56. Pinili Kita, Hindi Siya

12 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 56

NAGISING ANG DIWA ko noong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Tila memorya na ng katawan ko na kapag ganitong oras, tatawag siya, at huhugutin ko sa bulsa ang telepono para sagutin siya. Pinilit kong idilat ang mga mata (nagsasayawan lahat ng nakikita ko!) at inihiwalay ang sarili kay Arren pagkalagay ko ng cellphone sa tenga.

"Hello!" maligayang bati ko sa kanya, wala sa sarili. Masaya siguro ako kasi iba't ibang kulay na ang nakikita ko sa paligid ko!

"Oops—" muntikan na akong mawalan ng balanse kung hindi naging maagap si Arren sa pagkapit sa aking beywang para maiwasan akong matumba.

"Nasaan ka?"

Napanguso ako, hindi pinansin ang muntikang pagkabagsak. Nakapokus ang atensyon ko sa kausap. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya!

"W-Wala man lang 'Hello, M-Miss Vice President! I miss you.' dyan?" humagikhik ako kahit hindi ko alam kung para saan.

"Are you drunk?"

Mas lalo akong napahagithit dahil sa galit na dama ko sa boses niya. "H-Hindi ako... lasing! Bakit b-ba sinasabi niyong l-lasing ako!" Bakit magkaiba ang ekspresyon at pananalita ko?

"Rural, are you in a bar?"

Sumama ang loob ko. Wala talagang 'I miss you'!

"Ba't n-naman *hic* ako nasa b-bar?!"

"It's noisy. And you hiccuped. That really means you're in nightclub at the moment..."  Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba iyon, pero parang biglang lumapit ang boses niya.

Napawi ang ngisi sa labi ko. "Bahala ka! N-Nasa bahay ako! M-Matutulog na! Baka may gagawin ka ulit kaya a-ako na papatay ng t-tawag!"

Naiinis kong pinindot ang call ended button at ibinalik sa bulsa ang cellphone.

He knows where I am? Gusto ko ba siyang makita or not?

"U-Uuwi na ako!" I finally decided.

Pagewang-gewang ako kung maglakad. Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero hindi ko alam bakit mabilis akong madala ng bugso ng damdamin. Is it because of the alcohol?

"Rural! Wait! Ihahatid kita."

Habang tinatahak ang daan palabas ng club, may bumangga sa akin kaya muntik na akong matumba.

"Ano, ba! Look where you are going!"

Aba't! Siya pa talaga ang may ganang sigawan ako! Pinanlakihan ko ng mata ang babaeng maarte. Dahil siguro sa lakas ng pagbangga niya sa akin, nagising ako nang konti. Nakakaakit sabunutin ng maningning at mahaba niyang buhok nang makita niya, e!

"Ikaw ang bumangga sa 'kin! Ang kapal ng budhi mo para sigawan ako!" sigaw ko.

Tinuro niya ako. "You're the one who are not looking! You bitch!"

She was like a cat monster ready to devour me with her spiky slap. Kusang pumikit ang mga talukap ko at hinintay ang malakas na sampal na sana'y gigising ng buong diwa ko. Ilang segundo ang lumipas pero walang lagapak akong naramdaman at narinig.

Sa mga sumunod na segundo, nalaman ko nalang na literal na akong nakalutang sa ere. Minulat ko ang mga mata, and for once, napokus ang paningin ko sa lalaking gustong gusto pero ayaw na ayaw kong makita.

"B-Bitiwan mo ako," I became sobber all of the sudden. Ang madilim niyang mga mata, matigas na panga, at galit na ekspresyon, malinaw kong nakita iyon lahat. At iyong mga bagay na pansamantala kong nakalimutan kanina, para silang libo libong kutsilyo na sabay sabay kung tumusok sa puso ko.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon