30. Pressure Point

22 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 30

Sa sobrang pagmamadali ay halos paliparin ko na ang aking biseklita makarating lang agad sa lugar na sinabi sa akin ni Kai. Wala akong pakialam kung ito ay masira ulit malaman ko lang kung ano ang nangyari kay Xinna.

Noong lumiko ako ay kinagat ko ang labi sa lamig. My heart is beating painfully. Iyong puso ko parang winawasak ang aking ribcage sa sobrang lakas. Bawat pidal ko ay kapalit ang bawat pagdagdag ng kaba sa kung ano ang maaari kong madatnan doon.

Malaki ang pagpapasalamat ko nang walang traffic sa daan. Dahil nitong mga nakaraang araw ay palaging puno ng sasakyan ang mga daan dahil undas. Mabilis akong nakarating sa Waving Bar. Nagmamadali kong ipinara ang biseklita sa tabi ng itim na kotseng naroon sa parking lot.

Puno ng tao ang labas ng bar. Never pa akong nakapunta sa mga lugar na ganito, ngunit si George ay nakailan na. Kailan may ay hindi ako sumama lahit iniimbita niya. Kilala ang Waving Bar na ito sa Coastalic. Dinarayo ng mga sosyal na tao at mga bachelors or college students. Kahit nakasarado ang pintuan ay dinig ko pa rin ang malakas na tambol ng musika sa loob. The party must be already at peak. May iilang lasing na talaga.

Ilang kotse pa ang aking nilagpasan. I saw people making out ngunit hindi ko na pinansin.   Dederetso na ako sa pintuan nang may tumawag sa pangalan ko.

"Rural!"

Sinundan ko ang boses. Nahanap ko sila sa harap ng pamilyar na kotse. Kumakaway si Kai nang lumapit ako. Nakasandal silang dalawa sa harapan ng kotse. Medyo madilim sa labas ng bar ngunit nabibigyan ng pansamantalang liwanag dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw.

Tumigil ako sa harap nila. Hindi matanggal ang mata ko kay Xinna na nakahiga at nakapikit ang mata. His arms are spread like an eagle beside him. Upon the various lights, I can see his peaceful expression except for furrowed eyebrows. He looks like a total mess. A beautiful mess.

Kai struggled to stand up after a few seconds. Samantalang hindi kumilos si Xinna, tulog ata. Nagkamot ng batok si Kai at ngumisi. "Pasensiya na! Nadistorbo ata kita!" His voice is unnaturaly high while waving a cellphone in his hands. Kaagad kong nakilala kung kanino iyon.

Tiningnan ko si Kai. His eyes are still steady. But his posture is not. But he speaks sober, though.

"Hindi, ayos lang. Ano'ng nangyari, Kai?" Is this the emergency he's talking about?

Muli kong ibinalik ang tingin kay Xinna. Gumalaw siya kaya muntik ng mag-slide pababa. Nahuli ko ang kanyang braso. He groaned and wrapped his other free hand around my hips. I can smell a mixture of mint and liquor in his breath. I closed my eyes tightly for a second.

Kai chuckled while looking at our position. I'm struggling to stand up straight while going against Xinna's weight. "He's not usually this drunk whenever he goes here. I'm sure Tita Salem is not the only reason," aniya at pinasadahan ako ng tingin.

Kumunot ang aking noo. Hindi sinagot ni Kai ang tanong ko. Masyado akong naguguluhan. Hindi ko alam ang nangyayari.

"Kai, ba't... ano'ng emergency?"

Gumalaw ulit si Xinna sa aking bisig. Sinubukan ko siyang itayo upang ipasok na sa kanyang kotse ngunit hindi ko kaya ang kanyang bigat.

"Here... let me help you..." si Kai nang lumapit.

Inalalayan ni Kai sa kabilang braso si Xinna habang ako ay sa kanan naman. Sa backseat namin siya ipinasok. Napatingin ako sa kanya noong hindi niya binitawan ang kamay ko. Umungol siya.

"Dyan ka nalang sa tabi niya umupo, Rural." ani Kai na nakaupo na sa driver's seat.

Wala na akong nagawa kundi ang marahang ipwesto si Xinna sa gilid para makaupo ako. He held my wrist like he's very afraid to let go of something. Kumunot ang noo ko. Nang maisara ang pintuan ay agad na binuhay ni Kai ang makina at pinaandar ang sasakyan.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon