5. Pagsubok

56 4 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 05

I walked away from him. Bawat paghakbang palayo kay Arren ay sobrang kaybigat. Unti unti ding nadadagdagan ang bigat at sikip ng dibdib ko. But, again, I didn't cry. It's as if my tears were also tired of falling down.

Bawat yapak ay pansin ko ang butil ng puting pinong buhangin sa aking talampakan. I never casted them away. Somehow, I am reassured I didn't gone naïve. Still, I can feel. I am proud the pain didn't dominate my whole self. At least, I can stand still.

He never asked forgiveness. He didn't tell me he's sorry.

Siguro'y isa iyon sa mga bagay na hinahanap ko... O, hindi rin. I don't know if his sorry could change anything. With this crippled system, I don't know what's the right thing to do anymore.

I was like a bitten zombie who's rational thought has died. Hindi ko na alam kung ano ang dapat at tamang gawin.

"Oh, Rural, anak. Tapos na kayong mag usap ni Arren? Nasaan siya? Ba't 'di mo pinapasok..." unti unti humina ang boses ni Mama.

Nang tingnan ko siya ay mariin at kuryosong mga mata niya ang nakita ko. The gentle care in her eyes made me want to run and cry in her arms like a lost child.

"Ma..." I choked.

Sa sobrang pag aalala niya ay mabilis niyang pinutol ang distansya mula sa aming maliit na sala papunta sa kahoy na pintuan at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ano'ng nangyari?" she squeezed my shoulders, her eyes are little wider with mixed care and curiosity.

Napalunok ako. Kasabay na nilunok ang panghihinang nararamdaman upang maitago sa sarili lamang. Matapos ay napangiwi ako, "Nagugutom ako, Ma..."

Bahagyang gumaan ang kamay ni Mama na nakapatong sa aking balikat. Doon ko lang napansin ang cellophane na nakabalot sa kanyang kamao.

Kumalma din ang kanyang mukha na parang nabunutan ng tinik. "Hay nakung bata ka. Akala ko kung ano'ng nangyari, e. Sinabi ko na sa'yong huwag kang magpapagutom at baka magka-ulcer ka pa. Kung kumain muna kayo ni Arren dito bago nag usap..."

Hindi ko na pinansin ang panenermon ni Mama at dumeretso na ako sa kusina. Wala ng tao roon. Hula ko'y baka natutulog na silang lahat. Si Mama naman ay abala sa pagluluto ng mga pagkain para sa besperas, para bukas.

Pumasok siya ng kusina at umupo sa aking harapang upuan. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang isang berdeng planggana na may lamang half-cooked na chocolate moron. Sa tabi ng planggana ay naka-roll na dahon ng saging.

"Pinakaba mo akong bata ka. Namumutla ka kanina. Sa susunod ay huwag ka ng magpapagutom!" mariing sinabi ni Mama.

Kumuha ako ng pinggan sa lagyanan at dumako sa saingan. We don't have a shelane here. Ang panggatong na ginagamit namin ay kahoy. May konting apoy pang naroon sa saingan at umuusok pa. Mukhang katatapos lang ni Mama sa pagluluto ng giniling na bigas.

Nalagyan ko na ng kanin ang aking pinggan at naupo na muli sa mesa ay hindi pa rin tumitigil sa panenermon ang aking ina. I'm used to it anyway. Simula pagkabata ko hanggang ngayon. Mothers are often like that. Its in their nature. In that way, they show their concern to their children.

I dipped the dried fish on vinegar, put it on top of my rice and brought it to my mouth. My mouth watered when I tasted the food. Doon ko lang napagtanto kung gaano ako kagutom.

Nagsimula ng ibalot ni Mama ang half-cooked na moron sa dahon ng saging. Hindi siya tumigil sa pagsasalita; kagaya ng hindi ko pagtigil sa sunod sunod na pagsubo. Bawat nguya ay kaagad kong sinusundan ng panibago. I want to pour the pain and frustration of my heart on foods I swallow!

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon