Kabanata 16

134 8 0
                                    


Kabanata 16

"Miss Dela Rosa? Miss Dela Rosa!".

Dali dali kong minulat ang mga mata ko at tumayo ng tuwid. Halos isubsob ko na ang mukha ko sa sahig dahil sa sobrang hiya lalo na ngayon na nakatingin silang lahat sa akin.

"Kailan ko pa pinayagan na matulog ka sa klase ko?".galit na tanong ni Sir Vicencio.

Lalo akong napayuko. Kasabay nun ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko at ang mga bulong-bulungan nila.

"Sorry po.. " iyon lang ang nasagot ko.

"Lumabas ka na Miss Dela Rosa. Hindi ako makapagtuturo ng maayos kapag may natutulog na kagaya mo sa klase ko---"

Napatigil bigla sa pagsasalita si sir habang ako naman ay literal na nanlaki ang mga mata at napahawak sa aking bibig. Isang mesa kase ang biglang natumba ng sipain ng malakas ni Glean.

Lahat kami nagulat. Lalo na ako.

"Sinong may sabi sayo na ipahiya mo si Rien sa gitna naming lahat Mr. Harrison Vicencio?".napalunok na lang ako at patagong napailing ng madinig ang boses ni Glean.

"I-i'm sorry Mister Villa Fuente!".paghingi ng tawad ni sir.

"Sorry? Ano? Gusto mo ba na ikaw ipasisante kita ngayon?".hirit pa ni Glean. Lalong sumama ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko.

"Ano? Bakit hindi ka na nakasagot?".

"Hey, Glean. Chill ka lang bro. Kabado kami sa inyong dalawa ni Devin, e".napatingin ako sa isa pang lalaki na bigla na lang tumayo habang nakapamulsa.

"h'wag mong masyadong pagalitin ang sarili mo. Alam mo naman na lahat ng nandito takot na maulit yung nangyari sa atin dati hindi ba?".dagdag pa ni Devin.

Kumunot ang noo ko dahil sinasabi nila pero naalala ko bigla yung pag uusap namin ni Sky noon.

Ibig sabihin, totoo pala yung sinabi niya sakin. Glean and Devin has this kind of condition na hindi nila nagagawang kontrolin ang mga sarili nila lalo na kapag nagagalit. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung gaano kalala ang pwede nilang magawang dalawa.

Hindi pa ko nakakausad dun sa ginawa niya ng bigla nalang akong tangayin ni Glean papunta sa isang lugar.

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya ng maigi. May naiba sa kanya.

Mas nakakatakot siyang tingnan ngayon. Masama ang tingin niya sa lahat kahit pa may suot siyang eyeglasses ngayon at napaka seryoso ng mukha niya. Lahat naman ng nakakasalubong namin ay basta na lang tumatabi at binibigyan kami ng daan.

Then I realized na ang tinatahak naming daan ay sa infirmary. Halos masira yung pinto ng padaskol iyong binuksan ni Glean. Yung dalawang nurse dun sa loob ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa amin.

"Can you please, get out".pasigaw na utos ni Glean na agad naman nilang sinunod.

Nabalot ng katahimikan ang buong lugar ng kami na lang dalawa ni Glean ang naiwan dun pero nabasag ang katahimikang iyon ng bigla na lang siyang magsalita.

tianggal ni Glean ang salamin niya bago tumingin sa akin.

"Are you alright?".

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa tono ng kanyang pananalita. Para kaseng bigla na lang siyang bumalik sa normal.

"O-oo. Ayos lang ako".halos pabulong na sagot ko sa kanya. Medyo gulat parin ako sa mga nakita.

Nadinig ko ang malalim na paghinga ni Glean bago siya napailing at muli akong hinatak papasok sa isa na namang pinto.

Laking gulat ko ng isang malakiat magandang kwarto ang bumungad sa akin. Kung hindi ko lang alam na infirmary 'to, baka inakala ko pa na nasa hotel kami ngayon sa sobrang ganda.

May isang kama na nandun. Halatang kakaayos lang dahil wala kang makikitang lukot dun sa kobre kama nun pati na rin dun sa punda ng unan.

Napatingin naman ako kay Glean na nakatingin din pala sa akin.

Tss. Tinititigan niya ba ako simula pa kanina?

Bahagya namang bumaba ang tingin ko dun sa kamay naming dalawa na magkahawak parin hanggang ngayon.

Binalik ko sa kanyang mukha ang tingin ko at pasimple akong napangiti ng makita ko na namumula ang buong mukha niya.

Cute!. Malayong malayo siya sa Glean na nakita ko kanina. Bumalik na talaga siya sa normal.

"M-mahiga ka na muna. Mukhang kulang ka sa tulog, e. You should rest".nauutal na sabi nito.

Ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng pait. Naalala ko na naman kase yung mga nangyari. Hanggang ngayon hindi pa rin ayos ang lahat.

Oo, nakauwe na si Iro sa bahay dahil maayos na ulit ang paghinga niya pero sila mom and dad?. Ewan, hindi ko na kase mabasa kung ano ang mga tumatakbo sa isip nila. Si kuya Raen naman hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung nasan siya, e. Siguro kasama niya sila Nathan.

Napayuko na lang ako at napailing. Naramdaman ko ang sunod sunod na paglandas ng mga luha sa pisngi ko at ang paninikip na naman ng aking dibdib.

"I'm sorry if can't do something to atleast help you. I'm sorry, Rien. I still don't know what to do but you can tell me everything. I'll listen to you. I'll understand you. Please tell me what you're thinking, baby".mahina pero may lambing na sabi ni Glean at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Ipinatong niya ang kanyang baba sa ulo ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi iiyak nalang lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa hawakan niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para magtama ang aming mga mata.

"Walang problemang hindi nasosulusyonan. Always remember that everything will be alright".bahagya akong napapikit ng dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sa akin at isang halik sa noo ang natanggap ko mula sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero muling nagsitulo ang mga luha ko pero hindi na 'yon kasing sakit nung una.

"Everything will be alright, Ri".

-*-

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nagpalinga linga sa paligid. Nandito parin kami sa infirmary at si Glean naman ay natutulog dun sa may sofa na katabi lang nung kamang hinihigan ko.

Kinuha ko agad ang phone ko na kanina pa ata nagriring.

"Hello? Kuya Raen?".

"Nasaan ka?".

Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita ni kuya.

Something's diffirent.

"Nasa school po. Bakit?".

"Magkita tayo sa café na nasa tapat ng school nyo. Ngayon na".

Ngayon na?

Bigla akong napatingin kay Glean na mahimbing pa rin na natutulog.

"Okay po.. "

Binaba ko na ang tawag at mas pinili na huwag na lang gisingin si Glean. Halata kase na pagod at puyat din siya.

Agad na akong nagtatakbo at pumunta sa sinabing café ni kuya. Mabuti nalang at lunch time ngayon. Lahat ng estudyante ay allowed na lumabas.

Nakita ko siya na nakaupo sa isang table na malapit sa may bintana. Inayos ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

Isang walang emosyong tingin ang binungad niya sa akin bago ako sinenyasan na maupo sa katapat na bangko. Nanatili akong tahimik at nakatingin lang dun sa kape na nasa may tapat ko pero agad na napaangat ang tingin ko dahil sa mga salitang binitawan niya.

"Gusto kong layuan mo na silang magka kapatid simula ngayon".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon