51. Payoff

11 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 51

One evening before the UPCAT proper exam, while staring at my test permit, tumunog ang aking telepono. I'm not studying anymore. I'm taking my brain a break and have it well relaxed and rested. Not to boast, but I've been into lots of mental competitions including doing maths and sciences and essays, and it's one of my techniques to calm my mind before the storm breaks tomorrow. Walang silbi kung mag aaral ka a night before kasi bukas haggard ka. All infos you've studied last night will be like a crumpled paper in a trash, cannot be remembered. Kaya di mo magagamit kung magtake kana ng exam.

I stopped from meditating my anxieties and worries for tomorrow when I answered the call.

"Did I disturb you?" salubong ni Xinna sa akin. Kumunot ang noo ko sa bilis ng kanyang hininga.

"Have you been running?" malayo ang sagot ko sa tanong niya.

"I'm sorry. Just got out of treadmill." unti unti ring naging stable paghinga niya.

"Ah, okay. You're in your gym?"

"Yeah. Releasing stress,"

I furrowed my eyebrows. "Why are you stress?"

"Kasi bawal kitang makita," malungkot niyang sinabi.

Lumukso ang puso ko sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sariling ngumisi kahit mukha na akong tanga kakapigil. I can hardly get over with his "I love you" yet!

"Matatapos din naman 'to
bukas," alo ko sa kanya na parang bata.

Humiga ako at napatitig sa kesame. I'm contented hearing his rugged breathing. Miss din naman kita, Xinn. Pero hindi talaga kasi ako makapag-focus kapag nandyan ka, o nakikita kita. Hindi na kita maalis sa isipan pagkatapos nun. I need and must pass this exam. Although, SLU is a good university, mas gusto ko paring mag aral sa UP. I know it'll change my life forever.

My schedule for the exam is morning. Alas dyes na ako nakatulog kagabe. Xinna didn't end the call 'till I'm asleep. Pagbukas ko ng cellphone, 5% nalang! Mabuti nga at hindi siya lubusang nalow-batt kundi hindi ako nagigising ng alarm ko! Hindi pa naman pwedeng papasukin kung late. Oh, no. I prepared for this very much tapos mali-late lang ako. Huwag naman!

As usual, I prepared for our breakfast. Habang nagsasaing ay umakyat ako at pumunta sa balconny. Humarap ako sa silangan. Wala pang anino ng araw at sobrang tahimik pa ng subdibisyon. Sa sobrang tahimik ay parang naririnig ko na ang tibok ng aking puso. Pumasok sa isipan ko ang mangyayari ngayong araw at bigla nalang lumakas ang tambol nito. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Parang gaga, Rural. Bakit ka kinakabahan, e, kalmado ka naman kagabe," parang tanga kong kinausap ang sarili.

It's weird actually. Kagigising ko lang, e, ganito na kalakas tibok ng puso ko. Daig ko pang nag-jogging, ah! Eh, wala naman akong makitang Xinna Guevarra sa paligid, bakit ako kinakabahan.

"Rural!"

Halos mapatalon ako noong marinig ang galit na boses ni Auntie. What? Nandito siya?
Halos malaglag ako sa makitid na hagdan, kamamadaling bumaba. Naabutan kong napuno ng usok ang kusina. Nanlaki ang mata ko.
Sinugod ako ni Auntie at malakas na sampal ang aking natamo. Sa lakas ay napabaling ako sa kanan. Hindi agad ako nakabawi.

"Pinaaral naman kita, ah! Binabayaran ko pag aaral mo pero hindi mo man lang magawa nang tama pinapagawa ko sa'yo?! Ano? May galit ka? Susunugin mo 'tong bahay? Ha? May pambayad ka? Ha? Sagot!!"

Tinulak niya ako. Muntikan na akong mawalan ng balanse at matumba.

"Mama!"

Tila nablanko ang utak ko. Hindi ako makatingin sa kanila. Kaya siguro ako kinabahan nalang bigla ay dahil dito. . .

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon