28. Pinky Parts

22 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 28

Time flew so fast. Simula noong bumalik ako rito sa Coastalic ay mas naging abala ang mga huling araw ng aking sembreak.

Tatlong araw na sunod sunod ang pagiging madalas ko sa school. Marami pa ang dapat tapusin para sa aming play kaya doble kayod ang ginawa namin ni Miss Zede. Dalawang meetings ko lang nakita si Reon simula ng dumating siya. Ang sabi ni Miss Zede ay lumuwas itong Maynila dahil sa operasyon ng kanyang Papa. Nobyembre 5 pa ito babalik, isang araw bago ang pasukan. Kaya sa Casting ay kami lang talaga ni Miss ang mamamahala na bukas na.

Ikatatlo ng Nobyembre ngayon. Kahit walang pang pasok ay maaga akong nagising. Awtomatiko ng tumutunog ang aking telepono kapag tumatama ang oras sa 4:30 ng umaga. Natapos na akong magsaing. Mamaya na ako magluluto ng ulam kapag natapos akong mag-jogging. Saktong kagigising palang niyan nina Auntie.

Bago umalis ng bahay ay sinulyapan ko ang taas. Patay pa rin ang ilaw sa makitid na balkonahe. Sobrang tahimik at wala akong kaluskos na naririnig. Unang pagkakataon siguro ito na hindi makakasama sa aking morning routine si Edom. Hindi na ako umakyat para gisingin siya dahil napansin ko kagabe na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Baka maistorbo ko lang siya sa kanyang pahinga.

Napagdesisyunan kong umalis na. Nilakad ko lang muna ang daan papuntang gate. Tahimik pa ang kalye. May isang aso na tumahol pagdaan ko pero bukod doon ay halos malamig na halinghing ng hangin lang ang tangi kong naririnig. I can almost smell the christmas spirit in the air. May iilang kabahayan din na kumikislap ang mga series lights sa labas ng pintuan at mga bintana. Medyo may kadiliman pa ang paligid, wala pa ang pang-umagang araw.

Pagkalabas ng gate ay saktong tumunog ang aking cellphone. Binuksan ko ang maliit na pouch na nakasabit sa aking balikat hanggang beywang, saktong lagyanan lang ng cellphone.

Xinna:

You done?

Parang nagising ang aking diwa pagkabasa ng kanyang mensahe. Kaagad kong inangat ang ulo at inilibot sa paligid. Hindi lang ang aking diwa ang nagising kundi pati ang aking puso ay mas nauna pang tumakbo sa akin.

Kumaway si Xinna sa akin nang magtama ang aming mga mata. Inalis niya ang pagkakasandal sa kanyang puting kotse hindi kalayuan sa akin. Kinain ng malalaki niyang hakbang ang distansyang namamagitan sa amin. He looks fresh and very handsome as ever. Kahapon ng umaga nakapang-jogging attire siya at noong isa pang araw ay nakajersey siya. Pero ngayon ay naka-loose pants siya at puting vee neck t shirt na mas lalo lang nagpalitaw ng kanyang karisma.

Uminit ang pisngi ko at napansin ang masakit na pagtibok ng aking puso. I can't believe this man likes me. I sometimes think he's not worthy of me. He deserves someone better... richer... sexier... prettier... than me. Hindi dapat ako. Wala akong kayang ipagmalaki sa kanya. Isa siyang tagapagmana... samantalang ako? Anak lang naman ng pamilyang malaki ang pagkakautang sa kanila.

"Ate?"

Napatigil ako sa pagsusulat ng aking takdang aralin sa biology isang gabe nang marinig ang medyo nanginginig na tinig ni Rossa sa kabilang linya.

I tore my eyes off the bondpaper and focused it on the wall. Ibinagsak ko ang lapis sa papel pagkatapos. "Rossa? Ano'ng nangyari?" kinakabahan kong tanong.

Palaging mahinhin at kalmado ang boses ni Rossa kapag nagkakausap kami. This is the first time she called me with a trembling voice.

"Si M-Mama... umiiyak..."

Tahimik sa kabilang linya. She's probably inside our room. And since it's already ten o'clock in the evening, my brothers are already fast asleep. Siya nalang ang gising. Sa sobrang tahimik ng kwarto ay mahina lang ang kanyang boses. My heart squeezed painfully when I heard her muffled sob.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon