Kabanata 36

131 5 0
                                    


Kabanata 36

Devin's POV

"Oh nandito ka na pala Devin".bungad sa akin ni Nathan ng makarating ako dun sa hide out nila.

Tiningnan ko lang siya sandali bago ibinaba ang mga gamit ko tsaka ako sumama sa iba. Nandito ako ngayon sa hide out ng EBD para magsanay.

Ilang panahon nalang. Matatapos narin lahat.

"Handa ka na ba?".tanong sa akin ni Dashielle at ingiti lang ang sinagot ko sa kanya.

Abala sila sa pag inom ng alak pero hindi ako nakisali sa kanila. Hindi naman ako pumunta dito para makipag inuman lang.

Nagsalin si Nathan ng alak bago tumingin ulit sakin.

"Tama nga ang sabi ng lolo Ferdinand mo. Kaya mong traydurin kahit sarili mong kapatid".

Bigla akong napailing at sinuntok ng sobrang lakas yung punching bag. Suntok lang ako ng suntok. Hindi ko ininda ang sakit hanggang sa nagsawa na ako at tinapunan ng tingin si Nathan na kanina pa ata hinihintay ang magiging sagot ko.

"Yes, he's right. I'n a traitor and I don't even have to deny it. Kaya kong makipaglaro ng gaguhan kahit kanino, Nathan. Kahit pa sa kapatid ko".

-*-

Skyler's POV

"Kamusta na ang pagpaplano?".tanong sa akin ni Recca at nagkatinginan naman kami ni Raen.

Kakampi ko siya ngayon dahil mas marami siyang nalalaman at siya ang nagsisilbing mata at tenga namin sa kalaban.

"Everything is settled. Ang kailangan na lang nating hintayin is yung respond ng pulis pati narin yung susi para masurrender na ang black camilla as soon as possible".sagot ko bago tiningnan ulit yung litrato na inabot sakin noon ni Raenard.

Aaminin ko na nabigla ako sa mga sinabi ni Raen pero ano pa bang aasahan ko?

Sakim sa pera ang matandang 'yon pero ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit pati siya nandun sa lugar na yun? Bakit pati si Devin sumama sa grupo nila?

Anong tumatakbo sa isip mo?

"Anong pinaplano mo Devin?"

-*-

Glean's POV

Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang ang mukha niya buong maghapon.

I still can't move on. It's been a month since we become couple pero hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nangyari lahat ng yun.

I want to cherish every moment that we're together. Gusto ko siyang pagmasdan lagi. I want to hold her hands, to give her a warm hug and a lot of kisses. Gusto kong palagi ko siyang kasama. Ayoko siyang umaalis na mag isa, I want to be involve sa lahat ng gagawin niya.

Mas gusto ko ang ganito. Bahala na ang iba sa sasabihin nila. Basta ang gusto ko lang makasama siya dahil hindi natin alam kung magagawa ko pa ba ang mga bagay na 'to sa susunod.

Maraming pwedeng mangyari. Ramdam ko yun. Hindi natin hawak ang buhay natin. Hindi natin alam kung hanggang kailan natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay.

I'm afraid. Baka mahuli na kami. Takot na takot ako kase baka maiwan ko siya.

Damn. I'm scared. I'm so scared.

"Glean.. "

"Hmmm?".hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko at mukhang nahawa siya dahil biglang umukit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Talaga bang tititigan mo lang ako hanggang mamaya?".hindi makapaniwalang tanong niya at kinurot pa yung pisngi ko."Baka matunaw na ako nyan".

Ngiti lang ang sinagot ko at bago hinawakan ng mahigpit yung kamay niya.

I don't want to let her go. I don't want to leave her. Please, h'wag muna.

"Glean may problema ba?".

Bigla akong napatingin sa kaniya at umiling.

"Are you sure? Para kaseng ang lalim ng iniisip mo, e".

Mas lumapit pa sa kanya.

"Malalim talaga, Ri. Sobrang lalim"

Biglang kumunot ang noo ni Rien.

"Hoy, sira ka! Ano bang problema? Pinapakaba mo ako, e".halata sa boses niya ang pag aalala.

Damn. Bakit ganyan ka Rien? Kahit saan kita balingan ng tingin, napaka perpekto mo para sakin.

"I don't know how to save myself from drowning. Lunod na lunod na ko".

Lalong kumunot ang noo niya at parang lalo siyang kinabahan sa mga sinasabi ko.

"Hoy, Glean hindi ka nakakatuwa. Ano ba kase 'yon?".

Bahagya akong yumuko at itinapat ang bibig ko sa kanyang tenga.

"Ri, I'm so in love with you. Please, save me from drowning. Lunod na lunod na ko. Please say that you love me too".

-*-

Rien's POV

"Ri, I'm so in love with you. Please, save me from drowning. Lunod na lunod na ko. Please say that you love me too".

"Glean, I'm so in love with you. Lunod na lunod narin ako dahil sayo".

Natawa na lang ako ng makita ang dahan dahang pamumula ng mukha niya hanggang sa tainga. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko samantalang halos umiyak na ako sa katatawa.

Mabuti na lang talaga at walang tao ngayon dito sa cafeteria kase kung merong nakakakita sa amin ngayon, malamang kanina pa kami pinagkakaguluhan at baka natatawa na rin sila ngayon dahil mukha ng kamatis si Glean sa sobrang pula.

"Grabe. Sobrang pula na ng mukha mo".napahampas pa ako sa lamesa dahil hindi ko talaga mapigilan. Para na nga akong baliw habang siya naman, seryoso lang na nakatingin sa akin at hindi kumikibo.

"Ang cute mo talaga pero-- " napatigil ako sa pagsasalita at muling napahagalpak."Grabe. Hindi ko mapigilang matawa dahil dyan sa mukha mo. Para kang kamatis!".

Pinalo ko ulit yung lamesa at sinubukang itigil ang paghagalpak. Napabuntong hininga naman ako matapos ng nakakatawang pangyayaring yun at binalingan siya ng tingin.

"Tapos ka na sa kakatawa?".walang emosyong tanong ni Glean at tumango naman ako.

Isang nakalolokong ngisi ang kumawala mula sa kaniya kaya naman bigla akong napalunok.

"It's my turn, Ri".

Nanlaki ang mga mata ko ng unti unti siyang lumapit sa akin."Hoy anong--"

Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil mabilis niyang naangkin ang aking labi. Nanatili lang akong dilat nung una at hindi kumikilos pero ng malauna'y tumugon na din ako sa halik niya.

Bahala na kung may makakitang iba.

Unti unti akong nanlambot dahil doun. Dahan dahang nauubos ang lakas ko pero dumudoble ang saya.

"Ri, I'm so happy that you're now here with me".mahinang sabi pa ni Glean."I couldn't wish for more".pahabol pa niya bago muling inangkin ang labi ko.

Masaya din ako. Glean, masayang masaya rin ako.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon