Playing Provincial Proxy
Kabanata 25
Hinahabol ko ang hininga nang nasa bukana na ng sliding door ng opisina ng Presidente. Alam kong ilang hakbang nalang rin ay mahahabol na ako ni Xinna kaya binilisan ko ang paghagilap sa holder ng pintuan.
Halos mahulog ang puso ko nang may pumigil sa akin upang gawin iyon. Xinna is securely holding my hand.
"Ano ulit ang sasabihin mo?"
Sobrang lapit ng labi niya sa aking tenga na ramdam ko ang kalmado niyang paghinga kumpara sa akin na halos hihikain na ata sa sobrang kaba!
I can't even look at him in the eye!
"W-Wala... nakalimutan ko..." Seriously, Rural!
Humakbang si Xinna. Ngayon ay nasa harapan ko na siya. He's tall. I am 5"5' but my head is just leveled with his broad shoulders!
"You stopped me... you held my face... you stared at me... are you really expecting me to believe you?" he said in a drawl.
Kinagat ko ang labi. Kahit saan ko ibaling ang aking tingin ay doon niya rin ipipihit ang ulo. Wala na akong pagpipilian kaya pinilit ko ang sariling tingnan siya. Nakakatakot ito. Bawat segundong nakakasama ko siya... nakikita... unti-unti siyang gumagwapo sa paningin ko. At mukhang tanga itong puso ko kung makalukso na tila babasagin ata ang ribcage ko.
His deep stares is drowning me. His hooded eyes seem inviting me to get drowned. Iyong pagkalunod na wala na talagang ahunan.
Ngayon habang nakakatitig sa mga mata ni Xinna, nagkaroon ako ng pantasya. Na sana huminto nalang muna ang oras. O kaya ay bumilis ang takbo. Gusto kong manatili kaming nakatingin sa isa't-isa pero gusto ko ring bumilis ang takbo ng oras. Para dumating na iyong panahon na limot na namin ang lahat. Iyong wala ng espasyo sa pagitan namin. Iyong wala ng harang. Para kahit anong oras, madali lang para sa akin ang aminin ang lahat. Kaso... hindi, eh. Ito ang katotohanan. At nakakainis kasi mahirap siyang mabago.
"Nakalimutan ko nga. Sasabihin ko nalang sa'yo kapag naalala ko na."
Magaling naman akong magsinungaling pero mukhang hindi ako epektibo ngayon.
"How about the text?"
He can't get over with it, can he?
"Xinna, I can text whoever I want. And I don't need to report it to you every time I do."
Kumunot ang noo niya. Umatras at binitiwan ako. Alam kong hindi siya natuwa sa sinabi ko.
"I didn't tell you can't. You know you can talk with anyone except with one person."
Tumalikod siya pagkatapos noon at naunang pumasok sa opisina. Ilang segundo ko siyang pinanood hanggang sa lumiko na siya. Doon na ako pumasok.
Naabutan ko silang nag-uusap sa may receiving area. Panay ang ngisi ni Miss Zede habang may sinasabi. Nag angat siya ng tingin pagkakita sa akin.
"Rural, come. Sit beside Xinna. I ordered our snacks. It will arrive just minutes later... for now, why don't we chat about our postponed break?"
Nakaupo si Miss Zede sa maliit na karamel na sofa. Habang si Xinna ay nasa mahaba.
Hindi niya ako tiningnan. The heck. Nagtatampo ba siya?
Umupo ako sa kanyang tabi. Still, he didn't look at me. His expression is normal. Mukhang masungit at seryoso. Hindi mo mababasa kung naiinis, galit, o neutral lang siya.
Inilihim ko ang buntong hininga at tiningnan si Miss Zede. Tumaas ang kanyang kilay sa akin, waring nagtatanong. Oh. May napapansin din siya?
"Okay lang naman ang bakasyon ko, Miss. I enjoyed it."
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
Storie d'amoreHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections