Kabanata 41

105 2 0
                                    


Kabanata 41

"Sabi na, tama ako. You're here".

Halos mapatalon ako sa gulat ng may bigla na lang umakbay sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ganun din ang pagbalot sa akin ng kaba.

Mabilis kong tinanggal yung kamay niya na nakaakbay sa akin at pilit na ngumiti. Nakita ko ang dahan dahang pagkunot ng noo ni Glean at tinitigan ako ng maiigi. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang gagawin kaya iniwasan ko na lang ang mga titig niya.

"Unti unti mo siyang iwasan hanggang sa siya na mismo ang makapansin na may nagbago at siya na mismo ang bibitaw"

Napakagat na lang ako sa aking labi at wala sa sariling napailing ng bumalik sa isip ko yung mga sinabi nung matanda. Wala akong gustong piliin ano man sa mga sinabi niya dahil alam ko na kahit ano ang piliin ko, masasaktan at masasaktan ko siya.

"Ayos ka lang ba? Hey, baby. Look at me. Are you alright?".alala pa niyang tanong at tango lang ang naging sagot ko."Are you sure? Ayos ka lang? Para kaseng ang lalim ng iniisip mo--".

"Glean, pwede ba? H'wag muna ngayon".muli kong nakagat ang labi ko at nag iwas ng tingin.

Shit. Bakit ko ba sinabi 'yon?.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pilit akong pinahaharap sa kanya pero tinabig ko yung kamay ni Glean.

"Baby, please. H'wag mo namang gawin sakin 'to. Please, tell me what you're thinking. I want to know. May problema ba? Are we cool?".nanatiling mahinahon ang kaniyang pananalita.

Hindi ako makahanap ng matinong isasagot. Ano bang dapat sabihin? Anong idadahilan ko kung bakit ako nagkakaganito?

Bahala na.

"A-ano kase.. m-meron ako ngayon".

Nasapo ko na lang ang noo ko at yumuko. Ang tanga mo, Rien. Ang tanga-tanga mo. Sa dinami dami ng pwedeng dahilan bakit iyon pa?

"Teka, ngayon na ba yun? I thought next week pa dapat. Napaaga? Masakit ba? Do you need anything? Bearable ba yung pain ngayon or gusto mo na ibili kita ng pain reliever?".

Hindi ako nakasagot. He kept on asking me tapos sunod-sunod na halik sa nooang natanggap ko.

"Masakit ba? Do you want to rest in my office habang break time? Do you have extra pads o bibili ulit ako? Tell me, Ri".

Mas nadiin ko na lang ang pagkagat sa labi ko at napahawak sa laylayan ng aking shirt. Grabe naman. Bakit ganito siya kabait? Bakit gamito ka sakin Glean?

Ang hirap mo namang iwasan.

Huminga ako ng malalim bago buong tapang na sinabayan ang nakalulunod na mga tingin niya.

"Ayoko munang maka usap ka".sabi ko.

Lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa dun pero nagkibit balikat lamang ako.

"Glean, I have no time para sa ganito. Wala akong oras para makipag usap sayo ngayon. Hindi kase talaga maganda ang pakiramdam ko. So, please h'wag muna ngayon?".

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkalito at sobrang pagkabahala pero wala akong choice. Ito ang tama at ginagawa ko 'to para sa kaniya.

I'm sorry, Glean. I'm really sorry.

"Okay, basta kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako".tumango na lang ako sa kanya at mabilis na naglakad palayo.

Sa ngayon, ito ang tamang gawin. Ang layuan siya. Kahit na masakit para sakin.

...

Hindi naging madali sa akin ang mga sumunod pang linggo. Well, hindi naman talaga naging madali para sa akin ang iwasan siya noon pa man.

Palagi akong umiisip ng dahilan para makatakas sa kanya. Lahat na ata ng pwede kong idahilan nasabi ko na sa kay Glean para lang maiwasan ko siya pero wala, e. Kahit na anong sabihin ko iisa lang ang palagi nyang sinasagot.

"I understand"

Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng nadinig ang mga salitang iyan mula kay Glean. At sa tuwing sinasabi niya yun, unti unting nabibiyak ang puso ko.

"Siguro naman alam mo na ang nangyayari tuwing nagagalit si Glean. Alam mong hindi maganda ang nagagawa niya kaya kung ayaw mo silang magkagalit ni Skyler, dumistansya ka na sa kanya. Para mabuhay siya at makapagpakasal kayo ni Skyler ng walang binabawian ng buhay".

Tangina. Bakit ba lagi ko na lang naaalala ang mga sinabi ng matandang iyon?

Bumaba na ako sa taxi at dumiretso na sa loob ng unit namin ni Skyler. Pinilit ako ni Ferdinand na lumipat dito pero ganun pa man, hindi ko parin pinapansin si Sky lalo na't hindi pa din ako lubos na makapaniwalang kaya niyang patayin ang kapatid niya para lang mapakasalan ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, yung nag aalalang mukha niya ang agad na bumungad sa akin.

Wow, just wow. It's so unbelievable. Si Sky, nag aalala? Alam ba niya ang tunay na kahulugan nun? Parang gusto ko nalang na matawa.

"Rien, ano bang problema mo?".tanong niya kaagad ng makapasok ako.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Sumunod naman siya sakin.

"Palagi ka na lang late umuuwi, tas kapag naman nandito ka na hindi mo ako pinapansin. Ano ba kaseng-"

Padabog kong binaba yung baso tsaka siya hinarap.

"Bakit, Skyler? Ano bang gusto mo? Gusto mo ba na pagdating ko dito pagserbisyuhan pa kita, pasayahin kita, aliwin kita sa kama? Tell me, yun ba ang gusto mo Sky?".

Bigla na lang kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi ko.

"Rien, ano bang nangyayari sayo?".

"Anong nangyayari sa akin? Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Anong nangyayari sayo at nagawa mong pagbantaan ang kapatid mo?".sigaw ko sa kanya.

"What?".nagtatakang tanong nito. "Wala akong pinagbantaan ni isa sa mga kapatid ko!"

"Pwede ba! H'wag ka ng magpatay malisya. Alam ko naman na sa oras na hindi kita pakasalan, papatayin mo si Glean. Hindi ko alam na magagawa mo 'yun, Sky. Akala ko mabait ka, demonyo ka din pala!".

"Wow! Ang galing! Sorry ha? Sorry kung ganun ang pagkakakilala mo sa akin. Well, para lang malaman mo, hindi ako ganun. Oo mahal kita, mahal na mahal kita pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na gamitin ang kapatid ko laban sayo. Na kahit ang sakit sakit na para sa akin na siya yung pinili mo, mas ginusto ko pa rin na maging masaya na lang para sa inyo. Hindi kase ako mang aagaw, Rien. Hindi kase ko ganung klaseng tao".

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?".

"Bakit, Rien? Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Na magagawa kong patayin ang kapatid ko? Rien naman, h'wag ka naman sanang magbulag-bulagan kase sa totoo lang, mas gugustuhin ko na maging masaya yung kapatid ko kesa sa sarili ko. Hindi bale ng ako yung masaktan, h'wag lang yung kapatid ko. Kaya kung inaakala mo na gusto ko ang mga nangyayaring ito, nagkakamali ka. Kase gaya mo, biktima din ako!".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon