Kabanata 29

110 1 0
                                    


Kabanata 29

Glean's POV

"Glean".

napalingon ako dun sa nagsalita at Nakita ko si kuya na mukhang kauuwi lang.

"Why? May problema ba?".tanong ko tsaka ininom yung tubig na kinuha ko.

"Kailan mo sasabihin kay Rien yung totoo? Do you even have a plan to tell her? Palagay ko kase, wala".

Ibinaba ko yung baso bago ko pa yun mabasag.

"You're right. Wala akong balak sabihin sa kanya".sagot ko.

"Pinapalala mo lang yung sitwasyon".

nanatiling tikom ang bibig ko.

"Glean, I know you're tired. Nasasaktan ka narin. You don't have to do this to yourself. Glean, bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya kesa yung kinikimkim mo lahat?".

Umiling ako sa sinabi ni kuya.

Ako man sa sarili ko, natatanong ko ang mga bagay na yan Damn. Ilang beses ko ng natanong sa sarili ko yan kung alam lang nila.

"Hindi muna kuya. Alam mo naman na galit parin sa akin ang parents niya di ba? Pasalamat pa nga ako at nalalapitan ko na ulit siya kahit papaano. Ayoko na suwayin yung agreement naming nila tita".

naramdaman ko ang dahan dahang paghapdi ng mata ko. kapag ito talaga ang pinag uusapan, nagiging emotional ako.

sinibukan kong umalis at lagpasan si kuya pero napahawak na lang ako sa aking pisngi ng bigla akong suntukin ni kuya. Bumagsak ako sa sahig dahil dun pero mabilis akong tumayo na parang walang nangyari.

"Baka sakaling matauhan ka. Ang tanga mo, e".

Pinagsa walang bahala ko lang yung sinabi ni kuya Sky. Alam ko naman kase na tama siya. Tanga talaga ako.

Ang tanga-tanga ko. Sobra.

"Ano? Hindi ka talaga gagawa ng paraan? Hahayaan mong na lang na ganito? Na wala kang ibang magawa kundi umiyak mag isa kapag hindi ka na niya nakikita? Glean, ano ba?"

"Oo na! Oo tanga na kung tanga pero hindi mo kase ako maintindihan!".hindi ko na naiwasan pang magtaas ng boses.

Ito ang unang pagkakataon na nagtalo kami ng ganito.

Mabilis na dumating si Devin at Neriz na walang ibang nagawa kundi ang tumingin lang sa amin. Alam kong hindi sila makikielam dahil kilala nila ang ugali naming ni kuya Sky, hindi kami nagpapapigil kahit kanino.

"Kuya, I can handles this. Kakayanin ko because I love her. Handa akong umiyak mag isa tuwing gabi kahit na ang hirap at ang sakit ng lahat para sa akin. Kuya, if you only knew, gusting gusto ko ng sabihin sa kanya kase ang sakit sakit na. Sobrang sakit na pero mas ginusto ko na h'wag ng magsalita. You wanna know my reason why I'm doing this?".

Walang kumibo ni isa sa kanila. Lahat sila hindi makatingin Lalo na ngayon na patuloy ang pagtulo ng luha ko. Tangina naman.

"Nagpapakatanga ako, sinasarili ko lahat ng sakit kase ayokong ilayo na naman siya sa akin. Kuya, I can't afford to lose her again kase yung halos labing tatlong taon na hindi ko siya nakita't nakasama, sobra na 'yon. Kuya, hindi ko na kakayanin kapag naulit pa 'yon. Mababaliw na ko kapag nangyari ulit yun. So, please, hayaan mo na ako kase ito yung gusto ko!".matapos kong sabihin ang lahat ng yun tsaka ako nagtatakbo patungo sa kwarto ko at nagkulong.

Bwisit.

Bakit kailangan pang dumating sa ganitong punto ang lahat?

Mahal ko si Rien at hindi ko kaya kung mawawala siya ulit sa akin kaya kahit mahirap at masakit para sakin, ayos lang. Handa akong magtiis kase ganun naman talaga hindi ba? Kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat kahit na mahirap. Kahit na masakit.

"Gagawin ko ang lahat para sayo.. Ri-Ri!".

-*-

Rien's POV

"Wow. Khia, alam mo ba ngayon lang ako nakapasok dito sa Admerson? Buti na lang talaga pinayagan kaming makapasok!".abut langit na ngiti ang makikita mo sa mukha nila Ran, Jean at Cassy.

Tumango lang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglilibot.

may malaking program ngayon dito sa school kaya ayos lang kahit magpapasok ng hindi nag aaral dito. Ininvite ko silang tatlo para makapaglibot tsaka para makapagbonding narin since medyo matagal din kaming hindi nagkitang apat.

Sa katunayan ngayon lang din ako nakapaglibot dito sa Admerson at first time ko lang din na makapunta sa kanilang mini museum. Ang ganda dito. Sobra.

Bawat picture na nakalagay dito ay talaga namang tumatak sa lahat ng Admerians na nag aral dito noon. May isa ngang side dito na puno ng tophies at sash pati narin ng certificates from different sports and contest na napanalunan ng school. Halata din na alagang alaga ang museum na ito dahil walang alikabok na makikita sa bawat sulok ng silid.

Patuloy lang ako sa paglilibot hanggang sa makita ko ang mukha ni mama na nasa isang malaking frame at kumunot ang noo ko ng makita na may dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid niya at sigurado ako na si papa yung lalaking nasa may kanan niya pero sino yung isa pa? At tsaka bakit may picture dito si mama?.

Anong meron noon na hindi ko pa rin nalalaman hanggang ngayon? Ito ba yung binabanggit ni Nathan na sikreto ng Admerson na parang nauulit ngayon?.

Shit. ito na naman 'tong curiosity ko!.

Nilagpasan ko na lang iyong nakita ko at nagpatuloy sa paglilibot hanggang sa napatigil na naman ako sa tappat ng isang malaking portrait. Isang napaka pamilyar na portrait.

Sigurado akong nakita ko na ang batang babae na 'to at ang tatlong lalaki na nakatayo sa likuran niya. Ang hindi ko lang matandaan ay kung saan at kung kailan ko sila nakita.

'Ri-Ri is mine'

'Pero ako ang panganay kaya sa akin siya'

'No, kuya. Ri-Ri is mine,dahil hindi bagay kung ikaw ang makakatuluyan niya'

'Stop fighting. Please, stop na kase ang totoo si Gi-Gi ang gusto ko'

'Okay, if that's what will make you happy. Ayos lang sakin'

'Kuya why did you give up already? Tayo ang magkakampi ngayon at si Gi-Gi ang enemy natin!'

'Wala tayong laban sa monster na si Gi-Gi'

'Hey, I am not a monster'

'Oo hindi siya monster kase siya ang prince charming ko'

'Are you serious, RI? Mas pogi kaya ako sa kanya'

'Oh really, Vin? Identical twin kaya kayo. Ibig sabihin magkamukha lang kayong dalawa'

'No! Ri-Ri, mas pogi ako sa kanya. Mas pogi ako kase ako ang prince mo hindi ba?'

'Yeah, whatever'

'Ri-Ri!'

The fuck. Ri-Ri na naman? Bakit ba hindi ka mawala sa isip ko?

"Sino ka ba Ri-Ri? Bakit--" napahinto ako sa pagsasalita ng bahagyang bumaba ang tingin ko dun sa leeg nung batang babae na nasa painting.

May nawawala dun sa leeg niya. Isa yung kwintas panigurado. Kwintas na may pendant na.. Oh my gosh.

Rien.

Yung kwintas ko na kinuha ni kuya Raen at yung kwintas na nawawala dun sa leeg ng bata, magkapareho. Ibig sabihin totoo yung sinabi ni kuya. Yung kwintas nga na yun yung ususi para makuha yung black Camilla.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon