10. Prinsesa

43 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 10

Naugat ang aking paa sa lupang daanan nang sumakop sa aking tenga ang tunog ng nabasag na pinggan.

Napatakbo ako papasok ng bahay at iniwan si Xinna doon sa labas.

Hinihingal akong nakarating sa kwarto kung saan nakahiga si Mama. Sinundan ko ng tingin ang kalat na mga butil ng nabasag na pinggan sa sahig pati ang laman nitong pagkain papunta sa lasing kong ama.

"Pera lang ang hinihingi ko, Bethany! Konting halaga lang! Bakit hindi mo maibigay!"

Nakapikit si Mama ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Papa!" may diin kong sigaw.

Inihakbang ko papasok ang mga paa at nag-ingat na hindi matapakan ang mga butil. Dumeretso ako kay Mama at dinamdam ang init ng kanyang noo. Ang init niya parin!

"Rossa!" tawag ko sa aking kapatid.

Ilang sandali pa ang lumipas ngunit walang Rossa akong narinig na sumagot. Kaya ako nalang ang tumayo para maghanap ng gamot na maaari kong ipainom kay Mama.

Patuloy sa pagdaldal ang aking ama ngunit hindi ko ito pinagtuonan ng pansin. Kahit iyong inis at galit na aking nararamdaman ay hindi ko binibigyan ng atensyon dahil natuto na ako kanina. At wala ring mangyayari kapag sinabayan ko ang init ng ulo ng aking ama. He might end up hurting mother and me, especially now that he's drunk.

"Rural! N-naririnig mo ba ako? Humihingi ako ng pambili ng maiinom sa M-mama mo ngunit ayaw akong bigyan! Nasaan ang wallet niya at ako nalang ang k-kukuha?!"

"Walang pera si Mama ngayon, Pa. Atsaka, lasing na kayo. Ang dapat sa inyo ay matulog." sabi ko habang patuloy na naghahanap sa cabinet kung mayroong gamot.

Nasaan ba si Rossa at mga kalalakihan? Hindi ba't sinabi ko sa kanilang bantayan si Mama?

"Aba't! HOY!"

Napatili ako noong bigla akong hinablot ni Papa sa braso. Napilitan akong tumayo mula sa kahoy na upuan. Halos maiyak ako sa diin ng kanyang kuko sa aking balat na pakiramdam ko ay dudugo maya-maya lang.

"Papa—"

Namumula ang mata ni Papa na nanlilisik. Maging ang kanyang buhok ay sobrang gulo. Ano'ng nangyayari sa inyo, Pa?

"Ama mo ako! Anak lang kita! Kaya wala kang k-karapatang pagsabihan ako kung sino ang lasing at kung sino ang dapat m-matulog dito! Ha?! Naiintindihan mo?!"

Napapikit nalang ako noong lumipad na ang kamao ni Papa at ambang tatama iyon sa mukha ko. Nag-iinit ang sulok ng aking mata ngunit walang luhang gustong tumulo. Nanginginig ang kalamnan ko sa pamilyar na takot na gumagapang sa aking sistema habang walang kalaban-labang hinihintay ang paglagapak ng kamao ni Papa sa aking pisngi.

Ilang segundo ang lumipas ngunit walang kamay na dumapo sa aking pisngi.

"She's your daughter, Sir."

Dahan-dahan kong binuksan ang mata at nakitang hinuli ni Xinna ang kamao ni Papa sa hangin. Nakaigting ang panga niya sabay tingin ng madilim sa akin.

Kinuyom ko ang aking bibig at umiling sa kanya. Hindi mo dapat ito ginawa, Xinna. Hindi ka dapat nakealam.

"A-ano'ng n-nangyayari..."

Napatingin ako kay Mama na kagigising lang. Hindi ko alam kung sino ang dapat kung unahin sa kanilang tatlo. Baka ano pang gawin ni Papa kay Xinna o ang magawa ni Xinna kay Papa kapag hinayaan ko sila!

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon