Special Chapter 4

13 0 0
                                    


Special Chapter 4

"Nice shirt." sabi ko matapos makita yung suot na damit ni Iro.

Kalalabas niya lang galing sa kwarto niya at halatang bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok nito. Simple lang yung damit na suot niya. Kulay itim yun at may maliit na print sa bandang gitna.

'you'll find the answer'. Yun ang nakalagay.

Lumingon sakin sandali si Iro tsaka ngumiti. Parang tuwang tuwa siya na nagandahan ako dun sa suot niya. Actually, ngayon ko lang nakita yun. Hindi rin ako familiar sa design.

Siguro pinacustomize.

"Bigay ni Neriz, ate. Siya mismo ang nagdesign".sagot ni Iro habang abala siya sa pagpili ng sapatos na susuotin.

Kaya pala hindi familiar. Own design pala ni Neriz. Ang sweet naman.

Tiningnan ko lang siya sandali. Mukhang may lakad siya kaya abalang mag ayos.

Lumapit ako kay Iro at tsaka pumasok dun sa maliit na kwarto malapit sa living room. Puno yun ng mga sapatos namin. May tig iisa kaming shelf para naka organize lahat. May ibang sapatos na nasa kahon pa at hindi pa nagagamit kahit isang beses. Yung iba dun, regalo samin.

"Itry mo to".suggest ko dun sa isang white na sneakers. Mukhang hindi parin yun nasusuot kase may tag price pa.

"I'm sure babagay yun kase nakablack na shirt si Iro at faded blue jeans. Bigla ko tuloy naalala si Marcus dahil sa suot niya.

Sinuot ni Iro yung sapatos na binigay ko then sabay kaming bumalik dun sa living room. Sakto naman ang pagdating namin kase kabababa lang din ni Rio galling sa kwarto niya. Hes wearing a white shirt na may black print na untold story. Maliit lang din yung pagkakaprint nun at halos kamukha ng shirt ni Iro. Hes also wearing maong pants paired with white converse. Suot niya rin yung kwintas na niregalo ni mama. Krus ang pendant nun.

Naupo ako sa sofa habang busy yung dalawa sa pag aayos. Amoy na amoy ko yung pabango nila. Lalaking lalaki ang dating.

"Galing din kay Neriza?".tanong ko. Tinutukoy ko yung suot na damit ni Rio.

Naisip ko na baka iisa lang yung pinanggalingan ng damit nila since may pagkakapareho ang mga yun.

"Nope. Bigay ni Shane, ate".sagot ni Rio bago inabala yung sarili sa pag aayos ng buhok.

Tumango naman ako. Kita niya ko dun sa malaking salamin na kaharap niya.

Lumapit sakin si Iro ng matapos na siyang mag ayos. Nasa tabi ko kase yung phone niya kaya kinuha niya yun.

"Mahilig kase si Shane tsaka si Neriz na magdesign, ate. Kaya nagkasundo agad".paliwanag ni Iro bago siya nagpaalam na tatawagin muna si kuya Jaime. Yung bago ata nilang driver.

Naghintay lang ako dun sa sala hanggang sa lumapit sakin yung kambal para magpaalam. Mukhang nauna na silang nagpaalam kay mama na nandun sa garden. Nainspire siya kay Sassa kaya naisip niya na magtanim dun sa likod bahay na siya mismo ang mag aalaga.

"Ayaw mo talagang sumama, ate Rien?".tanong ni Rio sakin pero umiling lang ako.

Baka may kanya-kanya silang date. Nakakahiya naman kung sasama pa ko.

"Kayo nalang. Ingat kayo okay?".

Tumango sila sakin bago tuluyang umalis. May tumawag pa nga kay Rio nung pasakay na sila sa sasakyan. Siguro si Shane yun.

Nagstay lang ako sa bahay. Sabay kaming nagluch ni mama then after naming kumain, nagpaalam ako na hihiramin muna ang kotse niya. Gusto ko kase na maglibot since hindi ko pa nakikita yung kabuuan ng lugar.

"Take care anak. Call me if you need something okay?".paalala pa ni mama habang nasa sasakyan ako.

"Opo. Uuwi ba dito si papa?".

"Hindi ko sigurado kung dito siya magdidinner. I'll just text you".

Tumango ako kay mama bago ngumiti. I know she still loves papa. Nararamdaman ko yun.

"Ma, pwede pa kaya kayong magkabalikan ni papa?".tanong ko. Tumawa naman siya bigla.

"Malay mo ligawan niya ulit ako. Wala namang imposible".natatawang sagot niya.

After mabuksan yung gate ng bahay, nagpaalam na ko kay mama at tsaka umalis.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Nagpaikot ikot lang ako hanggang sa maghapon at naisip ko na huminto sa isang coffee shop na nadaanan ko. Malapit lang to sa bahay kaya ayos lang siguro na dito muna ako magstay.

I ordered a cup of coffee then dumiretso ako dun sa may veranda. Tanaw mula dito ang matataas na building ng Manila. Sobrang relaxing ng view, mabagal lang din ang tugtog, malamig ang simoy ng hangin plus unti-unti naring lumulubog ang araw kaya nagiging kulay kahel na ang langit.

Nagstay lang ako sa ganung pwesto. Im just enjoying the breathtaking view and my cup of coffee.

Maya-maya pay nadinig ko ang pagbukas nung pinto papunta sa veranda. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang nangyari noon sa Starbucks. Nagmamadali akong lumingon dun sa may pinto pero hindi si Marcus ang nakita ko na nakatayo dun.

Benj.

God. Ilang taon na ba simula ng huli ko siyang nakita? Halos hindi ko na matandaan sa tagal.

Parang biglang bumagal ang oras habang naglalakad siya palapit sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nataranta ako bigla. Dapat ba batiin ko siya o hindi? Should I stand and just go home to avoid him? Parang hindi naman ata tama ang naisip ko.

"Zakhia".he called me kaya napaangat ako ng tingin bigla.

He's looking at me intently. Hindi ko alam kung anong nakikita ko sa mga mata niya. Kung lungkot ba, saya or panghihinayang.

I cleared my throat before I greet him. "Hi".

"Can.. can we talk?".

"S-sure. Tungkol saan?".nag aalangan na tanong ko sa kanya bago inoffer kay Benj yung upuan na nasa tapat ko.

"Tungkol sana sa nangyari five years ago. I just want to explain everything—."

"Hindi na kailangan, Benj".putol ko sa sinasabi niya pero umiling to sakin.

Parang nagmamakaawa ang mga tingin niya. Biglang lumambot ang puso ko dahil dun.

"Please, Zakhia. Gusto ko lang na malaman mo lahat. Para maging malinaw na lahat".pakiusap niya kaya wala na kong nagawa. Tumango nalang ako kay Benj at hinintay ang sasabihin niya.

He put his phone on the table and I saw a picture. Nasa beach sila at may kasama siyang babae.

"She's Lorraine, asawa ko".

Nagulat ako sa sinabi niya. He's married? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya hanggang sa nagswipe si Benj dun sa phone niya. There's another picture but this time, may batang babae silang kasama.

"Siya naman ang anak namin ni Lorraine. Her name is Venice".dagdag pa niya na nagpatigil sakin lalo.

"I-ilang taon na siya?."

"Five years old."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Benj.

Five years old? Pero five years palang din ang lumipas since we broke up. Damn. Ano ba naman to?

Hindi ko nagawang magsalita kaya nanahimik nalang ako at hinintay ang sasabihin niya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon