Kabanata 28

104 3 0
                                    


Kabanata 28

Rien's POV

Napakadaming tao at mga bata na nakasuot pa ng party hat habang ako naman ay nakasuot ng isang putting gown. Napili ko na ito ang suotin dahil kamukha ito nung gown na suot ni Kat dun sa huling part ng Casper The Friendly Ghost kung saan sila nagsayaw hanggang sa marealized na lang ni Kat nakalutang na silang dalawa ni Casper.

Pinapangarap ko na sana makasayaw ko si Gi-Gi at gaya ng sa pelikula lulutang din kami sa hangin at masayang nagsasayaw. Iyon lang hiling ko nung ikaapat na kaarawan ko at tinupad niman yun ni Gi-Gi.

isang batang lalaki na nakasuot ng tux ang lumapit sa akin at inaya akong sumayaw. Pumayag naman ako at magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa gitna at nagsimulang magsayaw.

"I told you Ri-Ri.. I was a good dancer"

"Class dismiss".anunsyo ng prof naming matapos ang mahabang discussion.

Lahat ay nagsitayuan na at isa isang lumabas sa room habang nanatili naman akong nakaupo.

Hinihitay ko pa kase siya, e. Hindi kase kami magkaklase sa subject na 'to aand ang sabi niya kase h'wag akong aalis dahil susunduin niya ako.

I grabeed one of my notebook. Para kaseng natripan ko lang na magcalligraphy tutal wala parin naman siya. Kinuha ko ang ballpen at marker ko at nagsimulang isulat ang pangalan niya.

Glean

Nakangiti lang ako at patuloy sa pagsusulat. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo na ngayon na maayos na kami.

Tumakas ako sa Bahay nung isang araw para pumunta sa kanila. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Ran that time. Pinahiram niya sakin yung sasakyan nila. Wala akong lisensya pero alam ko naman kung paano magmaneho kase tinutuan ako ni papa nun.

Napailing nalang ako ng marealized kung gaano pala kadelikado yung ginawa ko nung araw na yun. ang pasaway ko talaga.

"Mahal na mahal mo talaga pangalan ko no?".bigla kong nabitawan yung marker na hawak ko at dahan dahang inangat ang aking tingin."Bakit nataranta ka bigla? Namiss mo ko?".

Pinaliitan ko siya ng mata at hinampas nung notebook na hawak ko.

"Epal!".naiinis kong sabi tapos kinuha naman niya yung nahulog kong marker.

"Eto naman, hindi mabiro".nagpapaawang sabi pa ni Glean at tsaka nagpout.

Kinuha pa niya yung marker at notebook na hawak ko. inilagay niya yun sa bag ko at tsaka sinukbit sa balikat niya. Lagi siyang ganito. Masyado nya kong sinasanay sa mga ganyang bagay na ginagawa niya.

"Sorry na okay?".tas nagpuppy eyes pa yung loko.

Hindi ko na tuloy napigilang mapangiti at ginulo ko pa yung buhok niya."Oo na, sige na. Pacute masyado!".natatawa sabi kobago pinisil ang matangos niyang ilong."Dahil ininis mo ko, lilibre mo ako ngayon".

"Sure. No problem. Ano bang gusto mo, house and lot?".tinaas baba pa ni Glean yung kilay niya bago ako inakbayan."Lets go!".

Natawa nalang ako sa sinabi niyang house and lot. Hanggang ngayon pala hindi parin siya nakakamove on dun sa pagbili ng bahay. Nung nakaraan pa kase niya ko kinukulit na simulan na daw naming magpagawa ng bahay para kapag nakagraduate na daw kami, pwede na kaming magpakasal.

Matapos naming bumili dun sa cafeteria, dumiretso na kami dun sa gym. Kailangan niya daw kaseng magpractice na mag isa dahil malapit na ang pagpili ng magiging bagong team captain at tutal wala naman na akong klase kaya sumama na lang ako sa kaniya.

"Okay ka lang dyan? Bakit hindi ka na lang dun sa bleacher?".nag aalalang tanong niya na nagpangiti lang sa akin."Ang daming upuan bakit gusto mong dyan pa sa lapag?".

"Okay lang ako ditto, Gle. Mas trip kong maupo dito kaya magpractice ka na. Don't worry, okay talaga ko".

Napabuntong hininga na lang siya at tumango.

"Sige, magpalit ka na. Hintayin na lang kita dito!".

tumango ulit siya sakin at tinangay na yung jersey niya papunta sa isang cr.

Nakaupo lang ako sa lapag at ininom yung juice drink na binili naming. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Glean at suot niya ang isang itim na jersey na may lining na puti. Kinuha niya iyong bola at nagtatakbo papunta dun sa gitna.

I admit, maganda ang jersey na suot niya.

Villa Fuente 20.

Twenty ang paborito kong number.. don't tell me na iyon din ang paborito niya?.

"Ri, this is for you" nakangiti niyang sabi bago pinukol yung bola mula sa three point line. Shoot!.

"Hey. Isang dab naman dyan!".pangangantyaw ko pa na agad din naman niyang ginawa.

ang cool talaga niya.

"Wait ulitin mo. Ivivideo ko!".

kinuha ko yung phone ko at hinanda ang camera. Natawa naman siya at napailing. Kinuha ulit niya yung bola, nagshoot at tsaka nag-dab sa harap ng camera.

Nagpatuloy lang siya sa pagpapractice habang tahimik lang ako na nanonood sa kanya. Halos lahat ng pukol niya ay palaging shoot.. Kung irirate ko siguro nasa 9/10.

Masyadong magaling, e.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa hindi ko napansin na madilim na pala sa labas. Tapos na rin naman na magpractice si Glean pero namamahinga pa siya. Napagod ata masyado.

"Rien, can we take a picture. Please?".bigla naman akong napatingin sa kanya at napakunot noo."Please, Ri?".

"Hmm. Okay, sige na nga!".nakangiti kong sagot then nilabas ko na yung phone ko.

"Ayoko ng selfie".pagpigil niya sa akin at mabilis na kinuha yung kamay ko. Bigla naman akong napatayo at bahagyang nasubsob sa dibdib niya.

Grabe. Bakit pati pawis niya ang bango?.

."Akin na yung phone mo".

basta ko nalang yung binigay ng hingin niya.

Inayos niya yung bag at sinandal dun yung phone ko. Nilipat niya din yun sa front cam at nagset ng timer. Lumapit naman siya sa akin at ngumiti.

"Baka naman ipaframe mo pa yan?".pang iinis ko at maglalakad na sana pabalik ng bigla niya akong pigilan.

"Hindi pa tayo tapos, Ri!".

Bigla hinubad ni Glean yung jersey niya kaya napanganga ako. Grabe. Bakit parang biglang uminit ditto?

"Sorry medyo may pawis, okay lang ba na isuot mo? Don't worry hindi naman ako--".

napailing na lang ako at agad na tinanggap yung jersey niya at pinatong dun sa shirt na suot ko.

."Saan ka kaya pwedeng tumuntong para maging magkapantay yung ulo natin?".

Bigla naman akong napaisip dahil sa sinabi niya at nilibot ang tingin s abuong lugar. Isang bagay ang agad na nakakuha sa atensyon ko. Nilapitan ko yun at kinuha. Bumalik ako kay Glean habang siya naman yung nakakunot noo.

"What are you going to do?".lalong kumunot ang kanyang noo ng ilapag ko yung bola sa paanan niya."Don't tell me na dyan ka tutuntong?".

"Yeah. Kaya ayusin mo na yung timer para makapagpicture na tayo. Bilis!".naeexcite na sabi ko .

siya naman ang napa iling bago nagtatakbo at inayos yung timer.

Wala akong ibang magawa kundi ang titigan ang likod niya.Shit. Nagkakasala ako dahil sa lalaking 'to. Bakit ba ang gwapo niya lagi? Tas yung abs? Grabe. Paano niya kaya naachieve 'yon?

After niyang ayusin yung timer ay nagjog ulit si Glean palapit sa akin at kumapit naman ako sa balikat niya at dahan dahang tumayo dun sa bola.

"Careful, baby".alala niyang sabi at bahagya pang lumapit sa akin.

mas hinigpitan pa niya ang kapit sa waist ko. Mabilis ko namang niyakap ang leeg nya at tsaka siya hinalikan sa noo.

"Glean, I love you".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon