Kabanata 40Glean's POV
"Devin., can we talk?".bigla naman siyang napatingin sa akin at tsaka tumango.
Napabuntong hininga ako bago naglakad patungo sa basement ng bahay namin. Dito nakatago yung mga baril ng lolo namin. Rehistrado lahat ng baril na 'to pero never pa naming ginamit. Hindi naman kase kami ganung klase ng tao. Kagaya ng sinabi ko noon, hindi kami nananakit. Pinoprotektahan lang namin ang black camilla. Katulong kami ng pulis at hindi kami member ng underground society. Pinalabas lang ng mga tao na masama kami dahil samin pinama yung black camilla.
Mabilis na bumukas yung pinto sa basement matapos kong itapat ang daliri ko sa isang button para makuha ang fingerprint.
Isang madilim na kwarto ang agad na bumungad sa aming dalawa. Hinanap ko ang switch ng ilaw at nagliwanag ang buong paligid. Puro salamin ang buong kwarto na ito pero sa kabila ng mga salamin na 'yon nakatago ang iba't ibang klase ng baril.
Hindi ko talaga alam kung bakit may ganito si lolo noon at kung bakit niya kami pinilit na matutong humawak ng baril nung bata palang kami.
Pinindot ko ang isang button at agad na umikot yung salamin. May kanya kanya kaming pagmamay ari dito at maswerte ako kase sakin ipinamana ni papa yung pinakakakaibang baril na meron siya.
He used to call that gun as black rose kase may nakaukit sa handle nun na isang rose. Pasadya talaga.
Kinuha ko ang isang baril at itinutok iyon sa ulo ng kapatid ko. Nakita niya ang ginawa ko pero ngumisi lang siya. Ang napakainosente niyang ngiti ang ayaw kong mawala.
Mas mahal ko ang mga kapatid ko kesa sa sarili ko. Mas gugustuhin ko na ako na lang ang mahirapan at hindi sila.
"Ano ang pag uusapan natin Glean?".
Isang nakalolokong ngiti ang agad na kumawala galing sakin bago ako naglakad patungo sa kinatatayuan niya at inabot sa kaniya yung baril.
"Patayin mo ko.. "
Bakas na bakas mo ang pagkabigla sa mga mata ni Devin at alam kong hindi niya naiintindihan ang gusto kong iparating.
"Anong sinasabi mo?".nagtatakang tanonh niya at akmang ibababa na niya iyong baril pero mabilis ko siyang pinigilan.
Napalingon siya sa akin at ako naman ang umiling sa kanya.
"Bakit naman kita papatayin? Gago ka ba?".
Isang mapait na ngiti ang umukit sa labi ko at mukhang hindi niya nagustuhan yun.
Naglakad ako patungo sa isang mesa at naupo sa swivel chair. Si Devin naman ang naupo sa isang high chair na nandun at tinitigan ako ng maigi.
Bigla akong napatingin sa frame na nakapatong sa mesa ko. Picture naming apat yun.
Sana gaya na lang ng dati ang lahat. Tahimik pero masaya tayong magkakasama.
"Glean diretsuhin mo nga ako. Ano bang plano mo?".tanong ni Devin ng hindi ako kumibo.
Lumingon ako sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo nyan? Nno nga ba ang pinaplano mo?".
Hindi siya nakasagot dahil sa tanong ko kaya naman napailing nalang ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun. Bakit siya kumampi kila Nathan?
"Simple lang naman ang hiling ko Devin, gaya ng ginawa natin nun. Magpapalit tayong dalawa".
"Tanga ka ba Glean? Hindi ako papayag sa sinasabi mo--"
"Papayag ka kase yun ang kailangan".mahinahong sabi ko bago ako napatingin sa kanya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko. "Devin, why are you doing this? Kilala mo si Nathan, papatayin ka rin nila sa oras na makuha na nila ang black camilla sayo".
"Alam ko ang tungkol dun. Alam ko na papatayin nila ako. Kaya nga ako pumayag hindi ba? Para matapos na. Hindi na aabot ang warrant arrest galing sa pulis. Huli na tayo, Glean"
"Hindi mo 'yon kailangang gawin Devin. Ako ang pupunta sa museum para kunin ang black camilla at ako ang magbibigay sa kanila nun. Aabot ang mga pulis, maniwala ka--" .hindi ko na natapos ang sasabihin ko kase bigla siyang nagsalita.
"Tapos ano? Ikaw yung mamatay? Ikaw yung magsasakripisyo? Hindi pwede 'yon. Paano kung mahuli kami ng dating? Paano kung hindi ka namin maligtas?".halata sa kaniya ang sobrang lungkot pero wala ng ibang paraan.
Hindi ako pwedeng makipagkita sa kanila ng may kasamang mga pulis kase lalo lang magugulo lahat. Kailangan kong dalhin mag isa ang black camilla tjen after that pwede na nilang arestuhin yung mga dapat na makulong noon pa.
"Devin napag isipan ko na 'to. Sa oras na makuha ko ang black camilla at mabigay 'yon sa kanila, aatras na sila Skyler at aalis kayong lahat kasama si Rien. Ang mga pulis na ang bahala. Basta ang gusto ko, ilayo niyo si Rien sa lugar na 'yon at ayoko sana na makialam pa kayo".nanginginig ang boses ko pero pinipilit kong maging matapang.
"Glean, ayoko. Pwede namang ako nalang. Glean, ako nalang yung magpapaiwan at kayo na lang ang umalis. Sige na. Pumayag ka na sa gusto ko".
"Desidido na ako Devin. Gusto ko na ako mismo tumapos nito. Sobra nila kaming pinahirapan at gusto ko lang gumanti. Gusto ko na ipakita kay Ferdinand na sa pagkakataong yun, ako ang panalo. Na ako mismo ang makapagpapabagsak sa kaniya".
"Tangina naman. Nababaliw ka na ba ha? Nang dahil lang dun, Glean? Dahil lang sa kagustuhan mong maghiganti? Tangina. Tangina lang talaga".hindi makapaniwalang sabi ni Devin."Glean isipin mo nga, kapag ginawa mo 'yon malulungkot si Rien. Malulungkot kaming lahat. Malulungkot ako".
"Ganyan din naman ang mararamdaman ko kung sakaling ikaw ang mawala".
"Pero bakit ba kase? Bakit gusto mo 'tong gawin? Alam kong may iba ka pang dahilan kaya please sabihin mo sa akin kase parang mababaliw na ko kakaisip kung bakit mo gagawin 'to".
"Sasabihin ko lahat ng plano ko sayo at sinisigurado ko din na magiging maayos ang lahat. Believe me, Devin. Maayos din ang lahat. Aabot tayo. Katulomg natin ang mga pulis kaya magagawa natin 'to".
-*-
Rien's POV
"N-nagbibiro lang po kayo hindi ba?".hindi makapaniwalang tanong ko dun sa matanda.
"Hindi ako nagbibiro, Rien. Sa oras na hindi mo pakasalan si Skyler, may hindi magandang mangyayari kay Glean".
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkabigla.
"Maraming tao ang binayaran ni Skyler para patayin ang kapatid niya sa oras na hindi ka pumayag sa kasal".
Wala sa sariling napailing na lang ako. Hindi totoo yun. Ayokong maniwala. Hindu magagawa ni Skyler yun. Alam kong hindi niya magagawa kay Glean ang bagay na yun.
If this is just a nightmare, please gising niyo na ko. Hindi ko na kase kaya.
"Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Hindi niya magagawa yun".
Isang iling ang sinagot niya sa akin at sapat na yun para tuluyang mabuwag ang harang na pumipigil sa mga luha ko.
"Totoong mamatay si Glean dahil sayo sa oras na hindi ka pumayag sa gusto niya--"
"Tama na!".mahina ngunit may diin kong sagot.
"Sinasabi ko lang ang totoo, Rien. Mamatay siya--"
"Sinabing tama na!".hindi ko na naiwasan pang magtaas ng boses dahil sa galit."Hindi siya mamatay, sinisiguro ko yan sayo!".
"Kung ganun, mamili ka sa dalawa. Magpapakasal ka kay Skyler? O, mamatay ang lalaking mahal mo? Mamili ka, Rien. Mamili ka".

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Fiksi Remaja"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...