Kabanata 23

117 5 0
                                    


Kabanata 23

Rien's POV

"Zakhia Rien Dela Rosa, saan ka ba pupunta ha?".bigla akong napahinto sa paglalakad ng hatakin ni kuya Raen ang braso ko.

Nakasimangot akong humarap sa kaniya. Hindi ko na makilala kung sino 'tong kaharap ko.

"Ano bang problema mo?".

"Anong problema ko? Kuya, ikaw ang problema ko!".sigaw ko bago binawi ang aking braso."Kuya Raen, wake up. Hindi na ako bata. Hindi na ako yung kapatid mo na kailangan mong bantayan palagi. I can take care of myself. Malaki na ako. I have my own life and decisions. Please, itigil mo na 'to".

Napasinghap siya at napailing."Hindi kita kinokontrol--"

"E, anong tawag mo sa ginagawa mo sakin ngayon?".pagputol ko sa gusto niyang sabihin.

Muli siyang napailing bago ibinalik sa akin ang atensyon niya.

"I just want to protect you, Rien".

"And why do you have to protect me?".

"Kase kapatid kita at gusto ko na maging masaya ka".pasigaw niyang sagot.

"Bakit kuya? Akala mo ba masaya ako sa ginagawa mo? No. I'm not happy. Hindi ako masaya. And never mo kong mapapasaya sa ganito".madiin kong sagot. "Hindi mo ako napapasaya kaya kung sa tingin mo--"

"Hindi mo pa kase alam ang lahat! Rien, I have my own reasons kung bakit ko 'to ginagawa--"

"Bakit hindi mo sa akin sabihin yung mga lintuk na dahilan mo kuya? Bakit hindi mo isampal sa pagmumukha ko yang mga dahilan mo kung bakit mo ako pinalalayo sa taong mahalaga sa akin. Baka sakaling maintindihan pa kita kapag sinabi mo".

"Si Yohan.. "

"Ano namang kinalaman nung Yohan na 'yon dito sa usapan natin?".nakakunot noo kong tanong.

Sino ba kase yung lalaking yun? Siya yung madalas na pag awayan nila mama at papa di ba? Sino ba siya?

"Si Yohan ang dating boyfriend ni mama. Siya din ang dahilan kung bakit nag aaway ang mga magulang natin ngayon at siya ang tatay ni Glean".

Naestatwa ako dahil sa mga nadinig pero ng unti unti na yung nagsink in sa utak ko, wala sa sariling napangiti ako kay kuya.

Iyon na yun? Yun na ba lahat?

"Iyon na ba ang dahilan mo?".tanong ko at hindi siya nakasagot.

Napayuko lang siya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko yung kambal. Mukhang nadinig nila lahat. Kainis.

"Walang kwenta.. " napailing na lang ako dahil sa dahilan na sinabi niya.

Nang dahil lang dun kaya siya nagkakaganito? Ano bang pakielam namin kay Yohan? At isa pa, nangyari na yun. Tapos na. Ano pa bang ikinakagalit niya? Si mama na nga mismo ang nagsabi, tapos na ang namamagitan sa kanila ni Yohan.

Dismayado akong napatingin kay kuya. Sobrang laki na ng pinagbago niya ngayon. Parang hindi ko na siya kilala.

Parang hindi na siya yung kuya Raen ko.

"Kuya siguro nga yung ama nila ang dahilan kung bakit nag aaway ang mga magulang natin pero hindi naman ginusto ni Glean 'yon. Hindi si Glean ang nagsabi na magligawan ang nanay natin at ang tatay nila. Kaya wala siyang kasalanan at wag mo siyang idamay sa galit mo!".

Tumingin ito sakin.

"So ano? Sino ang sinisisi mo ngayon? Ang nanay natin. Si mama?".

"Kuya bakit ba napakakitid mo ngayon? Why can't you understand me? Wala naman akong sinabi na sinisisi ko si mama o kung sino man!".pagdipensa ko. "Ang ayaw ko lang naman ay yung dinadamay mo si Glean na wala namang kinalaman sa nangyayari!".

"Mas kinakampihan mo siya?".napairap na lang ako at parang unti unti na akong nanlalanta.

Walang pupuntahan ang usapang 'to. Sarado ang isip ni kuya.

"Ang hirap mo namang paliwanagan kuya!".dismayado kong sagot."Tsaka hindi na pala ako dapat magpaliwanag kase kahit naman linawin ko sayo ang lahat hindi ka parin titigil at ipipilit mo pa rin ang gusto mo. Ganon ka naman hindi ba?".

"Rien hindi mo rin kase ako maintindihan!".

"I can fully understand you. Ang hindi ko lang matanggap ay yung katotohanan na dahil lang sa napakasimpleng bagay nagkakaganyan ka. Na pati yung mga desisyon ko pinakikielaman mo!".

"Hey.. anong nangyayari dito?".

Napahinto kaming dalawa ni kuya at dahan dahang nilingon yung nagsalita hanggang sa mapagtanto namin kung sino 'yon.

Nakatayo sa may pinto si mama. May dala itong bag at medyo gulo ang buhok nito. Finally, umuwi narin siya.

"Bakit kayo nag aawa?".tanong pa ni mama.

Nakita ko yung kambal na nagtatakbo agad pabalik sa kwarto nila.

"Anong pinag aawayan nyong magkapatid?".

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Subukan mo po kayang tanungin si kuya kung ano ang problema. Nagsasawa na kase akong magpaliwanag, e. Kase kahit anong paliwanag ko naman, hindi nya maintindihan!".sagot ko bago nagmartsa palabas sa bahay namin.

Dumiretso ako sa campus-- sa gym kaagad ako tumungo at nagbabaka sakaling nandun siya dahil may game ngayon. It's our school's foundation week.

Halos patakbo na ang ginagawa ko hanggang sa bigla na lang akong mapatigil kase may lalaki akong nakita na nakatingin lang dun sa malaking gate nung gymnasium at nakapamulsa.

"Hindi na naman ba maglalaro si Glean?"

"Oo ata"

"Sayang nga, e"

"Mukha kaseng malungkot na naman siya"

"Kawawa naman si Glean"

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa mga narinig kong usap usapan nung mga babae na papunta rin ata dun sa gym.

Kumunot naman ang noo ko ng makita si Glean na naglalakad na palayo at para bang napakalungkot niya. Tahimik at dali dali ko siyang sinundan patungo sa isang lugar na halata namang pinaka paborito niya sa lahat.

Sunod lang ako ng sunod hanggang sa pumasok na siya dun sa kubo. Habang ako naman, nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi.

"Bakit hindi ka pumasok?".nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon ako sa gulat ng madinig ko ang napakalamig na boses niya.

Dahan dahan ko siyang nilingon at isang napakaseryosong mukha ang agad na bumungad sa akin.

Ilang segundo din ang lumipas at wala sa amin ang naglakas loob na magsalita. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at para bang unti unti na akong nalulunod dahil sa mga tingin niya sakin. Hanggang sa bigla na lang niyang iniwas ang kanyang tingin at nagsimula ng humakbang papasok. Sumunod naman ako sa kaniya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon