53. Pagkaing Pampamilya

10 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 53

AFTER A WEEK, Papa got discharged. Sinabi ni Mama na hindi pa ganoon ka-stable ang lagay ni Papa pero kapag nanatili pa siya sa ospital ay wala na kaming ipapambabayad. Pero, sinigurado naman ni Doctor Tian na puede naman talaga siyang i-discharged basta i-maintian niya ang pag inom ng gamot. Pinagbawalan na rin siyang mag-inom at manigarilyo.

Tatlong araw bago ang Christmas vacation ay foundation day namin. Ilang araw akong nawala at hindi nakapasok dahil sa insidenteng nangyari kaya kailangan kong bumawi ngayon. Umaga palang ay nagising na ako. Himala nga at medyo bumait si Auntie sa akin. I'm sure dahil iyon sa narinig niyang nangyari sa akin. At least, she cares... a little. Okay na iyon sa akin. Matapos ko silang lutuan ng pang umagahan ay lumabas na ako.

Nakaabang si Xinna sa gate paglabas ko. He's wearing a white shirt and simple pants but he still looks stunning as ever.

"Good morning," he greeted with a charismatic aura.

"Good morning!" ngiti ko. Masyado na akong naging gloomy these past few days. Ayaw kong palagi niya akong nakikitang malungkot at nanghihina. Even though deep inside I'm still in the process of healing, it's good to smile, especially that despite of what's happening in my life, Xinna is there to keep me secure and smiling.

Iginapos niya ang aking beywang at pinatakan ng mabilis na halik sa noo. Pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng passenger's seat para papasukin ako. Sinundan ko siyang tumabi sa akin. I tried to fix my bike but the damage is too much. Hindi nga ako naging kritikal pero iyong biseklita ang nasalang sa malalang kondisyon. Hindi ko na maayos kahit ipinaayos ko. Pero umaasa parin akong maging maayos iyon.

"Sign na siguro 'yan para kalimutan mo ang past mo. Huwag mo ng piliting ayusin kung di na maayos ayos,"

Inilingan ko si George. Inaayos niya ang tolda ng aming booth dahil tapos na ang kanila kahapon. "Naging paborito ko na ang bike na 'yun kahit papano," sabi ko.

Photobooth ang amin. Kinuha ko iyong kamera na pagmamay ari ni Jebb at inilagay sa estante.

"Can we take a photo together later?"

Huminto ako sa ginagawa at napalingon sa mga bagong dating. It is a one breezy morning. Kathey is wearing a clean white sleeveless top and high-waist fitted pants. Nakaipit sa dalawang kamay ang mamahaling bag habang isinasayaw ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Lumipat ang tingin ko kay Xinna na nasa tabi niya. He's staring at me. No defensive moves. He was like telling it's all nothing.

I understand. I know they're over. And I trust him.

"Hello, Rural. Can I talk to you for a moment?"

Nagulat ako sa sinabi ni Kathey. Simula noong umiyak siya sa birthday party ni Circo, ngayon lang ulit kami nagkita. Kaya nakakapagtakang inaya niya akong makipag usap gayong wala naman ata kaming pag uusapan.

Sinulyapan ko si George na tahimik lang ding nagmamatyag. "She wants to talk to you, Rural." Xinna nodded at me, as if cheering me on. Gusto mang kumunot ng noo ko ay pinigilan kong gawin. Based on what he said, it looks like they already talked about it.

After a moment, I also nodded. Nilampasan ko si George at Xinna. Nauna rin ako kay Kathey. Alam kong nakasunod siya sa akin. It's surprising that she's here so early, when in fact, parang wala naman ata siyang gagawin rito. They are BS Biology students. And they're already seniors. Sa pagkakaalam ko, hindi na sila kasali sa booth na ito. Tapos na ang booths nila, to be exact. Noong isang araw pa. Ano 'to, sinadya niya talagang pumunta rito? Para ba makausap ako o para kay Xinna?

Huminto ako noong nasa pinakagilid na ng malawak na Grand Stand. Mayroong mga monoblock roon pero hindi na ako umupo. Whatever she wants to say, I assume it's not that long for us to give ourselves a seat.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon