Kabanata 26

138 6 0
                                    


Kabanata 26

"Kulay white na may 4 layers ang magiging cake sa debut mo".

"Handa narin yung gowns na susuotin mo, Rien".

"Yun namang sa pagkain, bukas na daw tayo magf-food tasting kaya dapat okay na ang schedule mo bukas kase sasama ka sa amin okay?"

Tango lang ang nasagot ko sa lahat ng tanong, suggestion at sinasabi nila.

Lutang parin ako hanggang ngayon at mukhang magpapatuloy 'tong pagiging lutang ko hangga't hindi ko nalalaman kung sino yung tumawag sa akin nung Ri-Ri.

Tsaka ako ba talaga yung batang 'yon? Ako ba si Ri-Ri?.

"May mga isasuggest ka pa ba? O, may gusto ka pa bang idagdag, Rien?!".bigla akong napatingin kay mama at agad din akong umiling.

Okay na ko sa details ng debut ko. Wala ng dapat idagdag.

"Honey, are you alright?".napatingin naman ako kay dad at ngiti lang ang tinugon ko sa kanya."are you sure?".

"Yes. Okay lang po ako".pabulong na sagot ko bago nagpaalam sa kanila.

Tumayo na ako tsaka naglakad patungo sa kwarto ko. Wala akong gana na makipag usap sa iba. Ang gusto ko lang, malaman kung sino ba talaga yung batang 'yon at bakit palagi ko na lang siyang napapanaginipan.

Hindi ko siya maalis sa isip ko at parang may malaking parte yung batang 'yon sa buhay at pagkatao ko pero hindi ko talaga maintindihan ang lahat.

Bakit palaging umiiyak yung batang si Gi-Gi? Bakit minsan sinisisi nya yung sarili niya? Tsaka bakit ba siya sumigaw nun? May nangyari kayang masama dun sa batang babae? May nangyari kayang masama dun sa dalawang bata na lagi na lang nasa panaginip ko?

Damn. Dapat hindi ako nagkaka ganito. I should be happy kase kahit papaano nagkakasama na ulit kami. Alam ko na may problema pa rin sa pagitan nila mom and dad at hindi pa naibabalik lahat ng meron nun pero ang mabuti sinusubukan nila lahat para maging ayos kami.

Grabe. Matapos ang isang problema meron na namang kasunod. Paulit ulit na lang yung mga nangyayari!.

Napatigil ako sa pag iisip ng magring yung phone ko.

Hnanap ko yun agad na nandun lang din pala sa gilid ng kama. Bigla akong nabuhayan ng makita ang mukha ni Cassy dun sa screen.

"Hello, Cassy".

"Rien, cn we talk? Please, I really need to talk to you".

Biglang kumunot ang noo ko ng madinig ang lungkot sa boses niya.

Anong nangyari?

"O-of course. Nasaan ka ba?"

"Nandito ako sa dati nating pinupuntahan nila Ran, hihintayin na lang kita dito"

"Okay. Bye"

"Bye"

Kahit na naguguluhan ako, pinilit ko pa rin na maging kampante. Mabilis akong naligo, nagpalit at agad na pumunta sa madalas naming puntahan nun.

Pumasok ako dun sa café at talaga nga namang wala pa rin itong pinagbabago. Napakaganda at napakagaan parin ng ambiance sa lugar na ito .

Agad kong hinanap kung nasan si Cassy. Nang makita ko kung saan siya naroon ay dali dali akong lumapit sa kanya.

"Cass--"

Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong niyakap at hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong umiiyak siya.

"I'm so sorry Rien. Please, patawarin mo ako".parang dahan dahang binibiyak ang puso ko sa tuwing madidinig ko ang garalgal na boses ni Cassy."Patawarin mo ako. Nagpadala ako sa takot at mas sinunod ko siya. Lahat kami sinabihan niyang lumayo sayo".

Kumalas ako sa pagkaka yakap sa kaniya at tinitigan siyang maiigi.

"S-sinong tinitukoy mo?".nakakunot noo kong tanong."Sinong nagbanta sa inyo na lumayo sa akin? Bakit hindi niyo kaagad sinabi? Sana natulungan ko kayo di ba?".sunod sunod at nag aalala kong tanong.

"K-kase.. "

"Kase ano? Diretsuhin mo na ako please? Sinong nagbanta at nagpalayo sa inyo? Sino siya para--"

"Si Raen!".

Hindi ko nagawang sumagot dahil sa sinabi niyang pangalan.

"Si Raen ang nagsabi na layuan ka namin. I don't know why pero ayaw niya na lapitan ka namin!".

Unti unting nag ulap ang mga mata ko at napahawak na lang ako sa aking bibig para pigilan ang paghiyaw.

Ngayon ko lang narealized lahat. Kaya pala hindi na tumuloy sila Ran sa bahay. Hindi na ulit sila pumunta dun simula nung nagvolunteer si kuya Raen na ihahatid sila pauwi.

Damn. Kaya pala bigla silang hindi nagparamdaman.

Kuya Raen, ano bang problema? Bakit? Bakit ginagawa mo sakin 'to? I need to know your answer. Gusto ko na malaman ang rason mo. Kahit isang rason lang.

Kahit isa lang.

-*-

"Good morning".

bahagya akong napaigtad ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko. Nilingon ko agad kung sino 'yon at ang mukha ni Glean kaagad ang bumungad sa akin.

"Mukhang malalim yung iniisip mo. Ayos ka lang ba?".

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at pinagpatuloy na lang ang pag aaral. Hindi ko siya gustong layuan o baliwalain pero kailangan ko muna na makapag isip isip. Gusto ko munang maging tahimik at maayos ang lahat para sa akin.

Ayoko kase na madamay pa siya sa gulo ko.

"I'm sorry pero busy ako".

buong kalamnan ko ang nangangatog ng bitawan ko ang mga salitang iyon. Alam kong masasaktan siya at oo na, sinisisi ko ang sarili ko.

Nadinig ko ang malalim niyang paghinga."Okay. I understand!".

Shit. unti unting binibiyak ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Alam ko na kahit sinabi niyang I understand, naguguluhan pa rin siya. Alam ko na pinipilit niya lang na intindihin ako at ganun na ba talaga ako kaunfair para sabihin na I'm sorry pero busy ako? Ang unfair para sa kanya nun hindi ba?.

nilingon ko siya agad at nakita ko siyang nakatayo parin sa may gilid ko. Tinitigan ko siya sa kanyang mata at pakiramdam ko lalo lang akong nalulunod dahil sa mga tingin na 'yon. Nanatiling tikom ang mga labi naming dalawa. Alam ko na may gusto siyang sabihin at may gusto siya na marinig galing sakin pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Para akong napipi hanggang sa tumalikod na siya at hahakbang na sana palayo ng bigla kong higitin ang kamay niya.

Isang hindi mawaring tingin ang binigay niya sa akin na lalo lang nagpasakit sa damdamin ko.

"Busy ka hindi ba? Mauuna na ko".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon