Playing Provincial Proxy
Kabanata 37
Nagpatuloy ang pagsikat at paglubog ng araw. Kahit ang mga nangyayari sa buhay mo ay tila nagpapatigil ng mundo mo, ang oras ay patuloy na tatakbo. Ang araw ay patuloy na lilipas. At ang bukas ay patuloy na dadating.
"Ows. Essay writing? Easy lang kay Rural 'yan!" nakangiting sabi ni Edom habang kausap namin si Sir Manansala. Katatapos lang ng aming online activity. He dismissed the class and ordered the two of us to stay.
Sinulyapan ko si Edom. Inaayos niya ang kanyang glasses. Tumingin si Sir Manansala sa akin. "Okay, Miss Gueliess, this is a division contest. The place of competition is in Saint Guirard University... I will put you on the Essay competition and you, Mister Yscario, in the Quiz bee."
Nagkatinginan kami ni Edom at sabay na tumango sa sinabi ng aming guro.
Some things may not be normal for me, but other things will remain the same... just like this. However, it cannot be denied that change is constant. Gaano mo man kagustong manatili ang isang bagay, dapat itong magbago, kahit pa minsan ay hindi na kailangan.
But not all change are bad and lonely. Some changes are good and happy.
This month is an English month celebration. Ang ibang estudyante ay abala sa paggawa ng kani-kanilang booth kaya hindi medyo maayos ang klase. May ibang pinuntahan si Edom. Samantalang tinungo ko ang daan papunta sa library. Mamayang alas onse ang paligsahang sasalihan ko kaya may oras pa akong mag-aral ng maaring paksa na ibigay. May pasok pa ata si George. At maaaring ganoon din si Xinna. Huling mensahe niya ay nasa klase na siya at may imbetaryo silang gagawin ngayon. Pero kahit ganoon ay nagtipa pa rin ako ng text para sa kanya.
Rural:
Nasa lib ako ngayon. May contest ako mamaya.
Halos desyerto ang library pagpasok ko. Siguro ay marahil halos abala ang lahat sa labas. Malaki at malawak ang aming silid-aklatan. Sa gitna ay may limang malalaking lagyanan ng libro, mga limang inches pa ang taas sa akin. Bawat lagyanan ay may mahahabang mesa na namamagitan doon. Kapag pumupunta ako ay nasa pinakasulok ako ng mesa palagi. Para tahimik at hindi ako madisturbo.
Nang makapili ng isang literary book ay naupo na ako kaharap ng bakanteng mesa. Sobrang tahimik ng paligid na halos marinig ko na ang pag uusap-usap ng mga libro sa paligid ko. Tahimik kong pinapasadahan ng tingin ang isang tekstong binabasa nang may anino akong naaninag, nakatayo sa aking harapan. Naramdaman ko ang literal na pagpitik ng puso pagkakita kay Xinna. He's dressed in his all white uniform with a white mask beneath his chin. Our library is old and classic in design and watching him in front of me... Xinna stands out. He always stands out wherever he goes.
"A-Akala ko may klase ka pa?" sabi ko noong makabawi sa biglaan niyang presensiya. Sobrang hina pa ng aking boses, baka sakaling may makarinig o makapansin sa amin.
Umupo siya sa mismong upuan, katabi ko. Hindi pa siya nakuntento sa distansya namin, mas lumapit pa siya. Isang kilos ko lang ay nasasagi ko na ang kanyang braso.
"I have...pumuslit lang ako para makita ka." Matapos ng mataman niyang tingin ay sinulyapan niya ang librong hawak ko. "Nagkakaroon ka palang ng laban kahapon. Meron na naman ngayon..."
Lumunok ako, hindi makalma ang puso. I nodded, trying to look okay even though I know my system is high right now because of his presence. "Oo...Kanina lang sinabi ng guro namin."
Ipinatong niya ang siko sa mesa at inilagay ang pisngi sa kanyang kuyom na kamao. He stared at me like an experiment he's trying to understand. "Are you still mad at me?" napapaos niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections