35. Paniniwalang May Pagdududa

40 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 35

"Rall... ano'ng ginagawa mo?"

Hindi ko pinansin si Edom. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I know that my heart is not functioning right kaya ang mapusok kong isip ang gumagana ngayon.

After I typed, I clicked 'enter'.

—Hiwalay na kayo. Huwag kang assuming.

Suminghap si Edom pagkabasa ng aking itinipa.

Tumayo ako kahit nanghihina ang mga tuhod sa lahat ng nabasa. Mabibigat na hakbang ang aking ginawa papasok ng aking kwarto.

"Rural!!! Anong ginawa mo! Account ko 'to!!!"

Malakas kong sinara ang pintuan. Humihiling na sana wala ng marinig mula sa kahit kanino, kahit ang reklamo ninuman. I've never been this affected my whole life. I've never been this confused. Naiinis ako. Kasi sa kabila ng aking mga nabasa at nalaman, malakas pa rin ang paniniwala ko kay Xinna. Maraming beses ko na siyang tinanong noon kung meron pa rin silang relasyon ni Kathey, and he said they've broken up. He admitted it to me twice. And I tried to believe him twice. Bakit, mas pipiliin ko pa bang maniwala kay Kathey kesa kay Xinna.

Sinubukan kong tawagan ulit si Xinna. But he's not answering. I shouldn't be bothered, okay. Pero, kasi.

May pinaghahandaan siya.
Will this pink balloon be okay? I wanna surprise her!

Nag-echo ang sinabi ni Zelda at ng pamangkin niya. Preparing for what, Xinn? Bakit may pink balloon? Sino'ng gustong isurpresa? Si Kathey ba?

Sumasakit ang aking ulo sa mga pinag-iisip. Kapag ganitong marami akong iniisip, inililipat ko ang atensyon sa pamamagitan ng pag-aaral. I will study hard. Read some notes, do the homeworks and such, maalis lang ang gumugulo sa aking isipan. But now, it frustrates me because I can't concentrate much! Pumapasok sa isang tenga lumalabas naman sa isa ang mga pinagbabasa ko. I stared absentmindedly to the picture frame in front of me. Kahapon ko lang nalagyan ng frame ang iginuhit ni Rossa para sa akin. And no matter how I want to forget about what I read earlier, I just can't. Hindi lang relasyon nila ang ipinakalat ni Kathey, ngunit pati ang mga pictures na magkasama kami ni Xinna ay kalat na din. Hindi ako sigurado kung paparazzi lang ang kumukuha ng mga litrato sa amin o spy na sinugo ng hindi ko alam. I don't know. And it frustrates me so much. The horror of what happened didn't drown on me until I wake up the next day.

I did my daily routine. My morning seems normal except for one thing. Paglabas ko ng gate, walang Xinna na nag-aabang sa akin. Nang tingnan ang phone, walang 'good morning' niya ang bumungad sa akin. We didn't watch the sunrise, either. Or, maybe, he did. Together with her longtime girlfriend. My heart started to sting again. Binilisan ko na lamang ang pagpidal ng aking biseklita, singbilis kung paano kumalat ang sakit sa aking sistema. If they're still together, I won't believe it unless Xinna confirm it himself. I don't know if it is a fair judgement, pero sa tingin ko ay sa kanya lang ako dapat maniwala. He's been with me through my downfalls, he told me he won't lie to me. And I believe him.

Inalis ko nalang muna sa pag iisip kung bakit wala pa rin siyang text hanggang ngayon. The memory of last night... Xinna and Kathey happily chatting with each other. Habang katabi ni Xinna si Nympfa while saying surprise.

Iritado kong pinalis ang buhok na humarang sa aking mata. I tried to hard to put aside those painful thoughts as I approach George's house.

Nag aabang na siya nang dumating ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Tinulak ko siya.

"Anong drama mo dyan. Tara, sakay ka na. May dare pa akong gagawin, hindi ba?" Naiinis ako sa ekspresyong ipinapakita niya sa akin. Ni hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. "Stop giving me that look, George Nathaniel. Hindi ako natutuwa."

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon