Special Chapter 1

22 1 0
                                    


Special Chapter 1

Do you believe that everything happens for a reason? Well, kung ako lang din naman ang tatanungin, oo agad ang sagot ko.

Lahat ng nangyari sa buhay natin, masaya man o malungkot, meron paring dahilan. Sabi nga nila, alin lang naman yan sa dalawa. Its either maging blessing sayo yung mga nangyari o pwede rin naman na maging lesson na madadala mo habang buhay.

And I guess, lesson ang dala sakin ng mga nangyari four years ago.

Napangiti ako ng makita ang pamilyar na lugar. Gosh, Im finally back. Sobrang namiss ko to.

Abala ako sa pagtingin kung saan-saan ng biglang tumunog yung phone ko.

He's calling.

"Hey, nakalapag ka na?".tanong nito sakin.

Maingay ang background niya. It seems like meron pa siyang ibang kasama sa sasakyan.

Ang sabi niya mag isa lang siyang susundo sakin hindi ba?

"Yes. Im here at Starbucks already. Saan ka na?".

"Im on my way. Im sorry, Rien. Ang traffic kase".

Napangiti ako. Ayos lang naman sakin kahit malate siya. Sobrang thankful na nga ako kase siya pa mismo ang nag insist na sunduin ako dito sa airport kahit na alam kong busy siya sa trabaho.

"No. It's alright, Sky. Hintayin nalang kita—"

"Kuya, pakausap naman!".

Nadinig ko yung boses ni Devin tas bigla silang nagkagulo. May dalawa pang babae na biglang nagsalita at mukhang pinagagalitan si Devin kase bigla siyang sumingit sa usapan. Parang kilala ko na kung sino yung dalawang babae na yun. Napangiti tuloy ako bigla.

"Mahal, sinira mo na yung sorpresa".

"Napaka ingay mo, Vin. Wala na, buking na tayo!"

"Kase naman may surprise pa kayong nalalaman—"

"So plano niyo pala na isurprise ako?". Natatawang sabi ko kase parang hindi na sila matatapos sa pagtatalo dun.

Biglang tumahimik sa kabilang linya kaya sinilip ko yung screen ng phone ko. Akala ko binaba na ni Skyler yung tawag pero hindi naman pala.

"Hey, Sky. Still there?".

Siguro inoff niya lang yung loudspeaker.

"Yup, sorry ang gulo naming. Medyo malapit na kami. Ill call you later once we arrived at the parking lot okay?".sunod sunod na sabi niya.

"Okay. Ingat kayo".

"You too. Bye, Rien".

"Bye, Sky. Then I ended the call".

Hindi mawala ang ngiti ko after nun. Malapit ko na silang makasama ulit.

I decided to stay inside the Starbucks habang hinihintay sila. I ordered a cup of coffee then naupo ako malapit dun sa bintana.

Isang taon matapos mawala si Glean, ginawa ko ang pinakamalaki na sigurong desisyon sa buhay ko. For the past three years, I decided to stay in New York.

Ako lang mag isa sa loob ng tatlong taon. Walang tulong nino man. Ako lang talaga.

Nung una, tutol si mama sa gusto ko. Maski si tita Alicia, ang mama ni Glean, ayaw rin akong paalisin na mag isa. Alalang-alala sila na baka mapahamak ako o baka may gawin akong hindi maganda. Siguro iniisip nilang lahat na baka magsuicide ako dun or what kaya grabe ang pagtutol nila sa plano ko. Iniyakan pa nga ako nun ni mama at ni tita Alicia, papaya lang daw sila na umalis ako kung kasama si Sky o hindi kaya si Devin para meron daw titingin sakin habang malayo ako. Si tito Yohan lang at si papa ang kumampi sakin that time. They helped me to get my citizenship, my own house and they enrolled me sa isang university na malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Nagtrabaho ako sa isang publishing company habang nag aaral.

Mahirap pero masaya naman ako sa mga naging desisyon ko.

Sa totoo lang, sobrang gulo ng naging unang taon ko sa New York. I almost lost my job kase hindi ko magawang pumasok dahil sa sobrang pagod. Gigising ako para maging malungkot buong maghapon at matutulog ako matapos umiyak ng umiyak dahil sa mga nangyari. Ilang beses din akong bumagsak sa mga test sa school at gusto na sana akong pauwiin nila mama sa Pinas pero sabi ko, kaya ko. I can make it. I can take care of myself and I know someday, I will be able to move on. Buti nalang hindi ako sumuko.

I met a lot of people in New York. I learn new things. Natuto narin akong magluto, maglaba, maggrocery at alagaan ang sarili ko. At higit sa lahat, Ive learned to accept the fact na wala na si Glean. Iniwan na niya kami at alam ko na masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.

Hindi na ako pumasok sa relasyon matapos niyang mawala sakin. Hindi naman sa sinarado ko na yung puso ko para sa iba. Mas pinili ko lang kase na magfocus muna sa sarili ko at alam ko na kahit ilang taon ng wala si Glean, nandito parin siya sa puso ko. Hindi na siya kailanman mawawala sakin. He will always have a special place in my heart that will never be replaced by anyone else.

I already finished my studies in NY at alam ko na kaya ko na talaga. Tanggap ko na lahat ng nangyari kaya bumalik na ko.

Napatingin ako sa labas tsaka ngumiti. Alam kong ang yabang pakinggan pero masama bang maging proud ako para sa sarili ko? Pakiramdam ko kase sobrang laking achievement para sakin na nagawa ko ng magmove on.

Glean, proud ka rin ba sa mga nagawa ko? Sana oo.

Ilang sandali pa ang lumipas ng biglang tumunog yung bell na nakasabit dun sa taas ng glass door kaya napatingin ako dun. May isang lalaking pumasok.

Hes wearing a black hoodie, faded blue jeans, white sneakers and eyeglasses. Hes tall, siguro mga nasa 6'1 at hindi nalalayo sakin ang edad. May dala din siyang bag at dumiretso dun sa counter.

He look so familiar.

I cant clearly remember kung saan ko siya nakita but Im sure na nagkita na kami noon.

Patago ko siyang tinitigan hanggang sa makuha na nito yung inorder niya. Naglakad na to palapit sa pinto na malapit lang sa pwesto ko kaya mas lalo kong natanaw ang mukha niya. Palapit siya ng palapit sakin until I realized na siya nga ang lalaking yun. Bumalik sa alaala ko yung unat huli naming pag uusap at parang biglang tumigil ang mundo ng magawi sakin ang tingin niya.

Siya na nga talaga.

Alam ko na maraming nagbago sa physical appearance niya pero sigurado ako na siya ang lalaking yun.

"Marcus.. "

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon