54. Pamamaalam

10 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 54

ONE OF THE reasons why I was that confident to enter the Blue Mansion was the absence of people there. Sinabi ni Xinna na wala ang Lola niya roon dahil nasa Manila daw ito at binisita ang iilang kamag anak na naroon bago magpasko. Although, inaasahan ko na ngayong araw ay darating ang grandparents niya, hindi ko parin maiwasang magulat. Kahit noong nasa bukirin kami kanina para kumuha ng mga dahon ng saging ay namataan ko ang pagdaan ng malaking canter na sinabi ni Xinna na sasakyan ng Lola at Lolo niya. Ngayong nasa harap na kami ng kanilang mansyon ay napahinto parin ako, nag aalangan. Kahit hindi ko man aminin, intimidated at takot parin ako sa Lola niya. I don't know. No matter how I denied it, there's just something cruel about his Lola.

Nabalik lang ako sa huwisyo nang maramdaman ang paggapang ng kamay ni Xinna para hawakan ako. It seems like he could smell my hesitation and fear.

"Don't worry. I'm here. . ." alo niya.

Tumango ako at pilit tinatagan ang loob. Okay. It's now or never. We had fully decided to announce about us, there's no turning back anymore.

Pero kahit ganoon ang kabuuan ng lakas at paninindigan ko, halos manginig parin ang binti ko noong pumasok na kami sa sala. Kapitana Ceasearea, in her delicate terno dress, sophisticatedly lifted up her gaze which screams authority and coldness. Halos bawiin ko ang magkahawak naming kamay ni Xinna pero mas lalong hinigpitan ni Xinna iyon. Napalunok ako.

"Good evening, La," bati ni Xinna na siyang ikinagulat ko. Usually, he would leave me here and would approach her Lola for a kiss. I assume he stays beside me because of me.

Palagay ko ay napansin ni Kapitana iyon kaya mas dumoble pa ang panlalamig ng titig niya. Ibinaba niya ang magazine na binabasa niya kanina at saglit na namahay ang tingin sa magkahawak naming kamay. Noong tingnan niya ako, I could almost see the disappointment in her eyes. The same disappointment she showed me when she found out about my drunk scandal, noong pinatawag kami dahil sa pananabunot ko kay Amerlita noon.

"Good... evening po, Kapitana," I tried my best shot to maintain my confidence, but I think I failed.

"Good evening," she coldly replied. Nilingon niya ang minamahal na apo. "I heard you'll be cooking, apo. Can I borrow Rural for a moment? May sadya raw siya sa akin."

Alam kong napatingin si Xinna sa akin. Ako rin ay nagulat. Wala naman akong naalalang may sasabihin. Pero, Lola na niya ang nagsabi, tatanggi pa ba ako?

Ngumiti ako kay Xinna para i-assure sa kanya na puede niya akong iwan. "Susunod nalang ako," mahinang sabi ko sa kanya noong wala pa siyang balak umalis.

"Okay, then..." aniya kahit naroon ang pag aalinlangan.

"Sit," ani Kapitana.

Para akong tuta na agad sumunod sa iniutos ni Kapitana.
Isang beses lang akong nakipagmata sa mata kay Kapitana at ang iilang segundong lumipas ay nakatitig nalang ako sa mug niyang nasa ibabaw ng babasaging mesa.

"I heard from Kathey that she gave you a message for me," she said, straightforward.

Napaayos ako ng upo. "Oh... she wishes to send her regards, Kap," tiklop kong sinabi.

Any wrong move and any wrong words, ipapahamak ko ang relasyon namin ni Xinna. Huwag naman, ngayong wala ng Kathey na nakaharang sa aming dalawa.

"Oh. Any other news? From you? I didn't hear you for awhile," may kung anong ipinapahiwatig ang tono ni Kapitana. It's like she's provoking me to spill something that would justify her cold anger towards me. For a minute, I think for a strategic move na hindi magpapalabas sa aking sinungaling pero hindi niya rin ikakagalit. I'm buying time before we share our truth. It can be later but not now.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon