Kabanata 11

135 7 0
                                    


Kabanata 11

"P-paano naman kayo nakakasiguro sa mga sinasabi nyo?".nagtataka konh tanong dun sa kambal.

Hindi kase talaga ako makapaniwala. Totoo ba talaga lahat ng 'to?

"Ate natatandaan mo ba yung picture na kasama nung bouquet?".tango lang ang tinugon ko kay Iro."Si kuya Glean po talaga iyon".

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa kanya. Kasabay nun ang pagsulpot ng napakaraming tanong sa isip ko.

Bakit?

Paano?

Para saan?

"Paano nyo nalaman na si Glean 'yon?".

"Kase po yung mata niya. Kulay itim ang mata ni kuya Devin pero kung titingnan mo po yung picture, kulay brown po yung mata nung lalaki dun".paliwanag naman ni Rio.

Nagmamadali kong hinanap yung picture at tiningnan yun ng maigi. Brown nga.

"Tsaka ate, nakakausap namin ang magkapatid na yun. But don't tell kuya Raen okay? Magagalit yun".

"We also know na may allergy sa aso si kuya Devin since nakakausap nga namin sila ng pasikreto. Pero dun sa picture, hindi ba buhat pa niya si Cayden?".dugtong naman ni Iro."Ibig pong sabihin, hindi talaga si kuya Devin yun. Si kuya Glean yun, ate. I know it's so hard to understand but believe us, si kuya Glean talaga yun".

"Does it also mean ma si Glean ang laging nagpapagaan sa loob ko at hindi si Devin?".nalilito ko tanong sa sarili ko.

Pero bakit nga kase? Bakit kailangan nilang magpalit ng pagkatao?

Hindi ako nakatulog dahil dun. Buong gabi walang ibang laman ang isipan ko kundi ang mga sinabi ni Rio at Iro na siya namang nagtutugma talaga dun sa kambal na si Devin at Glean.

Pati nga si Ran at Jean ay naistorbo ko nung gabi na yun. Kinailangan ko lang talaga ng makakausap dahil parang mababaliw na ko kaya naman tinawagan ko sila.

Kinabukasan.

Nagpalinga linga ako sa buong field at umaasang makikita ko siya dito na tumatakbo pero wala akong naabutan.

Bakit wala siya?.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Ang daming pumapasok sa isip ko at karamihan dun ay mga tanong.

I really need to find him. Siya lang ang makakasagot sa tanong ko.

Nagtatakbo ako papunta sa likod na bahagi nung Admerson.

Kabisado ko pa rin naman kung saan kami dumaan nung pumunta kami dun sa kubo. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako dun.

Mukhang tama nga ang hinala ko. Nandito nga ata siya.

Hindi ko pa man siya nakikita ay unti unti ng nawawala ang lakas ko at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kausapin. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib pati na rin ang sunod sunod na pagka labit sa kuwerdas.

Tumutugtog na naman siya ng gitara.

Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko at habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Hanggang sa makarating na ako sa mismong pinto nung kubo. Nakabukas iyon kaya naman nakita ko kaagad siya pero mas pinili ko na huwag munang magsalita.

Para kaseng unti unting pinupunit ang puso ko lalo na ngayon na nakikita ko siyang malungkot habang naggigitara.

Shit. He's crying. Tangina ang sakit.

Siguro nahihirapan na din siya sa sitwasyon at pati na rin sa parusa ni Skyler sa kanya.

Pinagmasdan ko pang siya mula dun sa pinto. Iniipon ko pa ang lakas ko ng bahagya akong napasinghap dahil biglang napigtas ang isa sa kuwerdas nung gitara niya. Kasunod noon ang muling pagtulo ng mga luha nito.

"Pati ba naman ikaw? Wala na nga akong maka usap na kahit isa tas pati ikaw sinukuan na din ako?".pagka usap niya pa dun sa kanyang gitara.

Muli na namang may sumaksak sa puso ko dahil dun. Naaawa ako para sa kanya. Awang awa.

Pinili ko na lang na magtago dun sa may labas at maupo sa sahig. Tahimim lang ako. Pinapakinggan siya. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at kausapin pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa malalaman ko.

"Ano bang kasalanan ko? I just want to be happy pero bakit ganito?".umiiyak pa niyang sabi at muli na namang sumikip ang dibdib ko dahil dun.

Bakit ganito? Why does it hurt so bad? Parang nararamdaman ko lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Pati yung babaeng gusto ko kailangan kong pagsinungalingan. Hindi ko masabi sa kanya kung sino talaga. Nakakainis. Ang sakit na. Tangina. Ang sobrang sakit na".ramdam na ramdam ko ang lungkot niya.

"I wanna tell her the truth pero lahat nalang pinipigilan ako. Bakit ba nila pinagkakait sa akin yung kaligayahan ko?".hindi ko na napigilan ang aking sarili at napaluha na din ako.

Nasasaktan ako para sa kanya. Ramdam na ramdam ko lahat. At alam ko na hindi madaling harapin 'yon ng mag isa gaya na lang ng nangyayari sa kanya ngayon.

"Pwede bang kahit minsan ako naman? Ako naman yung sumaya?".mahina niyang sabi pero parang mas lumala lang yung sakit."Pwede bang sa susunod ako naman yung unahin nila? Hirap na hirap na kase ako, e. Hindi ko na kaya. Kahit minsan lang, please, ako muna".

Napasandal na lang ako dun sa dingding at pumikit. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko at kahit na maluwag itong lugar ay pakiramdam ko ang sikip sikip parin.

Sobrang sakit.

-*-

Mahirap pala talaga. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin.

Ilang beses ko ng sinubukan na lapitan siya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ako makahanap ng tiyempo. Kung kaya ko lang talaga, gagawin ko ang lahat para mapagaan ang loob niya pero hindi, e.

Iba ang sitwasyon namin ngayon.

Hindi ko siya pwedeng lapitan at kausapin dahil baka malaman ni kuya na nag uusap na naman kami. Isa pa, baka magalit din sa akin si Skyler dahil hanggang ngayon hindi parin naman tapos ang parusa sa kanya.

Sana kase maging maayos na ang lahat. Sana bumalik na sa ayos ang lahat kase nahihirapan na din ako at alam ko na mas nahihirapan na din siya.

"Rien.. "

Napalingon ako dun sa tumawag sa akin at nakita ko si kuya Raen na nakaabang sa akin dun sa may sala.

Sorry not sorry. Alam kong kabastusan pero ayoko siyang kausapin lalo na't lagi kong naaalala na isa siya sa dahilan kung bakit nahihirapan si Glean ngayon.

Nilagpasan ko si kuya at dumiretso na ako sa may hagdan pero hindi pa ako nakakalayo ng magsalita siua.

"Rien, gusto ko lang naman magsorry".malungkot na sabi ni kuya.

Sandali ko siuang nilingon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit ba, inis o awa.

"Hindi mababago ng sorry mo ang desisyon ni Skyler, kuya".mahina kong sagot."Kahit na ilang sorry pa ang sabihin mo, you can't change the fact na patuloy paring parurusahan ni Skyler ang kapatid niya kaya mas okay pa kung h'wag ka nalang magsorry kase wala ka rin namang magagawa".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon