Kabanata 18Raen's POV
"Bro, chill. Parang gusto mo ng patayin si Glean dahil sa galit mo".natatawang saway sa akin ni Xian.
Nandito kami ngayon sa unit niya kasama yung iba pa naming kabarkada.
"Hindi lang 'parang' Xian. Gusto ko talaga siyang patayin".galit na sagot bago nagsalin ulit ng JD sa shot glass.
Tinigil ni Gene yung paggigitara. Lahat sila nakatingin sakin ngayon.
Nanggigigil na talaga ko sa galit.
"Tss ano bang nagawa sayo nung tao at ganyan ka makareact. Inagawan ka ba ng girlfriend nun?".tanong naman ni Recca.
Napailing na lang ako at nilagok iyong alak."Marami ng nagawa sa akin ang gagong 'yon".sagot ko tsaka napailing.
Ibinaba ni Gene yung gitara niya tsaka siya nagsalin ng alak sa sarili niyang baso.
"Bakit? Is it because of what happen to Khia?".napatingin ako bigla kay Gene at sunod sunod na tango ang sinagot ko sa kaniya.
Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang napagkwentuhan ko ng tungkol sa nangyari kay Rien noon.
"Bro grabe ka naman. 5 years old lang si Khia ng nangyari 'yon. Halos isang dekada na ang lumipas".dagdag pa ni Gene.
"I don't care kahit ilang taon pa ang lumipas. Kasalanan niya lahat. And I don't really mind kahit pa makulong ako basta mapatay ko siya--"
"Oh come on. Raen tapos na. Siguro nga siya ang may kasalanan sa nangyari sa little princess natin nun but can't you see? Glean can make Rien happy".napatigil ako dahil sa mga sinabi ni Gene.
Maski sila Ryan ay natigilan din dahil dun.
"Nakakabawi na siya. Ligtas ang kapatid mo sa kanya. Why don't you just accept the fact that they want each other? Just be happy for our princess, Raen".
"Ang kapatid ko, ligtas sa kanya? Siraulo ka ba?".umiiling kong tanong."Member na ako ngayon ng Enormous Black Dragon at ang Eloquent Son of Gun ang pinaka mabigat naming kalaban".
"Ano namang kinalaman ng pagiging member mo dun?".tanong ni Ryan.
Naramdaman ko ang pagbigat ng damdamin ko. Tangina.
Ano ba 'tong napasok kong gulo?
"Natatakot ako. Takot na takot ako sa pwedeng gawin ni Nathan. I know that he has a plan. Gusto niya ding makuha ang black camilla and he's willing to risk the life of so many people, makuha lang yun".paliwanag ko. Halos manginig ang buong katawan ko sa galit.
Galit na galit ako sa sarili ko dahil ang tanga ko.
I just want to protect my sister but in the end, I just made the situation even worst.
"Natatakot ako na baka masyadong masaktan si Rien pagnalaman niya na yung pwedeng mangyari kay Glean"dagdag ko.
"Kaya ba ngayon pa lang pinalalayo mo na siya?".
"Oo. Gusto ko ng matapos lahat 'to".
-*-
Rien's POV
Linggo na ang nagdaan simula ng magkagulo sa bahay at hanggang ngayon hindi parin ayos ang lahat. Araw araw na lang puro sigawan ang nadidinig ko. Sigawan na wala namang kwenta kung tutuusin.
Everynight wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak. That is my only espace. At least nababawasan ang sakit kahit kaunti kase pag inipon ko lahat, hindi ko na kakayanin. Wala na akong maintindihan.
Sobrang gulo na ng lahat.
I tried to call Ran but she's busy. Ganun din sila Jean pero nangako sila na once they are done, pupunta sila para kitain ako. Gusto kong sabihin dun sa kambal lahat pero mukhang hindi iyon magandang idea dahil sobra narin ang sakit at hirap na nararamdaman nila. Gusto ko rin sanang lapitan si kuya Raen pero hindi pa rin siya umuuwi.
I don't know where he is. I have no idea.
Gusto kong kausapin si Glean pero hindi ko magawa. Alam ko na lagi niyang sinasabi na nasa tabi ko lang siya palagi pero natatakot ako. Ayoko ng dumagdag sa isipin niya.
Mag isa lang akong naglalakad sa may hallway. Tahimik ang buong paligid at pabor sa akin ang katahimikang iyon.
I want to at least, have a peace of mind kahit sandali. Sa bahay kase parang laging may giyera. Ni hindi ko na nga magawang asikasuhin ng maayos yung sarili ko kase mas inuuna ko pa ang pag aawat kayla mom and dad. Hundi narin ako nakapagpapahinga dahil lagi kong binabantayan si Iro. Napapadalas kase ang pagsumpong ng asthma niya.
Habang naglalakad naramdaman ko ang biglang pagpintig ng sintido ko. Napahawak ako sa may dingding ng isa sa malapit na room at napasapo na lang sa noo ko.
Umiikot ang paningin at nanghihina narin ang tuhod ko. Mas dumodoble ang sakit ng ulo ko hanggang sa unti unti ng maging itim ang lahat. Naramdaman ko ang dahan dahang pagbagsak ko. Kasabay nun ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi.
"Please h'wag ngayon.. "
-*-
"Ri-Ri gising"
"Gumising ka na please"
"I'm so sorry Ri-Ri ko!"
"Naaalala mo pa ba ako?"
"Kasalanan mo lahat 'to!"
"Hindi ko po gustong mangyari 'yon kay Ri-Ri!"
"Umalis ka na"
"Hindi ko po iiwan si Ri-Ri!"
"Ri-Ri!"
Napabalikwas ako ng bangon at bigla na namang sumakit ang ulo ko dahil dun.
"Shit. Sino ka ba? Bakit lagi na lang kitang napapanaginipan?".mahina kong tanong sa sarili ko.
Napatingin ako sa pintuan ng madinig ko ang dahan dahang pagbukas nun at isang pamilyar na mukha ang agad na bumungad sa akin.
Damn. Sobrang namiss ko siya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?".nag aalala niyang tanong at sunod sunod na tango naman ang sinagot ko."Mabuti naman kung ganon".isang mapait na ngiti ang kumawala mula sa kaniya bago niya hinawakan ang kamay ko.
Damn. Para na namang binibiyak ang puso ko.
"Napapabayaan mo na ang sarili mo".mahina niyang sabi. Para na niya akong sinesermonan kaya naman napangiti ako dahil sa inaasta niya."Pumapayat ka na lalo. Hindi na tuloy ganun kabilog yung pisngi mo".
"Yung pisngi ko pa talaga ang inalala mo ha?".natatawa kong sabi na ikinangiti niya.
Ilang ulit ng hinalikan yung kamay ko bago siya ulit tumingin sakin.
"Rien, h'wag mo silang susundin".kumunot bigla ang noo ko dahil sa sinabi niya.
May idea ba siya sa gustong mangyari ni kuya? Pangalawang beses na kase niyang sinasabi 'to.
"Kahit na anong mangyari h'wag mong hayaan na pangunahan ka nila. Please, baby, I'm begging you. Don't leave me. I can't afford to lose you again. I just can't".naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko."Hindi ko kaya. Damn. Hindi ko kayang wala ka".
-*-

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Ficção Adolescente"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...