Kabanata 24

124 7 3
                                        


Kabanata 24

Lunch namin ngayon. Isa-isa ng nagsilabas yung mga kaklase namin pero pinili ko na maiwan dun sa loob ng room at hintayin na matapos mag ayos ng gamit si Glean.

I want to talk to him so I can finally say sorry. Miss na miss ko na siya.

Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap. Tatlong araw siyang suspended dahil sa nangyari sa labas ng campus. Tas simula naman nung bumalik siya, hindi pa kami nakakapag usap.

Nang mapansin ko na tapos na siyang mag ayos, tsaka pa lang ako lumapit. Nakayuko lang ako. Nag iipon ng lakas ng loob.

"May sasabihin ka ba?".

Agad na umungat ang tingin ko ng bigla siyang magsalita. Grabe. Ilang araw ko lang siyang hindi nakausap at hindi nakasama pero bakit parang ang dami ng nagbago?

Bakit ang layo na kaagad niya sakin?

"I just want to say sorry".bulong ko.

"For what?".walang emosyon na tanong nito sakin.

,shit. Bakit ganito kahirap ang lahat? Bakit kung kailan handa ko na siyang ipaglaban tsaka naman ako nahihirapang abutin siya?

"Kase lumayo ako sayo.. "

"For the past few days, we're just like strangers. Dinadaanan mo lang ako, ni hindi mo ko matingnan. Hindi kita maabot, Rien".

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa mga sinabi niya. He's right. For the past few days, para nga kaming hindi magkakilala. We're like strangers. Damn. Ang sakit.

"Yung mga dumaang araw na hindi kita nakakausap at hindi mo ko pinapansin, para mo kong sinasaksak ng paulit-ulit. Sobrang sakit, Rien".

Ni sa hinagap hindi ko naisip na darating kami sa ganito. Hindi ko alam na sa napakabilis na panahon, mahuhulog ako sa kanya at ngayon.. hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko lang na bumalik siya sa dati.

Na bumalik kami sa dati.

"Rien, can you, please, answer my question? Siguro kapag nasagot mo yung tanong ko, everything will be clear to me ".

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Glean.

He looked at me intently. Para akong matutunaw.

"Rien, do you love me?".

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya.

Ano ba kase ang dapat na sagot? Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya pero pano kung lalong gumulo yung sitwasyon kapag umamin ako sa kanya. Lalo na ngayon na hindi pa ayos ang sitwasyon namin.

"Mahal mo ba ako?".pag uulit niya sa kanyang tanong."I want to know your answer para malaman ko rin kung kailan ako titigil. Rien, hindi ko na alam ang gagawin. I don't know why you decided to avoid me. Ilang beses akong nagmakaawa na h'wag mo yung gagawin but you still choose to hurt me. Baby, you hurt me so much".

Nabalot kami ng katahimikan.

Gusto ko. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya kaya nga lang natatakot ako.

Damn. Bahala na. Mapahamak man ako. Bahala na.

"Mukhang wala talaga akong parte sa puso mo---"

"Mahal kita. Glean, mahal na mahal kita!".naramdaman ko ang dahan dahang paghapdi ng mga mata ko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa saya.

Finally, nasabi ko na yung matagal ko ng gustong sabihin. Naamin ko na sa kanya.

Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa kanya ng ganito kalalim sa loob lang ng napakaiksing panahon. Iba talaga kapag puso mo na ang nagsabi. Hindi ko na nagawang pigilan.

I tried to hide it. I tried to deny it pero lalo lang kumawala.

Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok bago muling hinawakan ang mukha niya. Hindi ko na inisip ang magiging reaksyon ng iba. Wala na akong pakielam. Dahan dahan kong nilapit ang mga labi ko sa kanya at saglit siyang hinalikan.

"Baby, I love you so much. I love you so much, Glean. Hindi na ako lalayo!".

-*-

"Waaaaaahhhhhhh!"

"Go Glean!"

"Go Gleaaaaaan"

"We love you!"

Lahat nagsisigawan lalo na ng makathree points si Glean at muli siyang magdab dun sa gitna. Ang lakas talaga ng dating niya!.

Bawat pukol ng bola for sure pasok. Ganun sila kagaling na magkakapatid. Hindi ko tuloy maiwasang mapahiyaw sa saya. Ewan ko ba pero parang proud na proud ako para sa kanila.

Panalo ulit ang grupo ng ESG at nang matapos na ang laro nagsialis na ang iba pero karamihan sa mga kababaihan nanatili sa loob ng gym at nagpapakuha ng litrato kasama ang ESG. Mababakas sa bawat isa ang saya lalo na dun sa tatlong magkakapatid.

Kung titingnan, parang hindi nila kayang gumawa ng ikasasama ng iba.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Sky. Hindi sila nananakit ng tao. They are protecting them. They want to protect me and the black camilla.

Hindi ko man alam kung ano yung black camilla pero naniniwala ako sa mga sinabi ni Sky lalo na dun sa sinabi niya na hindi talaga sila member ng underground society.

Nanatili lang ako dun sa malayo at nakatingin sa kanila hanggang sa bigla na lang nagtama ang mga mata namin ni Devin. Hindi ko alam pero parang naestatwa ako dahil sa mga tingin niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa hanggang sa bigla siyang ngumiti at bahagyang tumango. Isang ngiti din ang sinagot ko sa kanya bago niya tuluyang iniwas ang tingin.

Siguro ayos na rin ang ganito. Masaya naman na ako kahit papaano lalo na ngayon na naamin ko na kay Glean ang nararamdaman ko. Yung tungkol naman sa mga nagawa ni Devin, wala na 'yon. I guess, dapat pa akong magpasalamat kase bago pa siya magtagumpay, nalaman ko na ang binabalak niya. Tsaka hindi naman kase ako nagtatanim ng galit kaya pinapatawad ko na siya.

"Baby, I wanna take a picture with you. Please?".

Damn. Namiss ko 'to.

Namiss ko yung pagtawag nya sa akin ng baby. Namiss ko ang pagdadab niya. Namiss ko ang mga mata, ilong, labi at ngiti niya.

Sobrang namiss ko ang lalaking 'to.

"Of course.. my dab king!".nakangiting sagot ko bago inabot ang yung kamay niya at magkahawak na tumungo dun sa gitna.

Lahat sila nakapalibot sa amin pero wala akong pakielam. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon. Na basta nasa tabi ko si Glean, nakakalimutan ko lahat ng problema. Basta nasa tabi ko siya nagiging masaya ako.

"Everyone, listen. I want to finally introduce her to all of you. She's Zakhia Rien Dela Rosa".sigaw ni Glean na nadinig sa buong gym."My one and only baby, my dab queen".

Nagsigawan ang lahat ng naroroon sa gym lalo na ng sabay kaming magdab ni Glean. Lahat sila kinukuhanan kami ng litrato at isa lang ang masasabi ko.

Ang saya at ang gaan sa pakiramdam ng mga oras na 'to.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon