Kabanata 31

111 3 0
                                    


Kabanata 31

Devin's POV

"Devin.. " napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ang kakambal ko. "May problema ba?".

"Wala. Bakit mo naitanong?".sagot ko na ikinailing niya.

"Imposibleng walang problema, Devin. Alam kong meron kaya sabihin mo na".pamimilit pa ni Glean pero mas minarapat ko na huwag na lang sumagot.

Hindi makabubuti kung malalaman niya lahat. Mas mainam ng wala siyang alam tungkol sa mga mangyayari.

Iniisip ko pa lang ang resulta, sumisikip na kaagad ang dibdib ko pero wala akong magagawa. Kailangan ko 'tong gawin. Para matapos na ang usapin tungkol sa lintik na black camilla na yan at para maging maayos na din ang lahat sa pagitan nila Glean at ni Rien.

Maraming pwedeng mangyari. Sigurado yan.

Pwedeng mauwi sa wala lahat ng plano namin. May posibilidad din na mahuli kami bago pa man mahanap yung black camilla at masurrender sa pulis. Pwede rin na maunahan kami nila Nathan na makuha yun. Sobrang dami talagang posibilidad pero isa lang ang ang gustong kong mangyari.

I just want Rien to be happy. Gusto kong maging masaya ang babaeng mahal ko.

"Glean.. " tawag ko sa kaniya at tumingin lang ito sakin. "Please take care of her".

-*-

Amelia's POV (Rien's Mother)

"Amelia".nakataas ang kilay ko ng harapin ko ang aking asawa. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanya."Gusto tayong maka usap ni Ferdinand".

Natigilan ako bigla ng madinig ang pangalan na yun.

"Bakit tayo kakausapin ang matandang 'yun? Ano na namang gusto niya?".tanong ko.

"Ame, calm down. I know it's unbelievable pero nakausap ko si Yohan at Alicia tungkol sa ilang bagay na nabanggit sa kanila ni Ferdinand".mas lalong kumunot ang noo ko pero hinayaan ko lang siyang magsalita."Please sana naman magtiwala ka. Well, kung wala ka na talagang tiwala sa akin, alam ko na kay Yohan meron parin".

Parang isang napakatulis na patalim ang bigla na lang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Nanatili lang akong tahimik at nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Ame, we need to do this for Rien. Para sa kaligtasan niya 'to at dapat bago pa dumating ang debut niya, maayos na ang lahat".biglang umangat ang tingin ko kay Alfred."It is all connected to Rien at hangga't maaga pa, dapat na natin 'tong ayusin".

Ano na naman ang problemang kahaharapin ng pamilya namin? Bakit kami? Bakit kailangan na namang madamay ni Rien?

Mabilis kaming tumungo sa lugar na sinabi ni Ferdinand at nakita din namin siya kaagad.

"Maupo kayo.. " nakangisi niyang sabi at hindi man lang nagawang tumingin sa amin.

Pinagsa walang bahala na lang namin iyon at naupo na. Nanatiling tikom ang aming bibig hanggang sa muli siyang magsalita.

"Bakit hindi natin pag usapan ang nalalapit na.. kasal?".

-*-

Rien's POV

"Boom"

"Oh my God! " gulat kong sigaw at tiningman ng masama yung nanggulat sakin pero napangiti ako bigla ng makita ang isang white life sized teddy bear.

"Happy birthday, Ri".malambing na sabi ni Glean na lalong nagpangiti sa akin."Gift ko sayo. Nagustuhan mo?".

Sunod sunod na tango ang sinagot ko bago mas binaon ang aking mukha dun sa bear. Bukas pa ang birthday ko pero masyado siyang excited.

"Thank you Glean. Sobrang nagustuhan ko".

"Kaya nga lang.. " bigla siyang ngumuso na nagpakunot naman sa noo ko.

Bakit ang cute niya pa rin kahit nakanguso?

"Anong kaya nga lang?".pag uulit ko sa huli niyang sinabi.

"Ri, you're so unfair. You're so unfair, baby"may pagtatampong tono niya."Yung bear may yakap tas ako wala?".

Bigla akong napahagalpak dahil sa sinabi niya.

"Ikaw talaga. Ang arte mo no?".natatawa kong tugon at bahagyang ginulo ang kanyang buhok."h'wag kang madamot okay?".

Isang nakalolokong ngiti ang bigla na lang gumuhit sa labi ni Glean. "I'm sorry. Bawal na bang ipagdamot ngayon yung babaeng mahal ko".

Naestatwa ako sa aking kinauupuan dahil dun pero ng magsink in na lahat sa utak ko yung sinabi niya ay tiningnan ko siya ng seryoso.

"Patay na patay ka talaga sakin no?".

"Yes, baby. Palibing mo na kaya ko?".

Natawa nalang ako sa sinagot niya. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit ko siyang nahampas sa braso dahil ang kulit niya ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan ni Glean at palihim akong humiling na sana palagi na lang ganito at sana hindi na ako malayo ulit sa kanya. Hindi ko na kase kakayanin kapag nangyari pa ulit ang bagay na 'yon. Hundi ko kakayanin na wala siya sa tabi ko.

Gusto ko na lagi kong kasama si Gi-Gi. My one and only Casper and luckily, ako ang kanyang Kat.

"Ri, may gusto ka pa bang matanggap sa debut mo?".bigla akong napatingin sa kaniya at noon ko lang napagtanto na nakatingin din pala siya sa akin."Do you want anything?".

Napaisip naman ako hanggang sa may bigla akong naalala.

I grabbed my phone then pinadinig sa kanya yung kanyang paborito ko.

"Do you know that song? Medyo matanda na nga lang".tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango."Kantahin mo lang bukas yun, okay na okay na ako. At sana din, makasayaw kita".

Iyon na lang siguro ang mahihiling ko.. ang makasayaw siya ulit gaya nun.

Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi ko at parang nakakita siya ng multo dahil sa gulat.

"S-sayaw? Tayo? No-- "

"Sana isayaw mo ulit ako".

"Ri, I-i'm sorry but I can't. Hindi pwede. Iba nalang. Please-- "

"I want to dance with you, Gi-Gi. You'll be my Casper and I'll be you Kat. Then we're gonna dance together. Please gusto kong maulit yun, Gi-Gi".

Nakita ko ang paglandas ng mga luha niya. Damn. He's crying.

My Gi-Gi is crying.

"Ri, I'm afraid. I know it's unfair pero hiniling ko na sana, hindi nalang bumalik ang alaala mo" huminto siya sandali at tinitigan ako ng maigi."Cause I'm afraid na baka kapag naalala mo na ko, ilayo ka ulit nila. Baby, I'm afraid. I'm sorry".

"Shhh.. " lumapit ako sa kanya at agad na pinunasan ang kanyang mga luha na patuloy sa pagbagsak. "Don't be afraid, Gi. It won't happen again. I will fight for you. I will fight for the both of us. Please don't cry. Don't be afraid, I won't leave you again, Gi".

Isang matamis na ngiti ang agad na gumuhit sa labi niya at mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay Glean.

"I love you so much, Ri. I love you so much my own Kat Harvey!".

"Thank you, my Casper!".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon