelyuhan ko siya bago nagsalita."Sino yung kasama mong babae kahapon ha!".mataray na tanong ko.

Lalo lang kumunot ang kanyang noo."Sinong babae?".balik tanong niya sa akin."Wala naman akong kasama kahapon ah. Si Cassy lang".tugon nito.

Mas pinanliitan ko siya ng mata at hinigpitan ang hawak sa kanyang kuwelyo."Anong wala? Anong si Cassy lang? E, nakita kita kahapon na may kasamang babae at magkaakbay kayo habang naglalakad dun sa may field!".sumbat ko.

Shit. Nababaliw na ata ako!.

May nakakalokong ngiti ang bigla na lang kumawala mula sa kanya."Ano ka ba? Si Quincy lang 'yon, kaibigan ni kuya Sky".natatawang sabi niya.

"Kaibigan ng kuya mo? E, bakit kailangan magkaakbay pa kayo ha?".

Hindi kaagad nakasagot si Devin. Tumingin muna siya sa paligid kaya naman lumingin din ako sa buong hallway. Takte. Ang dami ng nakatingin sa amin.

"Pwede bang umalis na kayo".utos ni Devin na agad naman nilang sinunod.

Mabilis pa sa alas kwatro'y kami na lang dalawa ang nandun. Lahat ng nasa hallway kanina, pumasok na sa mga room nila.

"Ano ulit yung sinasabi mo, Rien?".nakangiti niyang tanong sa akin. Parang iniinis pa niya ko lalo.

Padaskol kong binitawan ang kuwelyo niya."Wala! Bahala ka sa buhay mo!".naiinis kong sabi at tumalikod na sa kanya.

"Uy, nagseselos si Rien ko".biglang nanindig ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.

Rien ko? Sira.

Nakataas ang isang kilay ko ng tapunan ko siya ng tingin."The fuck? Anong Rien ko ang sinasabi mo?".parang nandidiri kong tanong pero nginitian niya lang ako.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil parang may kakaiba dun sa ngiti niya. Geez! Parang walang gagawing matino.

Mas dumoble ang kabang nadarama ko ng dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin suot pa rin ang nakalolokong ngiti niya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Bigla niya akong inakbayan at nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko.

"May gusto akong puntahan kasama ka, Ri".

'Yon ang huling sinabi niya bago ako hinatak papunta sa isang pamilyar na lugar. Parang nawala ako bigla sa katinuan at nagpatianod na lang sa paghila niya sa akin haggang sa siya na mismo ang huminto at tama nga ako, nandito na naman kami sa likod na bahagi ng Admerson.

Pero parang ngayon lang ako nakapunta sa gawi na ito. Mas mapuno dito kesa dun sa pinagdalhan sa akin ni Skyler nung nakaraan.

Napatingin ulit ako kay Devin na ngayon ay titig na titig lang sa akin habang nakangiti. Shit. Anong iniisip ng mokong na 'to ngayon? Well kung ano man 'yon ayoko ng alamin kase masyado na akong kinakabahan.

Mas lumawak ang mga ngiti niya."Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit tayo nandito?".natatawang tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Devin."Huh? B-bakit nga ba?".pagtataka ko.

Bahagya siyang yumuko at halos magdikit na ang mga mukha namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa."

"Secret".nakapangingilabot na sabi niya lalong nagpakaba sa akin.

Tangina. Anong secret ang nalalaman nito?

"A-ano bang pinagsasa sabi mo?".kabado kong tanong bago siya tinulak palayo pero agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Damn. Tama ba yung naramdaman ko? Parang may kuryenteng bigla na lang dumaloy sa pagitan naming dalawa. Shit. Kadiri na 'tong iniisip ko! Imposible!.

"Handa ka na ba Rien ko?".

Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon at di pa man ako nakasasagot ay bigla na lang niya akong hinatak papunta sa mas mapuno pang bahagi ng Admerson.

Bahagya naman akong nakaramdam ng pagkamangha at pagkagulat ng may isang maliit na kubo akong nakita sa gitna ng mga nagtataasang puno. Alam nyo yung mga bahay sa probinsya? Ganon ang itsura niya at ang cute!

Napatingin naman ako kay Devin ng bigla siyang bumuntong hininga. Naabutan ko siya na nakatingin sakin. Parang may gusto siyang sabihin.

"Ayos ka lang ba?".alala kong tanong kase para syang kinakabahan.

Tiningnan niya ako at tsaka bahagyang ginulo ang aking buhok."Ok lang ako".nakangiti sagot niya kinurot pa yung pisngi ko."Tara sa loob".yaya pa niya sa akin at walang kaanu ano'y pumayag naman ako.

Ewan ko ba pero nawala bigla yung pagka ilang, kaba at takot sa akin. Napakagaan ngayon ng pakiramdam ko at para bang ang saya saya ng buong paligid.

Pakiramdam ko hindi 'to yung unang beses na nakapunta ko sa lugar na 'to. It feels like, I've been here before.

Pumasok kami dun sa maliit na kubo at laking gulat ko ng makita na talagang para iyong bahay. May maliit na sala na kasya lang para sa dalawa, kusina, kainan at may papag din sa gilid. Kung iisipin niyo parang pwede na talaga itong tirhan.

Binitawan ni Devin ang kamay ko at lumapit sa isang estante. May kinuha siya dun hanggang sa mapagtanto ko na isa iyong gitara.

"Would you like to sing a song with me? Please, Rien?".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon