Playing Provincial Proxy
Kabanata 17
"Let the outflow of your tears be an evidence that you're open to let go of the pain."
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naming nilibot ang kabuuan ng Sierra Island. Nakatunganga lamang ako sa kawalan at walang laman ang isip kundi ang mga nangyari kanina. I can't believe na kayang gawin iyon ni Arren. Waring unti unti ay nawawalan na ng saysay ang lahat ng mga pangako niya sa akin noon. He promised me that we'll never do the kissing until we're ready for it, or until I allowed him, too. Ito ba ang rason? Kaya ba siya naghanap ng iba ay dahil hindi ko naiibigay agad ang mga bagay na gusto niya? Kaya pinalit niya ako sa katulad ni Amerlita ay dahil kaagad niyang nakukuha ang gusto niya rito na pagdating sa akin ay hindi niya maranasan?
Hindi ko alam na may mas isusuot pa ang nararamdaman ko ngayon. Ang babaw niya kung ganoon! Hindi siya ang Arren na minahal ko kung ganoon ang dahilan ng panloloko niya sa akin! Just because I cannot easily give him the satisfaction of his desires! What the hell! Knowing him from childhood days, that would probably be the most senseless and worthless reason I will be ever heard! And I will probably regret that I ever liked a man like him! Damn it!
Kinagat ko ang labi at ipinikit ang mata. Malayang lumandas sa aking pisngi ang luhang kanina pa umaagos. Okay. Hahayaan ko ang sariling iiyak lahat ngayon. Pagbibigyan ko ang kagustuhang lumuha kung sa paraang ito lamang mababawasan ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Ngunit pagkatapos nito, I won't allow myself to cry for the same reason again.
Napatingin ako kay Xinna. Naabutan ko siyang pinagmamasdan ako. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa likuran niya bilang suporta habang nakaupo sa estante kung nasaan ang manibela ng speedboat. Dahil sa paulit-ulit na paglibot namin ay natuyo nalang ang aming mga suot.
Naroon sa kanyang likuran ang munting pigura ng Alitaptap Island. Ngayon ko lang napansin na inihinto niya ang sasakyan sa gitna ng malawak at malinaw na karagatan. Sobra ang katahimikan ng paligid na tanging mahinang huni ng ibon sa blankong kalangitan ang aking naririnig, kasama ang nanghihinang tibok ng aking puso.
Pinilig ni Xinna ang ulo upang tingnan ako nang maayos. Hindi ko naman siya matingnan nang deretso sa mata dahil aside sa nahihiya ako ay ramdam na ramdam ko ang awkwardness. Jesus, Rural! Kelan ka pa naging ganito?
Mas lalo kong binalot ang sarili ng tuwalyang kanyang ibinigay kanina at tumungo. "I'm sorry..." naalala ko ang ginawa niya kanina at mas lalo lang akong nahiya sa aking sarili.
"You are sorry for what?"
I know that he's aware about what I am talking about. Kung bakit nagpapanggap siyang hindi niya alam ay lampas sa kapasidad kong umintindi. Also, I am indebted to him right now. Kaya wala ako sa tamang lugar upang barahin siya.
"Na nasali ka pa sa gulong dapat ay akin lang..." nakayuko pa rin ako.
"That was unexpected," he suddenly chuckled which made me lift my head up in curiosity. What's funny? "Hindi ka galit sa akin?"
"Ha?"
"I punched your ex earlier. You won't give me a hard kick?" he sounded amused.
"Gusto mo?"
"Try me." tumaas ang sulok ng kanyang labi para sa isang mapanglarong ngisi.
Iba rin itong lalaking ito, ah. Imbes na tumanggi ay hinamon pa ako.
Umiling ako pagkatapos ng ilang sandali. "Wala ako sa mood. Next time nalang."
Tumaas ang kanyang kilay. "Nah. Walang next time. Alam ko namang gusto mo rin iyong ginawa ko kanina." siguradong sigurado talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67462630-288-k66999.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections