Playing Provincial Proxy
Kabanata 34
Matapos kong ipadala ang mga chocolates para sa mga kapatid ay bumalik din ako agad ng bahay. Saktong naglilinis ako noong dumating si Auntie.
"Nagsaing kana?" iritado niyang tanong. Palaging ganyan ang kanyang pakikipag usap kapag ako ang kaharap niya.
"Opo, Auntie,"
Hinanda ko na ang hapag para sa aming hapunan. Masyadong maganda ang mood ko para masira ni Auntie. Kaya kahit anong inutos niya sa akin ay sinunod ko nang walang reklamo.
"Iba talaga kapag desperado na, ano? Nakikikabit sa mga politiko makasalo lang ng pera." Tumawa siya.
Hindi ako umimik. Tumigil sa pagkain si Edom at tumingin sa banda ko. Nagpanggap akong walang narinig at ipinagpatuloy ang pagkain. Alam ko naman ang tinutukoy niya. Tinutukoy niya ang motor na napanalunan ni Papa.
"Aalis ako agad. Marami daw nahuling isda ang ama mo. Pinapasabi ni Bethany na bibisita ang ama mo rito."
Napatigil ako sa pagkain. Tumayo na si Auntie matapos uminom ng tubig. Narinig ko ang bawat hakbang niya papaakyat hanggang sa tuluyan na itong mawala.
"Sorry sa sinabi ni Mama..." agad na sinabi ni Edom. Malungkot ang ekspresyon niya.
"Okay lang, Ed. Naiintindihan ko."
Humugot siya nang malalim na hininga, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Gusto mong mag-apply na ngayon?" pag iiba niya ng usapan.
"Para?"
"UPCAT at DOST."
"Oh, sige! Mamaya pagkatapos nating kumain."
Ikinain ko nalang ang pangangamba sa pagpunta ni Papa dito.
Matapos kong maghugas ay agad akong pumasok ng kwarto. Naka-display pa rin sa aking study table ang bulaklak na ibinigay ni Xinna. Ayaw kong makita ito ni Papa kaya inakyat ko lang muna ito sa balkonahe at inilagay katabi ng ilang bulaklak na naroon. Maganda pa rin ang mga rosas at hindi pa laya. Itinapon ko sa labas ang mga supot ng mga natirang chocolates na kinainan namin kagabe. I'm doing it because I'm not yet ready. Hindi pa ako handa kung paano ako magpapaliwanag kay Papa. Bumalik iyong takot ko noong kami pa ni Arren... kami o parang kami... ni hindi namin masabi-sabi ang kung ano mang relasyon na meron kami kasi alam kong hindi papayag si Papa, alam kong magagalit siya. Pero, hindi pa naman kami ni Xinna, hindi ba? Kapag ba sabihin ko ito kina Mama, tatanggapin kaya nila? Hindi kaya siya magagalit?
Sa tingin ko ay maloloka ako kapag pinagpagpatuloy ko ang mga iniisip. Para mawala ang kaba ko ay tinawagan ko nalang si Xinna. Hinintay kong sumagot siya pero naputol ang tawag.
"The number you have dialed is now unattended..."
Napatitig ako sa screen ng aking cellphone. Minsan lang siya hindi sumagot sa mga tawag ko. Hindi na ako namilit. Baka may ginagawa siya. Katulad noong umalis sila papuntang Cotabato kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag ko. Instead, si George nalang ang tinawagan ko.
"Oh, bruha! Mabuti naman at nakaalala ka pa!"
"Uy, bruho. May utang ka pa sa'kin. Punta ka muna dito."
Hindi pa naman kumakatok si Edom para sa gagawin namin. Kaya hinintay ko nalang ang pagdating ni George. Labing minuto rin akong naghintay bago siya dumating.
"Oh, anong utang ko sa'yo?"
He's wearing a fitted v neck t shirt and ripped jeans.
Umupo ako sa kama. Siya naman ay humiga. Tinulak ko siya sa kanyang noo. "Anong meron sa inyo ni Xinna, ha?"

BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections