Playing Provincial Proxy
Kabanata 27
Tingin sa gilid. Tingin sa taas. Tingin sa pintuan. Halos paulit ulit ko ng tingnan ang aking paligid hindi lang siya matingnan sa mata.
His eyes are still dangerously dark, not ashamed to show his anger in it. Ngunit sa kabila ng kadiliman sa kanyang ekspresyon ay nakitaan ko iyon ng saglit na pagkislap. Kasingbilis ang pagdating at pag-alis nito sa tibok ng aking puso.
Namula ang pisngi ko noong paulit-ulit niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Anong kurso ang kukunin mo, Rural?" tanong niyang hindi ko agad nakuha.
Kumurap ako para mawaglit ang hiyang naramdaman dahil sa paninitig niya. Damn this man. Siya ang dapat mahiya sa akin kasi siya iyong umamin pero... God.
"Ah... Education."
Nanatili ang nanunuri niyang mata sa akin. He doesn't know he's directly staring at my unstable soul. Binalik niya ang tingin sa aking bagong suot.
"A white uniform suits you. Especially when you're beside me..."
Dahil hindi na nakabili ng damit ay isang malinis na uniporme ng nurse nalang ang pinasuot sa akin.
Lumapit si Xinna sa akin at kinuha ang aking kamay. Nagpatianod ako sa kanyang marahang hila habang pinapakiramdaman ang masakit na pitik ng aking puso.
Taksil na namasyal ang aking isipan sa kinabukasan. Iyong tunay ng Doktor si Xinna. Kinagat ko ang pang ibabang labi habang iniisip ang postura niya. Wearing a white polo shirt under a white uniform robe, a stethoscope hanging around his neck, his expensive silver watch gloriously shining on his wrist, walking like a king while his other hand is inside the pocket of his robe... most importantly, his dark and mysterious eyes fixed on me, beside him.
I shivered at the thought.
"Still cold?"
Napatingin ako kay Xinna nang banayad niyang pinisil ang aking kamay. Kahit kanina pa ako kalmado sa nangyari ay hindi naman matigil sa pagwawala ang dibdib.
"I'm okay..." mahina kong sinabi upang hindi niya mahalata ang pagkailang.
"Thank you so much." dugtong ko."Kung alam kong mangyayari ito ay sana sinamahan na kita." aniya.
Lumibot kami sa isang tahimik na iskinita papuntang pasilyo kung nasaan ang kwarto ni Nympfa.
"Edi sabay tayong mababasa," ariba ko.
"Fine for me. At least I was the one who got hit, not you."
Lihim akong napangiti. Pero kahit dapat masaya lang ako ngayon hindi ko alam kung bakit may halong sakit ang dibdib ko.
Iniwan ako saglit ni Xinna pagkabalik namin sa kwarto ni Nympfa. Sinabi niyang kakausapin niya ang management tungkol sa nangyari. Pero bakit may kutob akong hindi niya lang kakausapin ang mga iyon? Kanina pa madilim ang ekspresyon ng lalaking iyon. He literally looks like a devil ready to devour everything that blocks his way.
Tulala ako habang nakatitig sa mukhang anghel na mukha ni Nympfa habang natutulog. Para siyang mabait na bata kapag nakapikit ang mga mata. Sa sobrang tahimik ng kwarto ay naririnig ko na ang mahihinang patak ng tubig sa dextrose ni Nympfa. Nasaan kaya ang Mama niya? Kapatid kaya ito ng Mama ni Xinna? Now I wonder what his mother looks like. Panigurado akong sobra din itong maganda. Ang gwapo kaya ng anak niya. His mother died because of lung cancer. Doktor ang Papa niya pero hindi din nila nailigtas ang buhay ni Ma'am Salem. Paniguradong sobrang sakit noon para kay Doctor Theo at kay Xinna. Kumusta na kaya si Xinna? Matagal ng wala ang Mama niya, tanggap na niya ba iyon? Iyong gustong gusto kong tanungin siya ng mga bagay tungkol sa kanya pero hindi ko alam kung tamang panahon ba... o kung may karapatan ba akong magtanong. Napaka-misteryosong lalaki ni Xinna, hindi ko alam. Baka kapag tanungin ko siya ng mga pribado at sensitibong tanong ay magalit siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections