Kabanata 19

129 2 0
                                    


Kabanata 19

Napaawang ang bibig ko ng bigla na lang putulin ni kuya Raen yung kwintas nakasuot sakin.

Shit. What is he doing here? Break time namin ngayon. Nandito ako sa labas ng svhool tas bigla siyang susulpot dito para gawin 'to? Ano na naman bang pumasok sa isip ng kapatid ko?

Bata pa lang ako, nasa akin na ang kwintas na yun. I'm not comfortable kapag wala yun sakin. Pakiramdam ko may malaking parte sa buhay ko ang nawawala kapag hindi ko suot yun tas ngayon bigla niya yung kukunin? Tangina naman.

"Bakit?".tanong ko habang titig na titig lang sa aking kapatid.

Sumama ang tingin sakin ni kuya.

"You're asking me why? Isang beses ko lang 'to sasabihin sayo. This necklace? It is the reason kung bakit ka nila nilalapitan. Ang kwintas na 'to ang dahilan kaya mabait sila sayo".

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kuya.

Sino ba kase ang tinutukoy niya? At tsaka sino naman ang magkakagusto sa isang ordinaryong kwintas na 'yon? Ni hindi ko na nga maalala kung sino ang nagbigay sakin nun kaya bakit pag iinteresan yun ng iba?

"Kuya Raen akin na nga yan.. " pilit kong kinuha mula sa kanya yung kwintas pero pilit niyang inilayo sa akin.

"Kailangan nila 'to kaya ka nila iniingatan. Kapag wala 'to sayo, hindi ka na nila guguluhin".seryosong sabi pa ni kuya bago siya nagmamadaling umalis sa harap ko.

Naiwan akong tulala sa tapat ng gate. Para akong tanga dun na nakatunganga lang.

Hindi ko alam kung sino ang tunutukoy ni kuya. At tsaka ano yung black camilia? Importante ba yun? Kung importante yun, bakit nasa akin yung susi? Paano napunta sakin yung susi?

Maglalakad na sana ako papasok sa school ng may makita akong mga kalalakihan na nakaharaang sa daraanan ko. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanila.

Si Sky agad ang nakita ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya sa hindi ko malamang dahilan. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at narealized ko na nakapako ang tingin niya sa leeg ko. Maglalakad na ako palayo para iwasan siya ng bigla niyang higitin ang braso ko. Nanindig ang balahibo ko dahil dun.

Siya kaya yung tinutukoy ni kuya?

"Gusto ko lang tanungin kung may free time ka.. " panimula ni Skyler.

Tiningnan ko siya sandali. Seryoso parin.

"Gusto kase ni Glean na nandun ka mamaya sa game. Pwede ka ba?".bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil dun.

Akala ko siya na.

Dahan dahan ko siyang hinarap at tumango.

Isang kakaibang ngiti naman ang kumawala mula sa kanya bago ako binitawan at naglakad palayo kasama ang iba pa niyang kaibigan.

Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Grabe ang kaba ko.

"Hey... " napalunok ako ng may biglang magsalita.

Grabe naman 'tong araw na 'to. Pakiramdam ko aatakihin na ko sa sobrang kaba dahil sa nangyayari.

Nilingon ko yung nagsalita. Si Nathan.

"Wala ka atang kasama ngayon?".puna niya.

Natakot ako bigla.

Nagpalinga linga ako sa buong paligid. Nasaan na yung ibang estudyante? Nakapasok na ba sa loob ng school? Tapos na ba ang breaktime? Wala bang lalapit at tutulong sa akin?

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon