Playing Provincial Proxy
Kabanata 21
"R-Ruel, hindi ganyan! Mali ang iniisip mo!"
"Putangina naman, Bethany! Narinig ko na nga, e, tapos mali pa rin?! Akala ko ba tapos na ito? Bakit bumabalik ka naman sa dati! Gusto mo ba talagang tuluyan ng masira ang pamilyang ito?!"
Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Baka saktan na naman niya ulit si Mama!
Hinawi ko ang kurtina at pumasok. May kumurot sa puso ko nang maabutang umiiyak si Mama. Magulo ang buhok ni Papa at nakakuyom ang mga kamao. As an instinct, nilapitan ko si Mama, parang pinoprotektahan siya.
"Pa, ano'ng nangyayari?" tanong kong kinakabahan.
Nanlaki ang mata ko sa gulat noong dumampi ang palad niya sa aking pisngi.
"Ruel!"
I am too shocked to even move.
"At ikaw, Rural, pati ba naman ikaw?! Sirang sira na ang pamilyang ito dahil sa kabastusan ng ina mo! Noon pa! Ikaw nalang ang tanging kumpiyansa ko tapos malalaman ko lang na may kahihiyan ka ring ginawa? At ano? Nakipag away ka sa anak ni Fernin? Ng lasing? Dalaga ka na, Rural! Gawain ba iyan ng matinong babae?! Pinapaaral kita para maging edukado ka man lang at maiba sa mga taong naririto pero katulad ka lang ng iba? Ano 'yan, gusto mong huminto nalang sa pag-aaral, ha? Ha?!"
Pinaharap ako ni Mama at hinaplos niya ang aking pisngi. Walang tumulong luha sa aking mga mata kahit pinopokpok na ng paulit-ulit ang aking dibdib sa sakit nito.
Iniwas ko ang pisngi kay Mama at hinarap ulit ang aking nagwawalang ama.
"Patawarin niyo po ako sa nagawa ko, Pa. Huwag po kayong mag-aalala. Babalik na ako ngayon. Mag-aaral ako ng mabuti dahil iyon ang gusto niyo..."
Sa sobrang pagod ko siguro sa lahat lahat ay iyon nalang ang nakaya kong sabihin. Sobrang tahimik ng aking mga kapatid pagpasok ko ng kwarto. Narinig nila ang nangyari. And it pains me so much. They're too young to observe such happenings pero wala silang magawa.
Inayos ko ang aking bagahe. Pinanood ako ng mga kapatid ko habang nag-iimpake. Walang may nagtanong. Walang may nag-ingay. Ramdam na ramdam ko ang kanilang takot. I want to protect them from their fears. I want to stay with them. Pero kailangan ko ding umalis. Kailangan ko din silang iwan. Dahil kung mananatili lang ako rito at hindi mag-explore, hindi ko maiaahon ang pamilya ko. Hindi ko matutupad ang pangarap ng mga magulang ko. Ayaw ko silang biguin. This family has suffered numerous disappointments at ayaw ko ng dumagdag pa.
"Rossa, kahit sino sa inyo, ano man ang mangyari dito, dapat sabihin niyo sa akin, okay?"
Pinatakan ko sila ng halik sa noo. Ginulo ko ang buhok ni Runcio. "Runch, ikaw ang mas matanda sa mga kapatid mo. Ikaw ang mag aalaga sa kanila kapag may trabaho si Mama at kapag nasa laot si Papa, okay?"
Marahang tumango si Runcio.
"Kapag mga ganitong pagkakataon, huwag kayong makialam. Normal lang sa Mama at Papa na mag-away, kaya dapat hindi kayo makikisali, okay?"
"Ate, si Papa nananakit-"
"Shh..."
Tinakpan ko ang bibig ni Rossa.
"Maraming problema minsan si Papa, kaya dapat intindihin niyo siya." Now, I sounds like my mother.
"Pero hindi niya dapat sinasaktan si Mama!"
"Hindi iyon sinasadya ni Papa, okay? Kapag mangyari man 'yan, dapat ay sabihin niyo agad sa'kin. Naiintindihan niyo ba si Ate?"
Nakahinga ako nang maluwag noong nagsitanguan sila.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections