7. Perfect Illusion

79 3 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 07

Namayani ang bulungan sa paligid pagkatapos ng sinabi ni Xinna. Ako naman ay hindi makakilos sa aking kinatatayuan.

"Miss Vice President? Sino 'yan?"

"Sino ang masuwerteng babaeng iyan!"

"Kapitana lang ang meron tayo dito, paano naging Vice President?!"

"Baka nandito si Leni Robredo!"

Damn it! mura ko sa aking isipan.

What the hell are you really playing, Guevarra?! Ano 'tong ginagawa mo!

"Excuse me!" singhal ko sa mga taong nakaharang sa aking daraanan.

I need to get out of this place. ASAP!

Nagsimula ng tumambol nang mabilis ang aking puso. Pinaghalong gulat, kaba, takot at pagkamangha ang bawat tibok nito.

"Vice President? Si Rural!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang napatigil.

"Si Rural ba?"

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao. Ramdam ko na ang daan daang mga mata na nakatingin sa direksyon ko. Nanginig ang aking binti sa panghihina nang nakatutok na sa akin iyong malaking spotlight.

Nakatalikod pa rin ako at wala akong balak humarap. Damn it! Damn it! Damn it!

May magaang kamay ang humawak sa magkabila kong balikat. Amoy na amoy ko ang nakakaadik niyang bango. At base sa bigat ng kanyang presensiya ay hindi ko na kailangang magtanong kung sino.

Walang sinoman ang nag-ingay na babae sa paligid ko at mukhang natulala silang lahat sa taong nasa likod ko.

Dahan dahan niya akong pinihit papaharap.

"I'm sorry," he whispered and gently brought me into the center of the dancefloor.

Illusion. This is an illusion. I'm not in front of hundreds of people. I'm not dancing with no make up on, no hairstyle, no proper dress, and with no proper sandals! I'm not dancing with only a plain white T-shirt. Most of all, I'm not dancing with Xinna Guevarra! It's a pure illusion! A perfect illusion!

"Stop trembling, Rural. Just look into my eyes, please..." his voice is deep yet gentle.

I followed him. How could you do this, huh? Ano'ng karapatan mo?

Mula sa maningning niyang sapatos, sa mamahalin niyang itim na slacks at tuxedo. I traced his strong defined jaws, red and wet lips, long and perfect nose, upto his dark mysterious yet hypnotizing eyes.

Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya iyon sa kanyang malalapad na balikat. I felt his warm hands glided down the curves of my waist.

He stepped sideward, and we began to dance. I followed the motion of his feet and the direction of his body. We stared deeply into each other's eyes like we're the only two persons left in the world.

Ang nakabibinging ingay kanina ay hindi ko na marinig. Sobrang tahimik ng paligid at tanging malakas at mabilis na tibok lamang ng puso ko ang aking naririnig. Why's my heart beating this fast? It is fear? It is my fear?

Xinna dominates the dance. Sumusunod lamang ako sa indayog ng kanyang sayaw. Mula sa maliksi ay unti-unting bumagal ang ritmo ng tugtog. Bumagal din ang galaw ni Xinna.

Mula sa simula ng sayaw hanggang ngayon ay hindi niya inalis ang mga mata sa akin. Natatakot akong baka naririnig niya ang tibok ng aking puso. Huminto siya at hinawakan ang aking kaliwang pisngi. His palm is so soft against my sensitive cheek. Hindi masakit sapagkat ang hawak niya ay parang dampi lamang ng isang balahibo.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon