Kabanata 7

201 6 0
                                    


Kabanata 7

Someday you're gonna realize

One day you'll see this through my eyes

By then I won't even be there

I'll be happy somewhere even if I cared

I know you don't really see my worth

You think you're the last guy on earth

Well I've got news for you

I know that I'm not that strong

But it won't take long, won't take long

Ramdam ko ang unti unting pagsikip ng dibdib ko habang bumabalik sa alaala ko ang lahat.

Cause, someday someone's gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday someone's gonna take your place

One day I'll forget about you

You'll see I won't even miss you

Someday, someday

Sunod sunod na pag agos ng mga luha ang bigla na lang bumulaga sa akin. Mga luha na hindi ko magawang pigilan kahit kailan. I don't even know why I'm crying right now. Is it because I'm sad? Or is it because of the overwhelming feeling inside me?

Why is it so hard to forget? It's so easy to fall in love but it is so hard to let go and  move on.

"Wala kang kasalanan kay Benj, kase nagmahal ka lang pero may kasalanan ka sa sarili mo".isang mahigpit na yakap ang natamo ko mula kay Devin.

Ang tanging yakap na kahit papaano ay nakapagpa pagaan sa loob at damdamin ko.

"Kapag nagmahal ka kase, h'wag sobra sobra lalo na kung takot kang masaktan. You also have to think about your self. Para kung iwan ka man niya, masakit lang. Hindi masakit na masakit".

Alam ko ang gusto niyang iparating. I get it pero hindi niyo din naman ako masisisi. Alam natin na halos lahat ng babae madaling madala hindi ba? Ang masama nga lang, e naging biktima ako ng isang lalaking paasa.

"If you choose to love someone, you also need to prepare yourself. Kailangan magtira ka para sa sarili mo. Hindi pwedeng bigay ka lang ng bigay".

Shit. Bakit ba lagi na lang akong natatamaan sa mga sinasabi niya? Love expert ba ang lalaking 'to.

"Tsaka kung sakaling may manakit sayo h'wag mong isipin na idamay ang iba. Kase lagi mong tatandaan, lahat ng tao may pagkakaiba. You also need to remember that there's a right person for you. Maybe you just have to wait until you find him.".

Pero paano kung sumuko na rin siya? Paano kung yung lalaking nakalaan pala para sa akin ay nasaktan din ng sobra at hindi na kinaya pang lumaban? Paano kung yung taong para sa akin ay nalagpasan ko ng hindi ko nalalaman? Wala man lang bang clue?

Wala man lang bang signs?

"Maswerte siya kase kahit sa sandaling panahon, may nagmahal sa kanya ng todo!".bulong pa niya sa akin."How I wish na may magmahal din sakin ng ganun. Sana ako din. Sana maramdaman ko rin yung pagmamahal na pinaramdam mo sa kanya. I wanna know how it feels to be love by a woman like you".

-*-

"Rien!".

Unti unting nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses ni kuya Raen. Dahan dahan ko siyang nilingon at dumoble naman ang kaba ko ng makita ang nanlilisik na tingin niya sa akin.

"B-bakit po?".kabadong tanong ko."M-may problema po ba?"

Umiling naman siya sa akin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag "Wala. May gusto lang akong itanong".

"A-ano 'yon Kuya?".

Umakyat siya sa hagdan kung saan ako naroroon ngayon pero nilampasan niya ako. "Itatanong ko lang sana kung maganda ba dun sa kubo? Balita ko may kubo sa likod ng Admerson. Napuntahan mo na ba yun?.nanghahamon na tanong ni kuya.

Napamura nalang ako sa isip ko.

Shit. Alam na kaya ni kuya na nakakausap ko ang magkakapatid at madalas ko ding kasama si Devin? Kainis. Hindi pwede. Alam kong hindi maganda ang kalalabasan pag nalaman ni kuya ang tungkol dun!.

"Ate? Ate Rien! Uy, ate".

Bigla namang bumalik sa katotohanan ang pag iisip ko ng may madinig akong nagsalita. Agad na bumungad sa akin yung kambal na nakakunot ang mga noo.

"Ok ka lang ate?".takang tanong pa ni Iro.

"Ah oo, ayos lang ako".alanganin kong tugon."Saan ang punta nyong dalawa?".

"Si Rio po may kameeting daw!".nagkatinginan yung magkakambal at biglang pinanliitan ng mata ni Rio si Iro."Oh bakit ganyan ka makatingin? Di ba--"

"Di ba sabi ko sayo h'wag-- "

"Edi sorry".

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan yung pinag uusapan nilang dalawa. Para silang aso at pusa na hindi magkasundo!.

"Rien? Anak, nandyan ka na pala".napatingin kaming tatlo dun sa baba ng hagdan at ang ngiti kaagad ni mom ang bumungad sa amin.

"Bakit po ma?". tanong ko habang dahan dahang naglalakad patungo sa kinatatayuan niya.

Nagmano kami agad kay mama pagkalapit namin sa kanya tsaka humalik sa pisngi nito.

"May problema po ba?".

"Wala namang problema pero may package na dumating".napataas ang kilay ko. "Eto anak, may nagpapabigay sayo".

Agad na nabaling dun sa malaking kahon na may butas butas ang tingin ko. Nakapatong din dun ang isang bouquet ng white roses.

Sino naman ang magpapadala sa akin nun?.

"Oh hindi ba sabi ko sayo? Mas gusto ko si kuya Glean kesa kay kuya Devin".

"Oo na panalo ka na".

Napatingin ako ulit dun sa kambal na kanina pa nagtatalo dun sa may likod ko pero agad nilang iniwas ang mga tingin nila sakin. Tss. I'm sure that they had an idea on what's going on right now.

Nilapitan ko yung box at agad iyong binuksan. Isang malawak na ngiti ang kumawala mula sa akin ng makita ang isang puting poodle na laman pala nung kahon.

Dali dali kong binuhat yung poodle at ipinatong sa aking hita. Napatingin naman ako dun sa itim na collar na nakasabit sa kanyang leeg. Meron din iyong bell na kulay ginto at nakaukit dun ang pangalang 'Cayden'.

Tiningnan ko din yung bouquet at isang kulay puting papel ang agad na pumukaw sa atensyon ko. Kinuha ko 'yon at sinuri-- isa iyong picture.

Lalo akong napangiti.

Paano ba naman, mukha ni Devin yung nandon sa picture at hawak hawak pa niya si Cayden.

Hi, hope you like my gift. Ako talaga ang bumili sa kanya, gusto ko sanang maibigay sayo ng personal kaya nga lang di tayo nag abot but it's alright. Sana alagaan mo ng mabuti si Cayden :) - From Devin

Siraulo talaga ang lalaking 'yon.

Titig na titig lang ako dun sa picture niya hanggang sa bigla na lang kinuha nung kambal yung litrato.

"Bakit Devin ang pangalan, e si kuya Glean 'to?".Rio

"Oo nga. Kahit isang beses pa lang kami nagkakakuwentuhan, kabisado ko na ang mukha niya".Iro

"Tsaka ang mata ni kuya Glean is kulay brown gaya na lang nitong lalaking sa picture!".Rio

"Ang gulo ah!".Iro

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon