Kabanata 42Lumipas ang mga araw na wala akong ibang ginawa kundi ang uminom, iwasan si Glean, sisihin ang sarili ko at isipin lahat ng sinabi ni Skyler.
Masyado ata akong naging masama kay Sky. Hindi ko dapat siya sinabihan ng demonyo. Mali, e. Dapat kase inalam ko muna yung side niya, kung ano talaga yung nangyari.
Pero hindi niyo rin naman kase ako masisisi hindi ba? Hindi ko din naman kase ginusto ang mga 'to kaya lang tama sila, e. Kapag ang isang salita nabitawan mo na, hindi mo man yun gusto, hindi mo na mamabawi pa. At nakakainis lang kase puro masasakit na salita ang nabitawan ko kay Sky dun sa huling pagtatalo namin.
Napapikit ako ng biglang bumukas yung ilaw nung kwarto. Nasilaw ako dahil sa liwanag. Maya maya ay naaninag ko siya na pumasok. Nakakatawa. Matapos ng lahat ng masasakit na sinabi ko sa kaniya, nandito parin siya. Bumalik pa rin siya sakin na parang walang nangyari.
Dahan dahan itong naglakad palapit sa akin at kinuha niya yung bote ng beer na kaunti na lang ang laman. Basta na lang niya itong tinungga at tsaka siya naupo sa tabi ko.
Gusto kong maiyak sa mga oras na yun kase hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano akong makakabawi sa kaniya. Parehas lang pala kaming biktima dito. Hindi ko pala siya dapat na hinusgahan kaagad.
"Minsan pala masarap ring uminom, lalo na kapag sobrang hirap at sakit na nung mga nangyayari".sabi pa ni Sky habang patuloy na iniinom yung natira kong alak.
Isang mapait na ngiti ang bigla na lang kumawala sa kaniya na parang isang patalim na sumaksak sa dibdib ko.
"Edi uminom tayo ng uminom, hanggang sa wala na tayong maramdaman. Hanggang sa unti unting mawala yung hirap at sakit".tugon ko.
Wala na ata ko sa sarili. Mabilis akong tumayo at kumuha ng ilan pang bote ng beer at sabay namin yung ininom.
Hindi ko na malasahan ang pait nito dahil sa sobrang pagkalasing at mukhang ganun din si Skyler. Halata naman kase na kanina pa siya nakainom, pagkadating pa lang niya, amoy na amoy ko na yung pinaghalong alak at sigarilyo sa kanya.
Naramdaman kong kinuha ni Sky yung bote mula sa kamay ko. Hindi ko napansin na kaunti na lang pala at malalaglag na yun sa sahig. Hindi ko na maibukas ng maayos ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkalasing. Inalalayan ako ni Sky para makatayo hanggang sa makarating kami dun sa mismong kwarto. Dahan-dahan niya akong hiniga dun sa kama pero nung aalis na sana si Sky ay bigla ko siyang hinila at hinagkan.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero may kung ano sa sarili ko na ayaw tumigil. Nababaliw na ata ako. Nababaliw ka na, Rien.
Nung una wala siyang naging reaksyon hanggang sa tumugon na din siya sa mga halik ko. Pinatay niya yung ilaw na nasa tabi namin at mas lalo akong nawala sa sarili. Hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na 'to.
Dahan dahan akong humiga at naramdaman ko na ang bigat ni Sky sa ibabaw ko pero wala akong ginawa. Wala akong gagawin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin.
His hands is all over me. Kung saan-saan yun nakarating at hindi ko na masundan. Sobrang lalim ng mga halik niya at naramdaman ko ang dahan-dahang pagpasok ng dila niya sa bibig ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbaba ng halik niya sa leeg ko habang yun namang mga kamay niya ay dahan dahang itinataas ang damit ko.
Hindi ko na masundan ang galaw niya hanggang sa yung pantalon nalang na suot niya ang pumapagitan samin. Unti unting hinubad ni Sky ang suot niya pero ng mapatingin siya sa mga mata ko ay bigla siyang tumigil.
Hindi ko maintindihan kung bakit kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Umalis si Sky sa ibabaw ko at kinuha yung kumot na nahulog na sa sahig dahil sa nangyari. Binalot niya sakin yun tsaka siya naupo sa gilid ng kama.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nangingibabaw sa akin yung tuwa.
Lumapit sakin si Sky at hinagkan ang noo ko.
"I'm sorry, Rien. I'm really sorry. Hindi ko dapat ginawa yun. Just stay here, okay? You have to change your clothes. Kukuha ako ng bago".
Ilang beses pa niyang hinagkan yung noo ko bago niya dinampot ang mga damit niya at naglakad paalis para siguro ikuha ako ng bagong damit.
Wala sa sariling napangiti na lang ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Salamat, Sky".
-*-
Glean's POV
Marahan kong hinimas ang buhok ni Rien at tinitigan ang napakaamo niyang mukha. Siguro ito na yung huling beses na makikita ko ang mukha niya dahil ngayon na mangyayari ang araw na pinaka kinatatakutan ko.
Nakatanggap na ko ng tawag. Handa na ang mga pulis.
"Rien, sobrang dami kong natutunan galing sayo. Ikaw pinakamagandang nangyari sakin. You gave me a lot of reasons to enjoy . Naging masaya ang bawat araw, oras, minuto at segundong kasama kita. Noon akala ko na ang pagiging basagulero at alak na lang ang magiging buhay ko, pero mali ang lahat ng 'yon. Kase ikaw na ang buhay ko, ikaw na yung ambisyon, pangarap at kayamanan ko. At handa akong makipag patayan para lang sayo, ayaw kitang masaktan, ayokong nadadamay ka sa mga gulo na dapat naman ay hindi mo kinasasangkutan".
"Ri-Ri alam ko na magagalit ka sa akin sa oras na malaman mo ang mga gagawin ko, pero mas gugustuhin ko ng magalit ka sa akin kesa madamay ka pang lalo sa gulong ito. Alam ko na ipinangako ko sayo noon pa lamang mga bata tayo na pakakasalan kita pero ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad. Mukhang hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo".may mga luha na bigla na lang tumulo mula sa aking mga mata, mabilis ko itong pinunasan.
"Sandaling panahon lang ang pinagkaloob sa ating dalawa pero masaya at thankful pa rin ako kase kahit na sandali lang iyon, ang importante ay nakasama kita. Nasabi ko sayo ang nararamdaman ko at napakaswerte ko dahil minahal mo ako at kahit na sa sandaling panahon ay nagkaroon ng salitang tayo!".muling tumulo ang aking mga luha at garalgal na ang aking boses.
"Rien alam ko na may mahahanap ka pang iba, may ibang lalaki kang makikita, makikilala at siya ang tutupad sa mga pangarap sana nating dalawa. Gusto ko na maging masaya ka pa rin, kahit na sa piling ng iba. At palagi mong tatandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo, babantayan kita at patuloy pa rin kitang mamahalin".
Saglit kong hinagkan ang kanyang noo at labi bago muling nagsitulo ang aking mga luha.
"Sana maging masaya ka pa rin kahit na wala na ako, mahal kita Rien. Mahal na mahal".
Nang dumating na ang takdang oras, nakasisiguro ako na dumating na sila Ferdinand at sila Devin ag Skyler samantalang ako naman ay nandito ngayon sa museum at hawak hawak ang isang pinag aagawang relo. Ang relo na siyang puno't dulo ng lahat ng ito.
"Magbabayad kayong lahat!"

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Fiksi Remaja"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...