18. Pagsuporta

35 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 18

     As expected, and as what he declared, Xinna beat the game. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ay mas naging maliksi, mabilis, at pursigido ang kanyang bawat kilos. Habang pinapanood kanina ay para siyang gutom na liyon at hindi mapalagay hangga't walang pagkain na mahuhuli. Halos hindi na nga niya pinapasahan ang kanyang mga kakampi sa laro! Inubos na niya ang lahat ng iskor sa sarili! Mostly ay three-points shots!

Nagsitayuan ang lahat ng manonood at masigabong nagpalakpakan nang sabihin na ang panalo. Hindi ako kumilos sa kinauupuan dahil ayaw kong makisiksik sa mga taong gustong lapitan at kausapin si Xinna.

"Pakiramdam ko ay piyesta pa rin ngayon, e! Ang gandang panooring maglaro si Xinna!"

"Talaga! Kung alam ko lang na magiging ganito kaenjoy manood ng basketball ay sana nag-suggest ako kay Kapitan Philius noon na magkaroon ng basketball competition! Mas naging masaya siguro ang piyesta natin!"

"At Apo pa ng Kapitan ang magiging star ng laro! Gosh! Hindi ko talaga akalain na matatalo ni Xinna si Arren! Halatang mas magaling si Xinna kesa sa kanya!"

"At mas gwapo pa! Jusko, ang hot!"

Nag-apiran at naghagikhikan ang dalawang babae na dumaan sa aming gilid ni George.

May ibinulong si George sa akin ngunit hindi ko narinig dahil sa ingay ng paligid. Akala mo naman mayroon talagang totoong basketball tournament, e, impormal na laro lang naman ito!

"Halatang may dugong Guevarra, e." aning isa sa grupo ng mga lalaking papalapit din sa gitna ng korte.

Unti unti ng lumiit ang mga tao sa Westplaza. Ang ilang nanood ay hinay hinay ng nagsi-uwian, mukhang satisfied sa larong pinanood. Bawat dumadaan sa aming banda ay puro pagpupuri kay Xinna ang pinag-uusapan.

"Well... well... well..."

Nakataas ang kilay at nakahalukipkip si Amerlita nang lumapit sa amin. Mukhang ginagaya rin siya ng dalawa niya pang alipores.

Nakaupo pa rin ako sa bench. Si George ang alertong tumayo at humakbang para harapin ang grupo ni Amerlita.

"You're really something, Gueliess, huh?"

I sighed. I am used to these lines. A common spiel and tendency of insecure people.

"Ano na namang ginawa ni Rural sa'yo, Amer?" tumaas ang boses ni George.

Nilingon ko ang paligid. Wala pa namang nakakapansin sa amin.

Tumayo ako at hinawakan si George sa palapulsuhan. "George, cut it."

Binaling ni Amerlita ang nanliliit na mata sa akin. "Oh, oh, oh! Ngayo'y bigla ka nalang nagsanta-santahan? Gosh. Hanga na talaga ako sa'yo, Rural. What a pretentious bitch!"

Napapikit ako nang mariin. Malakas na binawi ni George ang kanyang kamay. Pagmulat ko ay nakaatras na ang tatlo at pare-parehong nanlalaki ang mga mata. Ang kanang kamay ni George ay naka-hang sa hangin, nasa aktong mananampal.

"Insecurity is indeed the root of evil. At alam mo kung sino ang bunga? Ikaw, Amerlita-impaktita! Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, e! Masyado kang confident dahil honorable tatay mo? Pakshet. Hindi ako natatakot sa'yo. Marami ka ng sinira at nang-agaw ka pa ng hindi sa'yo. Hindi na kita papayagan pang makagapang! Uod ka, halika't hahatiin kita!"

Tumili si Geyl at Carrisa sa likod ni Amerlita na namumula na ang mga mata, mukhang paiyak na.

"What's happening here?"

Malalaking hakbang ang tinahak ni Arren makalapit lang agad dito. Nakakunot ang noo nito. He stared at me darkly like he is blaming me for something.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon