Playing Provincial Proxy
Kabanata 60
IN THE MIDDLE of the night, I was awaken by a small movement. Napanganga ako sa gulat nang madiskubreng daliri iyon ni Papa. I thought I was dreaming at first!
"Papa!" Niyakap ko siya.
"A-A-Anak k-k-ko..." sobrang garalgal ng boses niya. Natakot ako dahil baka mapagod agad siya sa pagsasalita.
"Pa, huwag muna kayong magsalita. Tatawag lang ako ng doktor—"
"W-Wag n-na, anak. G-Gusto kitang kausapin."
"Pa, baka anong mangyari sa inyo. Tatawag lang po ako—" Napatingin ako sa daliri niyang ibinalot sa kamay ko. Since the rumor about my mother cheating with him, Papa and I has never been this intimate. Kahit nga pagtingin sa mata ko, minsanan lang niyang gawin. I was busy hating him by his course attitude and unhealthy habits that I failed to see beyond him as my father. My father's skin is so tanned and sunburned. Lumalabas na ang mga ugat roon. Kung magaspang ang palad ko, mas magaspang ang kay Papa. My heart ached seeing him in this state.
"S-Sa lahat ng ginawa ko, sa pananakit ko sa 'yo, anak, p-patawarin mo ang Papa mo. Sana sa kabila ng k-kalupitan ko, h-hindi mo nakalimutang m-mahal na m-mahal kita."
"Papa..." stop it. I don't like your tone.
There's moist in his eyes. When he looked at the light above, I saw his unshed tears sparkled. It triggers my own sob to emerge.
"G-Gusto ko ring humingi ng tawad sa Mama mo... na walang ibang ginawa kundi intindihin lahat ng kabaldaduhang ginawa ko. Lahat ng pananakit ko sa kanya, pinalampas niya. H-Hindi siya naubusan ng pasensiya."
"Mahal ka ni Mama, Papa."
"A-Alam ko, nak. Nabulag lang ako sa selos ko at bisyo. Kaya kahit pati mga aktibidad mo sa escuelahan, naging mailap ako sa pagdalo. P-Pero kahit ganoon, gusto ko lang sabihin sa 'yo na proud na proud ang Papa mo sa talento at mga naabot mo, anak." Ngumiti si Papa kahit tuyo ang mga labi. "Sa bawat presentasyon na sinasalihan mo, p-pinanood kita. Hindi lang pangatlo o pang apat na beses kitang pinuntahan. M-Maraming beses na, anak. Noong nag-perform ka? N-Nag uumapaw ang puso ko sa saya h-habang pinapanood kita mula sa malayo. Sarap m-mong ipagyabang sa mga k-kumpare ko. A-anak ko 'to—" umubo ubo si Papa. Tumayo ako sa pangamba at takot.
"Pa! Tatawag lang ako ng doktor! Sandali lang!"
"W-Wag na... basta anak, ngayon, ang gusto kong isipin mo ang kung saan ka sasaya. Pagdating sa k-kaligayahan mo, huwag na huwag kang magdadalawang isip na pumili, Rural. M-matutulog lang ako, Rural k-ko..."
"PAPA!" Nanginginig ang kamay kong tinawagan si Mama. Dumikit na ata ang paa ko sa semento dahil hindi ako makakilos. Ang mata ko ay hindi kumukurap sa life machine. Ipinikit na ni Papa ang mata niya, hindi na rin kumilos ang daliri niya pagkatapos niya akong bitiwan. But there was still a continues curved lines on the screen...
"Ma! Si Papa! Pumunta muna kayo rito!" halos mapaos na ako kasisigaw. Namataan ko ang alarm button sa kwarto kaya sa nanginginig paring kamay ay pinindot ko iyon. Hindi nagminuto, nurses rushed into the room.
"Ano hong nangyari, Ma'am?"
"N-Nagising si Papa kanina. Pero nakatulog ulit..."
Sakto bumukas ang pintuan at nagmamadaling lumapit si Mama sa amin, namumutla ang mukha, halatang nasa gitna ng tulog at biglang nagising. Magulo ang buhok ng Mama ko.
"Nagising na ang asawa ko? Rural naman, bakit hindi mo ako agad tinawagan!" Marahan niya akong tinulak habang tsini-tsek pa ng dalawang nurses ang Papa ko. "Umuwi kana muna. Samahan mo ang mga kapatid mo roon kina Rosalie. Tsaka magpahinga ka. Ako na muna ang magbabantay sa Papa mo ngayon."
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections