2. Paralyzed

63 5 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 02

          Papalubog na ang araw nang pumalaot si Papa kasama si Runcio at Ruel. Samantalang si Ronald ay hindi ko alam kung nasaan basta kanina noong matapos kaming kumain ay bigla nalang naglayas ng bahay. Si Rossa naman ay nasa kwarto at may ginuguhit na naman.

Inalis ko ang pagkakapatong ng aking braso sa aming bintana na tanaw ang malinaw na karagatan. Mga kalahating oras na akong naroon at pinapanood lamang ang paglubog ng araw. Kahit ganoon katahimik ang pinapanood ko ay halo halo parin ang laman ng isipan. Tungkol sa tulang gagawin ko, kung paano ko sisimulan. Dumagdag pa si Arren at iyong Guevarra na iyon. Umasa akong magkakaroon ng katahimikan ang isipan ko ngayong sembreak pero kabaliktaran ang nangyayari.

"Anak, nagkita na ba kayo ni Arren?"

Nilingon ko si Mama. Nasa may sala siya at naglulukot ng mga tuyong damit. Halata ang mahinang liwanag na nanggagaling sa nag-iisang bilog na bombilya sa itaas lamang kung saan nakaupo si Mama.

Tumayo ako mula sa upuan at tumabi kay Mama sa kahoy na sopa. Kumuha ako ng isang damit para tulungan siya sa pagtutupi ng mga ito.

"Hindi ko pa siya nakikita, Ma," sa dami ng nasa isipan ko, pakiramdam ko lumulutang na ang utak ko sa ere.

Sinulyapan ako ni Mama. Kumunot ang kanyang noo. "Ba't 'di mo puntahan? Nag-away ba kayo?"

Napatitig ako sa damit na hawak-hawak.

Halos tatlong oras na simula nang dumating ako pero ni anino ni Arren ay hindi ko pa nakikita. Hindi man lang niya naisip na puntahan ako sa bahay. Kahit isang mensahe ay wala akong natanggap! Alam niyang ngayon ako dadating.

Pero kahit ganoon ay pinilit kong intindihin siya dahil baka may nangyari kaya hindi pa siya nakapupunta dito. Gusto ko siyang puntahan sa kanilang mansyon pero natatakot akong makita ang Mommy niya.

"Mamaya, Ma, susubukan ko..."

Binigyan ako ni Mama ng isang tipid na tango.

Mabuti nalang at ayos lang kay Mama ang kung ano mang meron sa amin ni Arren. Naiintindihan niya basta lang hindi daw napababayaan ang pag-aaral ko. Ang tanging problema lang ay pagdating kay Papa. He's very strict when it comes to boys. Lalong lalo ng dalawa lang kaming babae ni Rossa.

"Bukas ay luluwas ako ng lungsod para mamili..."

Inilagay ko ang natupi kong shorts sa katabi ng mga pang-itaas na damit.

"Ikaw lang?" tanong ko.

"Kung magpapaiwan ang kapatid mo," makahulugang sinabi ni Mama.

Saktong ala syete ng gabi nang mapagpasyahan kong puntahan na si Arren sa kanilang bahay.

Mga limang bahay lamang ang layo ng kanilang bahay mula sa amin. Sa aking paglalakad papunta sa kanila ay nakasalubong ko ang isa sa mga kabarkada niyang si Erie.

Huminto si Erie sa paglalakad nang makita ako. Kumaway siya sa akin. Ngumiti ako.

"Nakita mo ba si Arren?" tanong ko.

"Hindi pa pala kayo nagkikita? Akala ko sinundo ka niya." halata ang pagtataka sa boses ni Erie.

"Hindi pa, e," sabay iling ko.

"Tara, ihatid kita sa bahay nila."

Mabilis akong umiling sa inalok niya. Nakakahiya kung makakaistorbo pa ako. Kaya ko namang maglakad mag-isa kahit gabi na. Probinsya ito, hindi lungsod. "Huwag na, Erie. Ako na lang. Salamat." mapitagan kong sinabi.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon