8. Pagkakautang

51 4 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 08

"I have searched a lot of background infos about him, huh?"

Sinabunutan ko si George. Tumili siya at nagreklamo. "Aray naman! Just tell me, girl, kung may gusto kang malaman tungkol kay Fafa X. I may be able to give you a suitable answer." he winked and smirked.

Binato ko siya ng dahon ng Talisay na napulot ko. "Kilabutan ka nga, George Nathaniel."

Bigla niya akong sinundot sa aking tagiliran dahilan para matapon ko iyong laman ng dustpan!

"Aysus. Pakipot ka pa, e!"

"Mukha mo ang ipangwawalis ko dito sa tinapon mo, George! Linisin mo 'yan!"

Tinawanan lang ako ng gagang bakla. "Sige. Balik nalang ako kapag nasa mood ka ng maghalungkat ng infos!"

"Bumalik ka dito. Hindi pa tayo tapos mag-usap! Huy!"

Imbes na bumalik ay tumatawang nilingon lamang ako ni George at kinawayan bago nagpatuloy sa pag-alis.

Nakapameywang akong tumingin sa langit. Wala pang araw dahil kakasikat palang nito sa silangan. Nagpalabas ako ng buntong hininga. Super stress ako sa baklang iyon.

Just tell me, girl, kung may gusto kang malaman tungkol kay Fafa X. I may be able to give you a suitable answer.

Napatigil ako.

Kung aanalisahin ko ang mga ginagawa ni Xinna, alam kong hindi lamang iyon basta-basta.

Lahat ng ginawa niya. Hindi ako makahanap ng tamang rason kung bakit niya ito ginagawa.

We barely know each other. It seems surprising why he keeps on insisting to be my friend. Dahil kung tutuusin ay napakarami na niyang kaibigan. Siya si Xinna Guevarra. Malabong nakukulangan pa siya sa mga kaibigan niya kaya sa akin siya namimirwesyo.
At sa dinami-dami ng pupwede niyang isayaw kagabe, bakit ako pa?

Aaminin kong hindi ko siya ganoon kakilala. Kilala ko lamang siya bilang isa sa mga pinakasikat na basketball players sa SLU. Kilala siya ng tao bilang isang magaling, matalino, at misteryosong lalaki. At... Oo na, gwapo na rin. Lahat naman sila actually, ay gwapo.

Atsaka, sikat ang—

"HOY!"

"Ay, lalake!"

Nanlaki ang mata ni George at bigla na lamang ngumisi sabay sundot sa aking tagiliran. Nabitiwan ko na naman iyong dustpan. Natapon na naman iyong tinipon kong basura. Leche itong baklang ito!

"Eheeeeem! Lalake, ha?" humalakhak si George na tila may kinukumpirma sa kanyang sarili.

Kinunutan ko siya ng noo at ambang tatapyasin siya nitong walis-tingting na hawak ko. Kanina pa siya magulo, e! Hindi ako matapos tapos sa pagwawalis ng mga dahon na ito!

"Tumahimik ka nga! Ikaw itong palilinisin ko nito, e." inis kong sinabi.

Pero hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko. Damn it. Why do I feel like I've been caught in the act? WTH?

Yumuko ako para sana kunin ang dustpan na nabitiwan noong biglang inilapit ni George ang mukha sa akin. Sa gulat ko ay natampal ko ang kanyang mukha.

"Ouch! My face!" reklamo nito habang hawak hawak ang pumulang pisngi niya.

Imbes na makonsensiya sa ginawa ko ay inirapan ko lang siya. "Gulo mo, e. Bakit ka pa bumalik dito? Bumalik ka na nga sa lungga mo."

"Nagiging masungit ka talaga kapag broken hearted, e, ano?"

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon