12. Pagkakaibigan

44 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 12

"Grabe ka maka-judge, Rural! Talagang mabait at gentleman lang talaga iyong tao!"

Mariin akong pumikit nang dumaan muli sa aking lalamunan ang pinagsamang tamis at pait ng aming iniinom. "I am not judging! It's the whole truth, George Nathaniel!" depensa ko. "Yes, I don't deny he's kind and gentleman. But he's only playing so he could kill his damn boredom!" Sinasabi ko iyon sa kanya at pati na rin sa aking sarili. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanyang patibong.

George sighed, as if he's tired of our argument. Well, I am too. Lalong lalo ng wala namang pahahantungan itong pinag uusapan.

Xinna has an unfinished love. He cannot begin it with me.

"You said kanina na sinabi niya sa'yong he's your punishment, pwedeng he's doing it for you to be closer-"

Tiningnan ko si George sa mata. Pilit kong tinutuwid dahil nagsasayaw na ang aking paningin. "George Nathaniel. N-narinig ko kaninang tumawag si Circo..." I said huskily.

As expected bigla niya akong tinabihan at ginalaw galaw ang aking balikat. I groaned.

"What? Ano? Why? Bakit? When? Kelan? To whom? Kanino?!"

Sinapak ko siya sa mukha. "Bitiwan mo nga ako! Malalasing ako sa pangyuyugyog mo!"

Binitawan niya ako pero sobra pa ring likot ng pwetan niya. Well, sinabi ko lang naman iyon para matapos na ang pag-uusap namin tungkol kay Xinna na alam kong walang gustong matalo. Opening topic about Circo is effective here.

We are talking earlier about our debt with the Guevarra family and I don't know how we ended up arguing about that guy instead. Ang gaga natuwa pa noong sinabi ko ang malaking halagang pagkakautang namin sa Kapitan. Sabi niyang pagkakataon na daw ito. Kagaya daw ng mga nasa nobela kung saan ito ang magiging dahilan ng pagsisimula ng pag-iibigan ng dalawa hanggang sa hindi nalang pabayaran iyong utang dahil mahal na nila ang isa't isa. I crinkled my nose at the thought. He's Xinna Guevarra. He won't fall for me.

"Huwag kang assumera. Hindi naman tungkol sa'yo."

Ngumuso ang bakla sa sinabi ko. Tumayo na ako at muntik nang matumba. Napahawak ako sa ulo kong parang mundong umiikot. "Uwi na ako,"

"Malala tama mo, girl, kaya dapat lang. Babarilin nalang kita ng tanong bukas about s baby ko." humagikhik siya.

Inihatid ako ni George hanggang sa labas. Wala pa rin ang kanyang mga magulang kaya timing lang ang pagtigil namin sa pag inom dahil hindi magandang ideya na maabutan kami ni Tita Licia ng mga lasing.

"Huwag mo na akong ihatid..." sabi ko kay George na sasamahan pa ata ako pabalik ng bahay. Alam kong gyera 'to mamaya. Ayaw kong madamay pa siya.

"Hindi pwede, girl. Gabi na."

Tumawa ako. "Probinsya 'to, lalaki. Hindi Coastalic. Huwag kang OA."

"Ew! May ano lang ako pero pusong babae ito, Rural!"

Inirapan ko siya. "Bahala ka."

Dalawang bahay lang ang pagitan mula kina George papunta sa amin. At bago makarating sa puno ng Talisay ay madadaanan pa namin ang isang pantalan na nasa aming banda. Madilim dahil medyo malayo ang poste mula rito ngunit tanaw ko ang iilang taong nakatambay roon.

Hindi kami malayo mula sa inuupuan nila kaya naririnig namin ang kanilang tsismisan.

"-mong mangyari 'yun!"

"Kapal talaga ng mukha ng Rural na 'yun, e. May itchura nga pero gold digger naman!"

"Ba't mo kasi hinayaang sabuyan ka noon, Amer?"

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon