20. Paraiso

37 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 20

Hindi ako makapaniwala sa narinig. That's the deal he's talking about? It's about me, then? Pero bakit?

Umatras ako. Hinayaan niyang mawala ang hawak sa akin. He stared at me, waiting for my answer.

Tiningnan ko siya sa mata. Despite the mystery in his eyes, I saw something: pity.

"Stop doing it, Xinna. Aalis na ako bukas."

Hindi man lang siya natinag sa aking sinabi. "Coastalic? Why?"

"I need to..."

"Okay."

Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi, tila may pinaplano. I don't like that smile.

"In the afternoon, babalik ka. Ihahatid kita."

Nalaglag ulit ang aking panga. "Bakit ka pa sasama? You should enjoy your stay here," mariin kong sinabi.

Simpleng iling lang ang ginawa ni Xinna. "There's no point of staying here, anyway,"

"Minsan ka lang bumisita rito! Ano'ng walang point doon?"

"Shh. May plano na ako bukas. You must wake up early tomorrow morning kung gusto mong makaalis sa hapon."

"At bakit?"

Kumislap ang mga mata niya. Para ata akong nakakita ng bituin sa lupa.

"May gagawin tayo."

Hindi ako makapaniwalang bukod sa nangyari kagabe ay kaagad akong nakatulog. The pain is still there ngunit hindi ko alam pero parang minsan ako makaramdam. It maybe because I became naive or simply because I ignore it.

Maybe it's possible. The more you focus on the pain, the more it hurts. Sa lagay ko, masakit ang ginawa ni Arren. Sobra. Pero hindi naman dapat na habangbuhay ay danasin ko iyong sakit, hindi ba? Hindi pa naman katapusan ng mundo dahil lang niloko niya ako. Time heals all wounds. I don't have any idea why it is just so fast for me. At sa tingin ko ay mabuting bagay ito para sa akin.

"Ate! Ate!"

Naalimpungatan ako dahil sa yumuyugyog sa balikat ko. Kinamot ko ang mata bago tumayo. I adjusted my vision. Nakita ko si Rossa na nakatayo sa harapan ko. Binaybay ko ang suot niya. Jacket and shorts.

"Saan lakad mo?"

Pagkatanong ko palang noon ay umingay ang silid sa tawanan ng kalalakihan kong kapatid. Tinutulak tulak ni Runcio si Ronald na pulang pula ang pisngi. Panay hagikhik naman si bunso. Hindi ko maintindihan ang excitement na nakapaskil sa mga mukha nila. Anong nangyayari? Lahat sila ay gising na gising na!

"Tingnan mo, oh! Namumula ang mukha! Nakita lang si Nympfa, e!" humagalpak ng tawa si Runcio.

Sinapak siya ni Ronald. "Tama na, Kuya!"

"Ate! Buti gising ka na!" Lumapit si Jr sa katre, kumikintab ang mata.

"Ano'ng meron sa bihis niyo?" Lahat sila ay nakasando at shorts.

Tumigil sa pang-aasar si Runcio at nilingon ako. Labas ang mapuputing ngipin niya sa lawak ng ngisi.

"Maliligo tayo, Ate!" galak niyang sagot.

Naguguluhan kong tiningnan ang aking mga kapatid. "Hindi nangisda si Papa? Ba't tayo maliligo, may selebrasyon ba?"

Sa susunod pang buwan ang kaarawan ni Ruel.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon