Playing Provincial Proxy
Kabanata 09
Xinna brought me to their wide kitchen. Bumara sa aking ilong ang nakagugutom na amoy ng iba't ibang putahe.
Sa tapat ng kanilang saingan ay naroon ang mukhang primadera nila at katulong nitong si Zelda. Mabagal ang galaw niya. Kahit iyong paghihiwa niya ng petchay ay tinantya na mukhang may inoobserbahan.
"Eat first, Rural."
Napalingon ako kay Xinna na nasa counter na at may pagkain ng nakalatag sa harapan niya. Nakita kong napalingon din sa amin si Zelda, tila kanina pa kami inoobserbahan.
Walang ano-anong umiling ako sa sinabi ni Xinna. Saglit ko lang siyang tiningnan sa mata. Kapag tinitingnan ko siya ay naalala ko ang mga sinabi ni George sa akin tungkol sa kanya. He's born powerful and from a prestigious family. Kahit nga noong hindi ko pa siya kilala ay pakiramdam kong nanliliit na ako, ano pa kaya ngayong medyo may ideya na ako tungkol sa kanya?
"Busog pa ako. Ano bang kailangan kong gawin?"
Bumuntong hininga si Xinna at bumaba ng counter. Lumapit siya sa akin. His height towered over me. Masyado akong nanliit gayong ganito kami kalapit.
He suddenly touched my stomach. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang init ng kanyang kamay against the thin silk of my T-shirt. Millions of electric bolts suddenly traveled within my billions veins.
He leaned to me. His lips near to my ear. I almost closed my eyes because of our proximity. I was hypnotized by his manly scent.
Daig pang nakipagtakbuhan ako sa mga kabayo dahil sa bilis na takbo ng aking puso.
"Your stomach is rumbling and you're full?"
Kinagat ko ang labi dahil sa kanyang bulong na nakakakiliti.
With all my remaining strength, I pushed him away. Nakahinga ako nang maluwag nang magkaroon din ng distansya sa pagitan namin.
"I'm here to work and not to eat," mariin kong sinabi nang hindi siya tinitingnan, suddenly aware na gutom nga ako.
Nag init ang pisngi ko nang maisip na baka nakita ng primadora at Zelda ang ginawa ni Xinna kanina. This girl must have been thinking how to kill me after this. Anyway, if they have relationship, why is Xinna doing this? Ah, because he's a pretender and a player.
"Yes. But you need to eat first then you'll work."
Ngayon ay tiningnan ko na siya sa mata. Nakahilig siya sa counter at hindi nakatitig din pabalik sa akin. Pinigilan kong mapalunok dahil sa intensidad ng kanyang tingin.
Is being gentleman one of your being truest man? Or, it is just one part of your game? Do you really think I will fall in your trap, Xinna? Just like this powerless girl?
"Fine," I submitted, ngunit labas sa ilong.
Umangat ang gilid ng kanyang labi at umayos ng pagkakatayo. Inilahad niya sa akin iyong pagkain na hindi ko alam kung pinakuha niya o siya mismo ang kumuha. Either way, I don't care. If it's not a play, I will surely be touched. But, it will be more appreciating if it's not Xinna Guevarra.
"Good girl," I heard him say at my back.
Umupo ako sa mataas na stool na naroon. "Tss. You plays well, good guy." mahina kong sinabi. Wishing he'll hear it, but wishing he won't.
That's what power does. Kung may kapangyarihan ka, kaya mong paikutin ang mundo sa mga kamay mo. But I'll make sure I won't be part of the world you controls, Guevarra.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections