46. Patriotic Surrender

17 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 46

"I'll die on eye of a mad water
Surrendered for my hope got killed
Letting sea breeze take mine breath
Surviving is suicide since you have left"

Surviving is suicide since you have left...

Tumulo ang luha ko sa pahina ng maliit na notebook kung saan ko isinulat ang tulang ginawa ko. Kinapa ko ang petal ng rose na ibinigay niya sakin nung sinabi niyang liligawan na niya ako. Naalala ko pa ang pakiramdam. Masaya at masarap. Tila ayaw ko na ngang tumakbo pa ang oras. Gusto kong tumigil ang mundo at tumitig lang sa mga mata niyang repliksyon ng adorasyon at pagmamahal. His confession was like the garden where we were, full of vibrant colors and flowers. Dahil sa kalungkutang halos ilang taon kung dinala, nang matikman ko ang ganoong saya, ayaw ko ng mawala pa yun.

But it's happening again. He tried to approach, but I just pushed him away. He tried to explain, but I rebuked him from doing so. Gaano ko man kagustong pakinggan ang paliwanag niya, natatakot akong baka madala ulit ako ng mga salita niya. Ang pinag usapan namin ni Mama at ang narinig ko mula sa ex-girlfriend niya ang naging pundasyon ko para itulak siya kahit gustong gusto ko siyang hilahin papalapit at yakapin dahil miss na miss ko na siya.

Ngayon, wala akong nagawa kundi ang titigan lang ang pinakaunang regalo niya sakin. Its shining silvery surface reflects the fluorescent light. Dumaloy ang panibagong luha sa makintab nitong ibabaw.

Ang shell na to at ang petal na to nalang ang magpapaalala sakin na kahit man lang minsan, nasuklian mo rin ang nararamdam ko para sa'yo. At least, dahil sa mga ibinigay mo, hahayaan ko ang sariling makaramdam ng sakit, dahil naging masaya rin ako. Ito ang kabayaran ng kaligayang nadama ko.

My boring days went by like how it's destined to be. Boring because, I felt like my time are forced to pass by for the sake of compensating me that I'll be okay. That my decision was fine. Because I did what was right. I did it for my family. And I did it to save myself from getting hurt too much.

And this day made me realized that my decision was indeed right.

Right after our Physics subject, we are ordered to proceed to the gym for a practicum. My languid move is being entertained by George through his joyful babbling about Circo.

"And you know what? After kong isigaw ang pangalan niya, lumingon siya sa kung nasan ako bago ishoot yung bola! Pak! Si Circobabes yun, eh! Tas nilingon ako!" mangiyak-ngiyak na kinikilig si George na may sama pang hampas sa braso ko habang nagkukwento.

"Pagkatapos nga nun, muntik ko ng masapak si Beverly, eh. Ang lakas ng apog umirap eh di ko naman siya inaano! Yun nga, nung nakashoot si Circobabes, na kay Xinna naman yung bola-ops."

Ngumisi ako at umiling. "Ituloy mo lang," sabi ko. Kahit hindi ko marinig ang pangalan niya, hindi na ako magugulat. Araw araw ba naman siyang nasa utak ko at ayaw akong lubayan.

"Ah, eh, mamaya nalang. Nandito na tayo, beshy," George looked at me. Tapos sa gitna ng gym kung saan may naglalaro. Kung hindi ko pa tititigan ng maayos, hindi ko malalaman na sila pala ang naglalaro dun ngayon.

"Great timing." George sarcastically commented bago niya ako hilahin papunta sa tabi ni Edom.

"You're...here..." hindi ko maintindihan ang hilaw sa ngiti ni Edom at pag aalangan sa kanyang mukha. Matapos ay nahuli ko silang nagkatinginan ni George, tila may tinatago sa isa't isa.

Pinilit ko ang sariling huwag tumingin sa harap kung saan puno ng tilian at matibaksing tunog ng bola ang naririnig. Tiningnan ko silang dalawa nang matalim.

"I don't like that looks on your faces. Parang binaback-stab niyo ako."

"We're not, Rural!" Edom said defensively. Iwinasiwas niya pa ang mga kamay to highlight his point.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon