22. Papalapit

33 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 22

"Bye. Send my regards to Nympfa."

Tumango si Xinna. Huling sulyap muna sa akin bago niya isinara ang bintana ng sasakyan at pinaandar. I watched him goes downtown sapagkat naroon ang kanilang ospital. Pumasok lang ako sa gate noong tuluyan ng nawala ang kanyang sasakyan.

Doon lang sa akin nag-sink in lahat. Iyong mga pangyayari sa probinsya, parang panaginip lang lahat. Waring para akong isang karakter sa fairytale stories na nakatulog at napunta sa ibang dimension. Nakaranas ng masasarap na bagay at nakabuo ng magagandang alaala pero magigising lang sa huli at mapagtatantong panaginip lang ang lahat. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang bahay, na hindi ko naman totoong bahay, ay pablanko nang pablanko ang aking nararamdaman. Ganito ba ang pakiramdam ko noon pa? Kapag narito ako? Bakit hindi ako nabagot? Nagsawa? I feel so sad and lonely sa hindi malamang dahilan.

I stopped pulling my maleta. Tumapat na ako sa ikapitong bahay sa Subdivision. Tiningala ko ang bahay. Ang gandang tingnan sa labas. Nakakapang-akit na parang gustong gusto mong pumasok sa loob. Siguro para sa iba ito ang paraisong gusto nilang pasukin. Pero para sa akin ito ay isang kulungan na gustong gusto kong takasan.

Lumapit ako sa hagdanan at pinindot ang doorbell. Tatlong beses ko itong inulit bago napagdesisyunan na gamitin nalang ang susing meron ako. Walang tao sa loob. Baka umalis sila. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. At least makakapagpahinga ako!

Nang buksan ko ang ilaw sa sala ay nalaglag ang panga ko sa mga gamit na nagkalat sa sahig. Hindi iyon mga libro kundi mga resibo, ang iba ay ginusot na. It was Auntie's.

Lumapit ako sa mesa at nakita ang nag iisang papel na naroon. It's a letter na isinulat sa pagmamadali na pahirapan sa pagbasa.

"Sabi ng Mama mo dadating ka na. May pinuntahan kami. Dapat pagbalik namin ay malinis na dyan."

I crumpled the paper into a ball at inihagis sa pader. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Pumunta akong kusina, binuksan ang ref at nagsalin ng tubig. Nilagok ko ang isang baso at nilapag sa mesa. Unti unti na ring bumabalik ang aking lakas.

Nasa second floor ang kanilang kwarto habang nasa baba lang ang room ko. Bodega ito na nilinisan ko lang para may matulugan ako. Pumasok ako roon dala ang maleta. Iniwan ko iyon sa gilid at dumeretso sa kama. Dahil manipis lang ang kama ay pakiramdam ko naalog ang aking utak paghiga ko.

Hindi ko alam kung anong oras sila babalik pero mamaya na ako maglilinis. Kailangan ko munang magpahinga.

Tumunog ang aking cellphone. Agad kong binuksan ang mata at kinuha ang cellphone. Text iyon galing kay Mama at George.

Mama:

Sige, anak. Magpahinga ka muna.

George:

Ang daya mo, gurl! :( Hindi mo man lang ako sinabihan ng personal, kagigil ka!

Porque't isinakay ka ni Fafa X ay hindi mo na ako sinabihan? FO na tayo!

Ngumisi ako.

Wala akong load kaya hindi ako makakapagreply. Magpapaload nalang ako mamaya dahil iti-text ko rin si Miss Zede na nakarating na ako pero bukas nalang ako pupunta ng unibersidad.

Another text came. Lumukso ata lahat cells ko sa ligaya.

Xinna:

I'm home. Nympfa got admitted but she's fine.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon