Playing Provincial Proxy
Kabanata 15
Matapos ang awkward na pagtatagpo doon sa kusina ay lumabas na ako. Nasa likod ko si Zelda at Xinna na nag-uusap. Gusto ko na sanang tumakbo nalang palabas kaso napakawalang hiya ko naman kung gagawin iyon.
"It's about what?" boses ni Xinna.
"Tungkol sa Mommy mo," si Zelda.
Xinna's Dad is a good man. Kahit ilang beses ko palang nakikita si Doctor Theo, hindi siya mahirap pakisamahan. I regret na hindi ko man lang siya nakausap. Kahit mag "hi" man lang. I bet his wife is a nice woman, too.'Xinna is a good man,', I hate to admit, but it's true.
Siguro kung hindi dahil sa kanya, nababad ako sa panlolokong ginawa ni Arren sa akin. Many times he'd saved my ass in front of Amerlita and Arren.
"Rural."
Nasa malawak na frontyard na ako ng kanilang mansyon nang marinig ko ang boses ni Zelda.
Noong nilingon ko siya ay wala na si Xinna sa kanyang tabi. Malamang nasa loob pa ito at nakikipag-usap sa kanyang Daddy.
Base sa tingin ni Zelda ay may ideya na ako kung ano ang kanyang sadya. Sa kabila ng malamig na trato niya sa akin ay nginitian ko siya.
"Zelda, papauwi na ako. Salamat sa pagpapatuloy sa mansyon," sensiro kong sinabi, kahit alam kong hindi tungkol doon ang sadya niya.
Mas lalong kumunot ang noo ni Zelda. Bawat linya sa kanyang noo ay nakasulat ang mga salitang hindi niya ako gusto. I understand why.
"Gusto kong maging tapat sa'yo, Rural. Ayaw kong makipagplastikan sa'yo."
Ngumiti ako. "Alam ko..."
"Hindi ko gustong malapit ka kay Xinna."
Tumango ako. "Right,"
Seryoso paring nakatingin si Zelda. "Kilala ko si Xinna. Hindi siya mahilig makidikit sa sinumang babae. Mas gusto niyang mapag-isa palagi, tumugtog ng gitara sa isang sulok. Itong pakikisama niya sa'yo, paniguradong dahil wala lang siyang magawa. Baka isipin mong nakikialam ako. Concern lang ako. Baka umasa kang may kung ano sa inyo ni Xinna. Rural, nakatali pa rin ang lalaking iyon sa isang babae. At hanggang ngayon, nag-uusap pa rin sila. Sa nakikita ko kasi, binabalaan lang kita. Baka kasi may masira ka."
Saglit akong natulala sa sinabi ni Zelda.
"Zelda,"
Patingin tinging lumapit sa amin si Xinna. Parang alam niya kung ano ang pinag-uusapan namin. Inayos ko agad ang aking tulalang ekspresyon at ngumiti ng hilaw.
"Alis na ako."
Hindi ko matingnan sa mata si Xinna na nakatitig sa akin. Tumalikod na ako at humakbang.
"Rural, ihahatid na kita."
"Huwag na, Xinna. Masyado na kitang naistorbo," patuloy pa rin akong naglalakad.
Wala man lang ka-effort effort na sinasabayan ako ni Xinna. Iyong isang hakbang niya ay dalawang pitad ko na.
"You're not a disturbance."
'Because I'm an entertainer?' Kasi tinatanggal ko boredom mo?
Wala naman akong gusto sa lalaking ito pero bakit grabe akong tinamaan sa sinabi ni Zelda kanina?
"Okay. If that's what you want."
Noong malapit na kami sa gate ay napahinto ako.
"Isumbong kita kay Nympfa, eh!" sigaw ng kapatid kong si Runcio.
![](https://img.wattpad.com/cover/67462630-288-k66999.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections