Special Chapter 5

13 0 0
                                    


Special Chapter 5

"Can you still remember nung minsang nag away tayo? You're so mad at me kaya pinili ko na umalis muna. To give you time to think and to sort things out kase ang toxic na ng relationship natin. Kase ang bata pa natin that time pero pinipilit natin na maging matured sa lahat kahit hindi naman natin kaya. Pumunta ako sa kaibigan ko nun, lasing na lasing and it all happened. Lorraine and I happened."nakayukong paliwanag ni Benj na unti unting nagpatulo sa mga luha ko.

Ilang beses akong napailing dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Benj ang bagay na yun sakin kase binigay ko sa kanya lahat. Believe me, Im trying to understand his side. God knows how hard Im trying to understand Benjs situation pero nasasaktan talaga ako.

"Benj, naging ayos pa tayo after ng away na yun". I pointed out kase ilang buwan pa kaming naging okay bago kami naghiwalay. Akala ko nga ayos na ang lahat samin but everything about him suddenly changed after a couple of months.

Napayuko si Benj at kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha niya. Sinubukan niya yung punasan pero walang saysay. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha namin.

Tumingin siya sandali sa akin at tumango.

"I know. Naging ayos nga tayo. Nawalan na ko ng connection kay Lorraine that time but after three months may nakapagsabi sakin na nakita siya malapit sa school. Buntis at hindi na pumapasok".sagot niya kaya naman napahilamos ako sa mukha ko na basang basa ng luha. "Hinanap ko si Lorraine. Kung saan-saan ako nagtanong, inalam ko yung totoo. When I finally found her, sinabi niya na anak ko nga yung bata pero ayaw niyang guluhin tayo, Zakhia. Ayaw niyang ipaalam sayo kase ayaw niya na magulo ang relasyon natin".

Tangina. Tangina lang talaga. Walang akong idea na ganito pala ang nangyari. Bakit hindi niya sinabi sakin lahat? Bakit hindi niya sinabi ng mas maaga para naintindihan ko agad?

"Nung malaman ko na sakin nga yung bata, hindi na ko nagdalawang isip. Nakipagbreak agad ako sayo—"

"Sa chat, Benj. Sa chat." madiing pagpapaalala ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit dun niya tinapos ang relasyon namin. "Bakit hindi mo sinabi sakin agad, Benj? Sana nakipagkita ka para naipaliwanag mo sakin, maiintindihan ko naman. Benj, maiintindihan ko naman pero bakit hinayaan mo na wala akong alam sa loob ng limang taon? Sana man lang sa personal mo tinapos lahat". nahihirapan na sabi ko.

He tried to look at me but in the end napayuko lang siya ulit. Sobrang sakit ng dibdib ko at halos hindi na ko makahinga kakaiyak.

"I know. Ang gago ko. Zakhia, ang gago ko but you cant blame me. Hindi ko kaya. Natakot ako," napasabunot siya sa kanyang sarili at napahilamos din sa kanyang mukha.

"Hindi mo kayang aminin sakin yung mali mo? Natakot ka sa reaksyon ko kaya hindi mo sinabi?".

Umiling agad si Benj kaya naguluhan ako sa sinagot niya.

"Kung ganun bakit natakot ka? Anong hindi mo kaya?".desperadong tanong ko kase kailangan ko ng sagot. Kailangan kong malaman lahat kase para na akong mababaliw sa kakahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Ilang beses ulit na napailing si Benj at mukhang hirap na hirap din siyang pag usapan ang tungkol dito pero ito nga siguro ang kailangan namin.

Oo, siguro nga seventeen lang kami ng mangyari lahat ng yun but it has a great impact on our lives and I need a closure para maayos na lahat.

"Zakhia, natakot akong makita kang umiiyak ng dahil sakin. Damn. Hindi ko kaya na makita kang nasasaktan kaya pinili ko na sa chat makipagbreak. Alam ko kase na kapag nakita kitang umiiyak, bibitawan ko lahat. Im ready to give up everything just to be with you. Na kahit yung bata, magagawa kong talikuran para sayo".

Nakita ko na naman ang pagkislap ng mga mata ni Benj sa kabila ng dilim na bumabalot samin.

Mas lalong lumamig ang paligid pero hindi ko yun ininda dahil abala ako sa pagproseso ng lahat ng mga nalaman ko.

"Khia, alam kong mali na iniwan kita. Pero mas mali kung pinilit ko na magstay sa tabi mo knowing na may anak ako na dapat kong panagutan".halos pabulong na sabi ni Benj na lalong nagpasikip sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gulong gulo ko sa mga sinabi ni Benj pero hindi ko magawang magalit sa kanya matapos kong malaman lahat ng nangyari five years ago. Alam ko na normal lang naman sigurong reaksyon kung magagalit ako ngayon sa kanya dahil sa mga ginawa niya sakin, sa pang iiwan niya sakin, pero hindi ko talaga yun maramdaman. I cant be mad at him. I just cant.

Nasasaktan ako, pero hindi ko magawang magalit.

"After we broke up, kinausap ko ang mga magulang ni Lorraine. Inuwi ko siya sa Ilocos and when we finally turned into our legal age dun kami nagpakasal. Tutol ang magulang ni Lorraine dahil masyado pa kaming bata pero at the end, pumayag din sila sa plano ko. Dun din pinanganak si Venice". he explained after a long moment of silence. Hindi ako kumibo and I just let him say whatever he wants to say. "Sobrang hirap para sakin nung mga unang taon na hindi kita kasama. Naglalasing ako lagi para makalimutan ka pero paggising ko kinabukasan, nandun ka parin. Hindi kita maalis sa sistema ko, Khia. Hindi ko magawa. Kahit anong pilit ko, nandito ka parin lagi sa isip ko".

I heard his deep sigh. Huminto na ang pagtulo ng mga luha namin pero hindi parin namin magawang tumingin sa mata ng isat isa. Pareho lang kaming nakatanaw sa malayo at naghihintay ng susunod na mangyayari.

"Khia, sobrang nagsisisi ako na nasaktan kita at hindi ako nakapagpaliwanag agad. Pero never kong pagsisisihan na pinili kong buhayin si Venice. Hindi ko pinagsisisihan na pinakasalan ko si Lorraine kase siya yung tumulong sakin para maging ayos ako ulit. Hindi siya sumuko sakin kahit kailan. Kahit na alam kong nasasaktan ko na siya, she still chose to stay with me.. she chose to save me",

"May alam ba siya tungkol sakin?", I finally managed to asked that question.

I looked at Benj and naabutan ko siyang nakatingin din sakin.

"She knew everything about you, Khia. Alam lahat ni Lorraine kase ikaw lagi ang bukambibig ko",

"Inalagan mo ba sila ng mabuti? Minahal mo ba yung bata?", tanong ko ulit kase gusto kong malaman kung naging mabuti ba siya.

Kahit na masakit para sa akin yung nangyari, gusto ko parin naman na mapunta sa maayos na sitwasyon yung bata kase wala naman siyang kasalanan.

I saw a genuine smile on Benjs lips. Nakatitig lang siya dun sa picture ni Venice na nasa phone niya then he turned his gaze to my direction and he smiled even more.

"Mahal na mahal ko yung anak ko, Khia", he said and I felt relieved because of that.

"How about Lorraine? Maayos ba ang trato mo sa kanya?",

"Nung una, aminado ako na hindi kami naging maayos. Puro pahirap nalang yung nabigay ko sa kanya but one day, I realized na ang unfair ko na masyado", Benj explained at nakita ko ang simpleng paghawak niya dun sa wedding ring na suot niya. "So I tried my best to move on. Lorraine helped me in every step that I take and masasabi ko na siya yung tipo ng tao na hindi mahirap mahalin",

Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niyang yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko that time pero dahan-dahan kong inabot ang kamay niya at hinawakan.

He looked at me but then he just let me hold his hand.

"I'm so proud of you, Benj. Kahit na hindi maganda yung naging ending natin, sobrang proud parin ako sayo cause you made the right decision. Hwag mong pababayaan ang mag ina mo, okay?",

Tumango agad siya sakin at ngumiti.

"Thank you for listening to my explanations and for the last time, I want to say sorry sa lahat ng nagawa ko",

"Sorry and explanation mo lang naman yung hinihintay ko", nakangiting sabi ko bago binitawan yung kamay niya.

We stay there for awhile. Tahimik lang kami at nakatingin sa malayo.

Sa tagal ng panahon, sa wakas, nakuha ko na yung closure na sobrang tagal ko ng hinihintay. Mas nakahinga na ko ng maluwag at pakiramdam ko, mas ayos na ko.

Hindi man kami nagkatuluyan ni Benj noon, at least nalaman ko na nasa maayos na lagay na siya ngayon. At yun lang naman ang hiling ko.

Ang maging maayos ang lahat.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon