16. Property and Privelege

27 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 16

       "No fish? What kind of foods are these that there's no seafoods?"

Halos umikot na ang paningin ko sa pag-roll eyes at takpan ang tenga dahil sa mga reklamo ni Amerlita simula noong dumating kami dito sa Allon.

"Mangisda kang mag-isa kung gusto mo ng seafoods. Nasa harapan mo lang ang dagat, duh!"

Sinulyapan ko si George na nasa aking tabi. He gave me a what-look. Inilingan ko siya.

"I'm not talking to you, just shut up-"

"Amer, stop. We're here for a birthday celebration. Huwag niyo namang bastusin ang celebrant." Arren popped in.

Nakita kong nagtaas ng kilay si Amerlita at umikot ang mata.

We're under the big shade of a huge bark tree. Under us lie billions of tiny grained white sands. We are sitting in a circle. In front of us are the various dishes and desserts we have brought. Ang aming mga bag na naglalaman ng aming damit at tuwalya ay nasa tabi ng malaking puno.

Sa aking kaliwa ay nakaupo si George habang ang katabi ko sa kanan ay si Erie na kanina pa tahimik. I remember he's always been the silent one in our barkada. Tahimik ngunit pasaway din naman.

Arren is, unfortunately and awkwardly sitting in front of me. In his left sat Alfredo while in his right side, Amerlita is sitting. Their shoulders are vividly brushing each other. I immediately get my eyes off them.

Tumikhim si Alfredo. The atmosphere is obviously tensed and awkward. Kahit malamyos ang ihip ng hangin dito sa tabingdagat ay hindi ko maramdaman.

"Okay. Bago tayo kumain, let's sing first a birthday song to our celebrant!" pumalakpak si George and begins to sing outloud.

We also clapped enthutiastically and sang. I'm glad the mood has changed into a lively scene.

Alfredo are smiling the whole time we're singing.

"Salamat, salamat!"

"Yes! Lafangan na!"

Nagtawanan ang lahat maliban sa dalawa. Nakangiti lang si Arren habang wala namang nagbago sa ekspresyon ni Amer na nagtataray parin.

Arren isn't usually like that. I've known him to be a happy person. He's never sarcastic and fake. To me, he's always been transparent. Kapag malungkot siya, alam ko. Kapag masaya siya, alam ko. Nakikita ko iyon sa mga mata. How his eyes shine bright every time something good happens and the way his looks lost its brilliance when he's sad. I was familiar with it. Until now...

We ate normally. Salamat kay George at Fred na masayang nag-uusap tungkol sa nakaraan na may kasamang mga biro.

"Naalala mo pa 'yun?" tumatawang sabi ni Fred.

"Oo naman! First ko kaya 'yun! Leche iyon, leche! Niloko niyo akong akyatin ang mataas na puno ng niyog tapos iniwan niyo lang pala ako noong naka-akyat na ako! Ang malala pa, nag-iwan kayo ng ahas sa babaan!" si George.

This time, Erie and Arren both laughed at the memory. Tahimik akong humalakhak nang maalala kung gaano nanggigil na ikinwento ni George sa akin ang pangyayaring iyon.

"Patay na 'yun!" si Erie.

"Ah, kahit na! Muntik na akong mamatay sa atake sa puso. Mga walang hiya kayo."

Tumawa na rin ako. "Bagay 'yan sa'yo. Sinabi kong bantayan mo sila. Iyon pala, sumama ka pa sa kalokohan nila."

"Nothing is more enjoyable than crazy adventures, Rural."

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon