Kabanata 30Hindi ko na nagawang tapusin yung program sa school. Maaga akong umuwi at nakiusap ako kila Ran na ihatid na ako sa Bahay. Nangako naman ako sa kanila na babae ako sa susunod.
Nang makarating ako sa loob ng bahay ay napahinga ako ng malalim.
desidido na ko. Kung wala pa silang balak na umamin, ako na mismo ang magtatanong.
dumiretso ako sa dinning area kung nasaan silang lahat.
"Sino talaga ako?".tanong ko kaagad kaya lahat sila ay napatingin sa akin.
itinigil nila lahat ng ginagawa nila bago pa man ako dumating. Maya-maya pa ay nagpaalam yung kambal na aakyat na muna sila para makapag usap kami nila mama.
mga tatlong minute ang lumipas matapos umalis yung kambal pero wala paring nagsalita sa kanila.
"Ang sabi ko., sino talaga ako?".pag uulit ko at pinilit na maging kalmado."Gusto kong malaman lahat. Ngayon din".
Nag iwas silang lahat ng tingin sakin at isang malalim na paghinga ang nagmula kay papa.
"Five years old ka noon ng magkaroon tayo ng family gathering.." panimula ni papa habang.
Tahimik lang akong nakinig at hinintay ang kanyang mga sasabihin.
"Kasama natin noon ang pamilya Villa Fuente. Sila Glean".dagdag nito.
Natigilan ako bigla. Tangina.
"Masaya ang lahat dahil ng mga panahong yun, bati na ang papa mo at si Yohan pero nagbago ulit ang ihip ng hangin".paliwanag naman ni mama na lalong nagpakunot sa noo ko."Nalaglag ka nun sa hagdan dahil inaya ka nila Glean na maglaro ng habulan. Tumama ang ulo mo sa isa pang baitang ng hagdan. Sobrang daming dugo. Halos hindi kita magawang tingnan. Sinugod ka namin sa ospital. Maswerte at nakaligtas ka anak pero nagkaroon ka ng amnesia".
Napigil ko nalang bigla ang paghinga ko dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba lahat ng 'to?
"Oo nagkabati nga kami ni Yohan pero nagalit ulit ako dahil ang pamilya nila at lalong lalo na si Glean, sila ang sinisisi namin sa nangyari sayo!".dugtong naman ni papa."Kung hindi ka niya inaya, hindi mangyayari lahat ng yun. Hindi ka magkaka amnesia. Hindi mo sana kami nakalimutan. Kaya naman ginawa namin ang lahat. Pinutol namin ang lahat ng koneksyon ng pamilya natin sa kanila at minabuti rin namin na mangibang bansa sa loob ng ilang taon para lumayo sa kanila!".
"Hanggang sa dun ko na ipinanganak sa ibang bansa yung kambal at nagkaroon ulit kami ng komunikasyon ni Yohan. Nang malaman iyon ng dad mo, nagalit siya sa akin kaya naman minabuti ko na umuwi dito sa Pinas kasama yung kambal hanggang sa hindi rin nagtagal, sumunod siya dito kasama kayong dalawa".pabulong na sabi naman ni mama."Sampung taon din ang tinagal natin noon sa ibang bansa at labin limang taon ka na ng makabalik tayo dito. At alam mo ba ng makita ka ni Glean, humiling agad siya samin na payagan na namin siya na makasama ka ulit".
"Pero hindi kami kaagad pumayag dahil galit parin ako sa kanya at lalong lalo na sa ama niya. Hanggang sa patuloy niya parin kaming pinak usapan at pumayag naman kami!".napabuntong hininga na naman si papa. Para bang napakahirap para sa kanya ang ikwento lahat ng nangyari."Pinayagan ka namin na mag aral sa Admerson kahit na alam namin na dun din siya nag aaral pero may hiningi kaming kundisyon kay Glean".
"A-ano pong kundisyon?".tanong ko kahit pa may ideya na ako kung ano yun.
gusto ko lang na sa kanila mismo manggaling lahat.
"Hindi niya pwedeng sabihin sayo ang nangyari nung limang taon ka pa lang at hindi mo rin dapat malaman na magkababata kayong dalawa ni Glean!".
Napahawak na lang ako sa aking bibig dahil sa labis na pagka gulat.
Ibig sabihin, si Ri-Ri at ako ay iisa.At si Gi-Gi ay walang iba kundi si Glean.
"Bakit? Bakit po ayaw niyong malaman ko na ako si Ri-Ri?".dagdag ko pang tanong.
"Dahil hangga't maaari ayaw namin na madamay ka pa sa usapin tungkol sa black camilia".sagot naman ni papa na nagpakunot ulit sa aking noo.
"A-ano ba kase yung black camilia? Bakit sabi ni kuya, nasa akin yung susi para dun?".
"Nung araw na dinala ka kase namin sa ospital dahil sa nangyaring aksidente, may kwintas na binigay sayo si Glean. Yung kwintas na ilang taon mo ng suot ang susi para makuha ang black camilia. Isa yung kwintas na gawa sa purong ginto at may kasama yun na isang relo na puno ng diyamante. Ipinamana yun dati pa sa pamilya nila pero hindi nila alam na maraming grupo galling sa underground society ang nagkakainteres dun!".paliwanag pa ni papa na nakasagot sa mga tanong ko.
"Walang idea noon sila Yohan at Alicia na miyembro pala ng underground society ang nagpamana nun sa kanila. Nito lang din nila nalaman. Akala nila simpleng relo at orasan lang yun pero ninakaw pala yun ng isang grupo mula sa isang mayamang pamilya. Kaya pinilit namin na itago ka, Rien. Kase gusto ka naming protektahan pero mukhang tapos na ang panahon ng pagtatago. Siguro sapat na ang labin limang taon na pagsisikreto!".dagdag ni mama"Rien, I'm giving it back to you. Binawi ko itong kwintas sa kuya mo. Ito na ang susi para makuha na nila ang black camilia. Mas makabubuti kung isasauli mo ito sa kanila at putulin mo na ang koneksyon mo sa pamilyang iyon!".
"No!".mariin kong sagot."Mas gugustuhin ko pang mapahamak ako kesa layuan ulit si Glean.".
"Rien--"
"I have my own decisions. Kaya ko na ang sarili ko and please, respetuhin nyo kung ano yung gusto ko!".
Agad kong hinablot yung kwintas na hawak ni mama at nagtatakbo na palabas ng bahay naming.
Dumiretso ako sa garahe at nakiusap kay manoong na ihatid ako sa kahit saan.
Kailangan kong makapag isip. Grabe. Ano pa ba ang mga bagay na hindi ko alam?
-*-
Raen's POV
"Bakit ka nandito?".bungad na tanong niya sa akin pero nanatili akong kalmado.
"May gusto lang akong sabihin sa inyo.. " panimula ko at huminga muna ng malalim bago nagpatuloy."May malaking plano si Nathan na tiyak hindi niyo magugustuhan!".dugtong ko at tsaka inabot sa kanila ang isang envelope."Nakalagay dyan ang pangalan ng mga bago nilang kasama sa EBD. May litrato din dyan at mukhang hindi nyo gugustuhing malaman kung sino ang bigla na lang dumating".
Lahat sila nakatitig lang sa akin at alam ko na maraming tumatakbo ngayon sa isip nila pero kailangan nilang maniwala sakin ngayon.
"Pano kami makakasiguro na totoo lahat ng sinasabi mo?".taka pa niyang tanong.
"Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kapatid ko. Alam kong mali ang una kong hakbang kaya sinusubukan kong itama ang lahat hangga't pwede pa".tugon ko na ikinawala ng kunot ng kanilang noo."Alam kong hindi maganda ang unang impresyon nyo sa akin pero sana pagkatiwalaan nyo naman ako kahit ngayon lang. Para sa kapatid ko. Para sa babaeng mahal mo".
Bahagya siyang napangisi at umiling."What's your plan? Can you tell me?".seryoso niyang tanong.
Mabuti naman at naniwala siya. Alam ko na basta para kay Rien, papayag siya.
"I will tell you everything. Basta maniwala ka lang at tulungan mo ko, Skyler!".
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...