Kabanata 44

129 5 0
                                        


Kabanata 44

Rien's POV

Bahagya akong naalimpungatan ng tumama sa mukha ko ang nakasisilaw na sinag ng araw.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at laking gulat ng mapagtanto na hindi ito ang aking silid.

Teka nga. Ano bang nangyari kagabi matapos naming uminom ni Skyler magdamag? Paano ako napunta dito? Sinong nagdala sakin?

Pinilit ko na bumangon pero mabilis din akong napahiga ng bigla na lang kumirot ang sintido ko. Sobrang sakit talaga.

Kinalma ko ang aking sarili at kahit na medyo umiikot ang paningin ko ay pinilit ko paring tumayo. Nakahawak lang ako sa pader bilang suporta dahil sobrang sakit ng buong ko katawan at pati na rin nung ulo ko. Hindi ko na din magawang imulat ng maayos ang mga mata ko dahil sa labis na pagod at panlalata.

Ano ba kaseng nangyari sakin?

Napahinto na lang ako sa paglalakad ng mapukaw ang mapunta ang buong atensyon ko sa isang bagay. May nalaglag na kung ano dun sa sahig matapos kong mabangga yung patungan. Parang isa yung lalagyan ng cd na wala man lang title. Purong itim lang ito.

Saglit kong nilingon ang buong kwarto bago dinampot iyong kwadradong lalagyan. Dahan dahan ko itong binuksan at laking gulat ko na naman ng may malaglag na papel mula dun. Kinuha ko yung nalaglag na papel.

Naupo ulit ako dun sa gilid ng kama at tsaka binuksan iyong sulat.

"If you want to see me, watch the video"

Mahinang pagbasa ko dun sa nakasulat. Nakakunot noo kong habang kinukuha yung cd. Tiningnan ko yung buong lugar at nagmamadali akong lumapit dun sa may tv. Binuksan ko yun, isinalang ko na din sa dvd player yung cd at naupo ulit dun sa kama.

Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Glean. Nakaupo siya sa kanyang kama at dala rin niya ang kanyang gitara. Ngumiti ito at kumindat sa camera bago nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing

That I know

And when it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive

We keep this love in a photograph

We made these memories for ourselves

Where our eyes are never closing

Hearts are never broken

And times forever frozen still

So you can keep me

Inside the pocket of your ripped jeans

Holding me closer till our eyes meet

You won't ever be alone"

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Hinihintay kong sabihin niya ang linyang wait for me to come home pero imbis na magpatuloy sa pagkanta ay ibinaba ni Glean ang kanyang gitara at seryosong tumingin dun sa camera.

"I'm so sorry Ri-Ri, hindi na ako makakauwi sa piling mo".

Bigla na lamang nagsitulo ang mga luha ko lalo na ng bigla na lang maging itim yung buong screen ng tv.

Anong nangyari? Bakit tumigil? Nasaan na si Glean?

Damn. Nasaan na siya?

Halos iyugyog ko na yung tv dahil sa inis pero napitigil ako ng bigla ulit yung bumukas at may sulat na tumambad sakin.

To Rien,

Hindi ako sigurado kung buhay pa ba ako kapag nabasa mo 'to. There's a chance na baka mabuhay ako pero mas malaki yung chance na baka hindi na tayo magkita. Rien, I know that you'll get mad at me kay mas pinili ko na lang na h'wag ipaalam sayo ang tungkol sa mga bagay na ginawa ko. Kapag nalaman mo kase ang tungkol dun, isa ka sa unang tututol. Kailangan ng matapos lahat ng 'to para bumalik na sa normal ang lahat. Para maging masaya ka na. Rien, I'm sorry. I'm really sorry if hindi ko na matutupad yung mga pangako ko sayo. But you don't have to worry, alam ko kase na may mahahanap at makikilala ka pang iba. Ngayon pa lang, binibigay ko na yung blessing ko sa kanya. I don't want to see you sad, Rien. I want you to be happy kahit hindi na sa piling ko. May darating pang iba at siya na ang bahalang magpasaya, magpangiti, mag alaga at magmahal sayo. Rien, kung mamamatay man ako, I'll make sure na lagi parin kitang babantayan at patuloy parin kitang mamahalin dahil ikaw lang ang gusto ng puso ko-

Muling lumabas sa screen ang mukha ni Glean. Hindi man niya sabihin, damang dama ko parin ang lungkot, hirap at takot na pilit niyang kinikimkim sa kanyang sarili. Nakita ko ang mabilis na paglandas ng mga luha mula sa kanyang mga mata na lalong nagpaluha din sa akin.

"Mahal na mahal kita. Rien, mahal na mahal. Sorry if I have to leave you now. Baby, I'm sorry. Ito na yung huli, Rien. Paalam"

"No! Hindi 'to pwede. Hindi 'to pwede. Glean!".napaupo na lang ako sa sahig at napahawak sa bibig ko.

Hindi 'to pwede. Hindi ito totoo. Buhay pa siya. Buhay pa si Glean. Buhay pa ang lalaking mahal ko.

Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo. Nadatnan ko si Devin at Skyler na nasa sala at halata sa mukha nilang dalawa ang labis na pagkagulat, lungkot at pagod.

Ano bang mga nangyari?. H'wag nilang sabihin na ako na lang ang walang kaalam alam tungkol sa bagay na to?.

"N-nasan si Glean?."tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang nakasagot.

Lalo lang tumindi ang kabang nararamdaman ko dahil sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming tatlo.

"N-nasan siya? S-sagutin nyo ako!".

Napaiwas na lang sila ng tingin at napayuko.

"Ang sabi ko nasan si Glean?".hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw. "Sabihin nyo sa akin kung nasan siya!".

"Wala na siya"

"Tangina namab. H'wag ka ngang magbiro Devin! Tinatanong ko kayo ng maayos, nasan-"

"Wala na siya!".sigaw ni Sky.

Naestatwa sa kinatatayuan ko at para bang tumigil ang ikot ng aking mundo.

"Patay na siya Rien".

Wala sa sariling napailing ako. Nagbibiro lang sila di ba? Hindi pa patay si Glean. Hindi pa siya patay dahil alam ko na lalaban siya, alam ko na biro lang ang lahat ng ito at kung biro nga lang ito, please tama na kase hindi ito nakakatuwa. Hindi ko kakayanin na mawala siya, nasanay na ako na palagi siyang nasa tabi ko. Siya lang ang nakapagpapasaya sa akin, siya ang lakas ko kaya hindi ko talaga kakayanin kung mawawala siya.

Alam kong babalik siya, alam ko na hindi niya ako iiwan.

"Alam kong buhay pa siya".mariin kong sabi at nagsitulo na naman ang mga luha ko.

Pilit ko mang isipin na hindi totoo lahat ng 'to, parang ang hirap dahil sila na mismo ang nagsabi na wala na ang kapatid nila.

Wala na ba talaga? Hanggang dito na lang ba talaga lahat?

Iniwan na ba talaga ako ni Glean?

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon