Playing Provincial Proxy
Kabanata 03
You call upon my name as moon ignites. . .
My smile shines brightly under the lights of your stars.
"Ate?"
Napatigil ako sa paglalaro ng aking ballpen at sa pag iisip ng isusunod na linya sa ginagawang tula nang sumungaw ang ulo ni Rossa sa pintuan ng kwarto. Inalis ko ang pagkakapatong ng kamay sa baba at ibinaling ang tulalang mata sa aking kapatid.
"Oh, bakit?" tanong ko, kahati ang atensyon dahil sa dami ng iniisip.
"May naghahanap sa inyo,"
Umayos ako ng pagkakaupo. "Sino?"
Bago pa man makasagot ang kapatid ko'y may lapastangan ng nagsalita.
"Hay, naku, Rural Shimeah! Wala ka na bang ibang tambayan kundi iyang harapan ng study table mo?" sumungaw rin ang ulo ni George sa kahoy na pintuan.
A sudden relief upon seeing my long-time bestfriend has awakened my lost innermost self. The missing comfort that keeps on hunting me seems found upon looking at people who, I know, cares about me. I always feel I'm home with those people who would never fool me and hurt me. As long as I could bear the pain, I wouldn't let a single drop of tear escape my eyes. Not ever. Never to person who have failed and fooled me.
I twitched my both feet as if to stand up and planned on running towards George but I stopped myself midway. No way. I've changed my mind.
Ayaw kong isipin ng tao, kahit ng pinakamatalik kong kaibigan, na ang hina-hina ko. Kilala nila ako, lalong lalo na ng mga taong malapit sa akin, bilang isang matigas at matapang na tao, minsan lang ako umiyak kaya palagi nilang itinatanong sa akin kung may hormones pa rin ba na gumagawa ng luha ko. Kasi hindi ako iyaking tao. I don't want to cry because crying is a sign of weakness to me.
Imbes na lapitan si George ay nanatiling nakadikit ang aking pwetan sa upuan.
"Ang sungit mo talaga, Rural. Hindi mo man lang ako kukumustahin?" ngumuso at nagdrama pa ang bakla.
Umirap ako. "H'wag ka ngang mag-enarte, George. 'Di bagay, e."
"Che! Kahit kelan ka talaga. Uy, ikaw, Rossanna, alis mo na dito. Usapang pangmatanda 'to." sabay lingon niya kay Rossa na hindi ko alam na nasa amba pa rin pala ng pintuan.
Hindi sumagot si Rossa ngunit agad siyang tumalikod at umalis.
"Mag aabang ako sa pagdating nila Mama, Ate," walang lingon lingon niyang paalam pagkatapos ay tuluyan na siyang lumisan ng bahay.
Isinandal ko ang likuran sa inuupuan pagkatapos ay mariing ipinikit ang mga mata. Ang ala ala ng nangyari kanina ay bumagabag sa akin pero pinilit ko iyong winaglit.
Kahit nakapikit ay alam kong walang pakundangan ng pumasok ng kwarto si George.
"Nauna kang dumating. Ano'ng sinakyan mo?" tanong ko habang nakapikit pa rin.
Tumunog ang kahoy naming katre noong umupo si George. Wala sa isip na nilaro laro ko iyong ballpen na hawak hawak. It became a hobbit when I'm preoccupied and lost in everything.
"Nakasakay ako kay Tata Julito kaya napa-early," aniya.
"Ah. Akala ko 'di ka pa nakakauwi-"
"Hoy!"
Halos malaglag ang puso ko nang biglang inuyog ni George ang aking magkabilang balikat. Binigyan ko siya ng babalang tingin. "H'wag mo nga akong ginugulat ng ganoon, George Nathaniel Timbre." I'm mad and he knows that.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections